CHAPTER 028 - The Challenge

558 22 3
                                    



"PSST. DINNER'S READY. TIGILAN MO NA 'YAN."

Nag-angat ng tingin si Gene mula sa pagkakayuko sa ginagawang makina ng sasakyan nang marinig ang tinig ni Trini mula sa connecting door ng kusina. Nakita niya itong nakasandal sa hamba ng pinto, at nakahalukipkip habang hawak-hawak sa isang kamay ang cellphone.

Tuwid siyang tumayo at hinubad ang suot na mga gloves. "Akala ko ba ay walang meat sa freezer kaya hindi ka makapagluto? I thought we're going out for dinner."

Napanguso ito. "Napagod na ang mga paa ko sa pag-akyat-baba sa tatlong palapag na building ng munisipyo. Halos inikot ko na rin ang buong building na 'yon makakuha lang ng permit. Bakit ba hindi uso ang elevator dito sa Ramirez?"

Nagkibit-balikat siya. Isinabit niya ang mga gloves sa hood ng kotse na kaniyang ginagawa at naglakad palapit dito. "So, what are we having for dinner?"

"I ordered a bucket of fried chicken and a 12-inch pepperoni pizza."

"OK, another high-calorie food. Paunahan ba tayong mamatay nito, Trinidad?"

Napanguso si Trini at tumalikod na. "Ang dami mong reklamo, ikaw na nga itong inaasikaso."

Napangisi siya at sumunod dito. Nang marating nila ang kusina ay kaagad siyang dumiretso sa lababo upang maghugas ng kamay. Si Trini naman ay inilabas ang malaking bucket mula sa paperbag ng kilalang fastfood restaurant.

"I still think we should stop eating fast food, Trinidad. In my case, tuwing umaga ay tumatakbo ako sa buong subdivision kaya walang problema. But in your case, you don't do much to sweat off. Papaano mo ilalabas ang duming ipinapasok mo sa katawan mo?"

Hindi ito sumagot dahil inabala na nito ang sarili sa paghahanda ng mga platong gagamitin nila. Pero nang may mapagtanto siya'y salubong ang mga kilay na nilingon niya ang kaibigan. Napatingin siya dalawang platong inilapad nito sa mesa, at sumunod ang tingin niya rito nang makitang kumuha ito ng mga kubyertos sa drawer.

"What are we eating again, Trini?" he asked, still frowning.

Humarap si Trini dala-dala ang ilang pares ng kutsara at tinidor. Sa isang kamay nito ay ang cellphone kung saan ito kasalukuyang nakayuko.

"Hmm?" tugon nito, nasa cellphone ang buong pansin.

"I asked what we are eating tonight."

Ipinatong muna ni Trini ang dalang mga kubyertos sa ibabaw ng mesa bago sumagot. "Pizza."

"Do we need plates and utensils to eat pizza?"

Atubiling inalis ni Trini ang tingin sa cellphone at sinulyapan siya; halatang wala sa mga sinasabi niya ang pansin nito. "Come again?"

Lalo siyang nagtaka. Pinatay niya ang gripo matapos maghugas ng mga kamay bago sumagot, "Do we need plates and utensils to eat pizza and chicken?"

Nagsalubong din ang mga kilay ni Trini sa pagtataka kung ano ang ibig niyang sabihin, kaya ipinilig niya ang ulo upang isenyas ditong tumingin sa mesa. And Trini did. At nang makita nito ang mga inihandang plato's kubyertos ay napasinghap ito.

"Oh shoot, what am I doing?" Taranta nitong inilapag ang cellphone sa ibabaw ng mesa saka isa-isang inalis ang mga inilagay roon at ibinalik sa tamang lagayan.

Salubong pa rin ang mga kailay na hinila niya ang basahang nakasabit sa handle ng oven. At habang nagpupunas ng mga kamay ay muli siyang nagtanong.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now