CHAPTER 092 - No Rights

Start from the beginning
                                    

Matagal siyang nakatitig sa mukha nito; tulad ni Trini ay wala na ring ibang salita ang namutawi sa mga labi niya. Sa mabilisang paraan ay sinuri niya ng tingin ang kabuoan ng mukha nito. Those dark circles under her eyes were evident-- siguradong tulad niya ay hindi rin ito nakatulog nang mahimbing kagabi. Ang buhok nito'y tila madalian lang nitong tinali-- and he knew her too well. Hindi ito aalis nang hindi nakaliligo. But this time, her hair was oily; which meant she hadn't taken a bath yet. Ang mga labi nito'y tuyot, at doon siya sinalakay ng kung anong awa at inis.

Awa dahil hindi niya kayang makita ito sa ganoong kondisyon, at inis dahil kung nasasaktan at nahihirapan na rin ito'y bakit hindi pa nito ipakipag-usap sa kaniya ang problema?

            He let out an exasperating and irritated sigh.

He missed Trini and he wanted to hug her. They hadn't been intimate for weeks now, and he missed kissing and hugging her...

At kahit na may kaunti siyang sama ng loob dito dahil sa nangyari kahapon ay hindi niya ito kayang pabayaan na lang.

            "You don't need to take a cab," aniya rito makaraan ang ilang sandali. "Just use my truck instead."

            "Pero—"

            "Hindi ko madalas na nagagamit ang truck, at mas masisira lang engine kung hahayaan ko na lang na naka-tengga nang matagal. Use it for me."

            "W-Well, if you insist. Gagamitin ko muna, pero ngayong araw lang."

            Ibinalik niya ang pansin sa sasakyan ni Trini. "Ano'ng plano mo sa sira mong sasakyan? Do you want me to fix it still?"

            "Yeah, sure." Iyon lang at kinuha na nito ang bag sa driver's seat. "Nasa keychain mo ang susi ng truck, 'di ba? Ako na ang kukuha."

            "Nasa workshop ang susi ko, sa ibabaw ng working table."

Walang ibang salita na tumalikod na ito at akmang tatawid ng kalsada nang tawagin niya itong muli. Huminto si Trini subalit hindi lumingon.

"Do you want to eat dinner with me tonight?"

Ilang segundo muna ang pinalipas ni Trini bago sumagot. "No, Gene. Gagabihin ako ng uwi mamaya dahil may mga papeles akong kailangang asikasuhin."

            Wala na siyang sinabi pa hanggang sa tumalikod ito at humakbang patungo sa workshop. Ilang sandali pa ay inilabas na ni Trini ang truck. Hindi na ito nag-abalang magpaalam pa sa kaniya. She just drove the truck past him as if he was some kind of a stranger that didn't matter to her.

           At labis siyang nasaktan doon.

*

*

*

            IT WAS TEN IN THE EVENING; WALA PA RIN SI TRINI. Hindi na nakatiis pa si Gene. Lumabas ito ng bahay at sumampa sa motorbike.

Ipinaharurot niya iyon hanggang sa marating ang facility sa bayan. Subalit pagkarating doon at makitang sarado na iyon at wala sa harapan ang truck niya na gamit nito noong araw na iyon ay lalo siyang nagtaka.

            Trini was not answering any of his calls, her phone just kept ringing.

            Well, nasanay na siyang sa nakalipas na mga araw ay hindi na nito gaanong sinasagot ang mga tawag niya. At may dahilan itong hindi sagutin ang mga tawag niya dahil sa naging pagtatalo nila kahapon. At kahit na hindi rin maayos ang naging paghaharap nila kaninang umaga, umasa siyang kahit papaano ay umayos na ang takbo ng utak nito at sasagutin na ang mga tawag niya.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now