CHAPTER 040 - Be Careful What You Wish For

598 23 21
                                    




APAT NA METRO ANG HABA AT DALAWANG METRO NAMAN ANG LAPAD NG PRIVATE HOT SPRING SA BAWAT COTTAGE. Tanging ang glass sliding door ang pumapagitan sa bedroom at sa hot spring area. Ang nakapaligid sa hot spring ay mga bilog at malalapad na mga bato na nagsisilbing sahig ng area, at ang pader na nakapaligid ay natatakpan ng mga Chinese bamboo na ang taas ay umaabot sa tatlong metro. Ang apat na malalaking outdoor lamps lamang ang nagbibigay liwanag sa area na iyon, at ang mga tropical plants na organisadong naka-tanim sa paligid ay nakadadagdag ng magandang ambiance.

"OK, I'm ready to hit the water," anunsyo ni Trini na ikina-lingon ni Gene.

He was staring at the four-meter long pool while waiting for Trini to wear her bikini. She was wearing the one she wore earlier; nilabhan at pinatuyo iyon ng dalaga matapos nitong maligo sa dagat kasama si Deewee kanina. May baon itong manipis na t-shirt at maong na shorts at iyon ang suot nito kanina habang nagdi-dinner sila.

Gene could only let out a sigh.

He was used to seeing Trini in a bikini as she would always change clothes in front of him, pero ngayon lang nagkaroon ng matinding epekto sa katawan ni Gene ang makita ang kaibigan na iyon lang ang suot.

Before, whenever Trini would wear a two-piece bikini, he would reprimand her and tell her that she was just showing too much skin and that it didn't look good.

Now, he wanted to do nothing but stare at her delici—no, awesome body.

It was too early for him to think about nasty shits; ayaw niyang pantasyahin ang kaibigan lalo at wala pa itong ideya sa nilalaman ng isip at puso niya.

Damn it, I've had enough of beer today. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko ngayon, suway niya sa sarili.

"Bakit hindi ka pa lumulusong sa tubig?" tanong pa ni Trini; itinatali nito ang buhok habang naglalakad palapit.

"I was waiting for you," sagot niya. His eyes lowered to Trini's abdomen. Gusto niyang sabihin na lumobo na naman ang tiyan nito sa dami ng kinain kanina, pero iba ang lumabas sa bibig niya. "You look awesome."

Nahinto si Trini, sandaling natigilan.

Shit, mura niya sa isip. He wasn't supposed to say those words! Hindi siya ganoon! Dapat ay sinabi niya kung ano ang dapat na sinabi niya—ang buskahin ito, suwayin, at pagsabihan na naparami na naman ito ng kain. Something he would usually say; something he would normally do.

Hindi ganito.

Damn it.

"Talaga?" ani Trini nang makabawi. Bumungisngis ito saka itinuloy ang paglapit. Nahinto ito sa tabi niya. "Kahit hindi kita tanongin ay kino-compliment mo na ako, ah? Ayos, dahil ba sa pitong baso ng beer na tinungga mo buong araw kaya ang sweet mo ngayon?"

Lihim siyang nagpasalamat na hindi nag-isip ng iba si Trini. He smiled back at her and said, "Maybe it's the beer, but you really look awesome in that bikini. The color suits you."

Stop it, Gene.

Lalong napahagikhik si Trini at humakbang pa hanggang sa marating nito ang gilid ng pool kung saan nito inilapag kanina ang mga dala. Naupo ito roon at inilusong ang mga binti sa maligamgam na tubig. Lumingon ito at tinapik-tapik ang gilid ng pool na gawa sa granite.

"Don't just stand there. Hali ka na't maupo ka rito."

Lumapit siya at naupo sa tabi nito. Ang bote ng gin, ang plastic na may lamang sliced lemon, at ang shot glass lang ang nakapagitan sa kanilang dalawa. The gin bottle was still sealed. Binuksan niya iyon at nagsalin ng kalahati sa shot glass.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now