CHAPTER 057 - She Has To Stay

523 23 0
                                    







"SALAMAT SA ALMUSAL, LAWRAH. NABUSOG AKO," ani Trini matapos kumain. Bitbit ang plato ay tumayo na ito at lumayo kay Gene na habang kumakain ay nasa ilalim ng mesa ang kamay ay nanunukso.

Hindi alam ni Trini kung ilang beses itong muntik nang mabilaukan sa tuwing napapadiin ang pagdama ni Gene sa binti nito. She would jump, shiver, or gasp everytime Gene's hand would go up to her thigh, closer to the danger zone.

Hindi sa ayaw ni Trini ang ginagawa nito. But Lawrah was already noticing, and she wasn't comfortable. Kaya gustuhin mang magtagal pa ni Trini sa tabi ni Gene ay minabuti nitong bilisan ang pagkain at mauna nang tumayo.

"You only had a slice of French toast and a few bites of omelet," sabi naman ni Gene, nasa mga labi ang pigil na ngiti.

Dinala muna ni Trini ang plato sa lababo bago sumagot. "Naalala kong may gagawin pa ako sa bahay."

"Really?"

"Yeah, really. There was a mess on the carpet and I need to clean it up."

Ang akmang pagsubo ni Gene ay nahinto nang marinig ang sinabi ni Trini. Napalingon ito sa direksyon ng dalaga. "You need help?"

Trini, who was now washing her hands at the sink, looked over her shoulder and met Gene's eyes. "If you want?"

Gene understood what it meant.

It was an invitation.

And he was up for it.

Muli itong ngumisi at tumayo na rin. Isinubo muna nito ang omelet na nasa tinidor bago hinarap si Lawrah na patuloy sa pagkain subalit ang tingin ay palipat-lipat muli sa dalawa.

"It was nice of you to cook breakfast, Lawrah. Ako na ang bahala sa hugasin."

Maagap na umiling si Lawrah, tumayo na rin. "Ako na rin sa hugasin, Sir Gene. Kung may gagawin pa po kayo sa bahay ni Ma'am Trini ay--"

"Just call us Gene and Trini, hindi mo kami amo," sabi pa ni Gene bago humakbang patungo sa lababo. "And I insist. I'll take care of the dishes."

Nalipat ang tingin ni Lawrah kay Trini nang humakbang naman ang huli pabalik sa mesa bitbit ang kitchen tissue na ginagawang pamunas ni Gene doon. "Ako na ang magliligpit ng mesa, Lawrah. You can go to the living room and relax. Maybe watch the rain through the window, or watch movies on the TV."

"Nasa... living room po ba si Sir Aris?"

"Well, pagpasok ko kanina ay nasa sala siya." Nahinto si Trini sa tabi ni Lawrah. "Are you scared of him?"

Napayukong muli si Lawrah. "Lagi siyang nanininghal at galit siya sa akin. Hindi ko pa siya gaanong kilala at hindi ko alam kung kaya niyang manakit ng babae, pero natatakot ako sa kaniya."

Si Gene ay napalingon sa kinaroroonan ng dalawang dalaga. Saktong napatingin din si Trini rito kaya nagsalubong ang mga mata nila. But they weren't flirting this time. They were both concerned about Lawrah.

"Hindi ka sasaktan ni Aris," panigurado ni Gene sa seryosong tinig. "He would scold you, but never would he physically hurt you. Inamin mong may kasalanan ka, kaya siguro naman ay naiintindihan mo kung bakit galit siya sa 'yo?"

Tumango si Lawrah.

Nagpatuloy si Gene. "His rage will pass, so don't worry. Kung tutulungan mo siyang mahanap ang kapatid mo ay baka magbago ang isip niya at pakisamahan ka nang maayos. I won't stick my nose into your issues, but just in case Aris hurts you, let me know. I'll give you my number."

Muling tumango si Lawrah.

Ibinalik ni Gene ang pansin sa lababo at inumpisahan na ang paghuhugas. He wanted to get this done with so he could go back to Trini's house.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now