CHAPTER 073 - Inked Forever

463 17 0
                                    



NAPANGITI SI GENE NANG SA PAGLABAS NIYA SA BANYO AY NAKITANG GISING NA RIN SI TRINI. She was still in bed, covered with a thick blanket, eyes half-open, hair dishiveled. Hawak nito sa kamay ang remote control ng TV at naghahanap ng channel.

Inihagis niya nang kung paano na lang ang hawak na towel na kanina'y ipinupunas sa basang buhok bago lumapit sa kama. He had nothing on his body but a piece of towel wrapped around his waist. Katatapos lang niyang maligo. Yumuko siya at dinampian ito ng halik sa pisngi. "Good morning."

Trini tilted her head to the side and said, "I can't get up..."

"Why not?"

"You broke my legs."

Hindi niya napigilan ang matawa. "But you asked for it."

Napanguso ito, ang tingin ay nasa TV pa rin. "Ang hirap mong hamunin, ginagawa mong literal."

Lalo siyang natawa at itinuwid na ang sarili. "Uulit ka pa?"

"Syempre naman, masokista ako, hindi ba?"

He couldn't stop his laughter.

God, Trini was the best thing that ever happened in his life. Not just her per se, but this relationship. Hindi siya nagsising tinawid niya ang pagkakaibigan nila.

"It's already eleven in the morning. We have to get up now and meet everybody for lunch."

Napa-ungol ito at tumihaya. Ang remote na hawak ay basta na lang nitong binitiwan. "I am sore all over, Gene... Papaano ako bababa sa hagdan nang hindi sila magtatanong kung ano ang nangyari?"

"Eh 'di sabihin natin ang totoo. My brothers are not saints, Trini. For all we know, mas malala pa sila."

"Si Tita Feli at sila Aling Patty ang inaalala ko, ano."

"If you're worried about what they might say, I'll just carry you downstairs."

Lalo itong umungot.

"I'm dead serious," he said, chuckling. "Kung hindi mo kayang bumaba nang ikaw lang ay bubuhatin kita. And I don't care what my brothers would say about me anymore. I am so fucking in love with you at wala na akong pakialam kung tuksuhin nila ako buong araw."

Doon na ngumisi si Trini, tumagilid, at ipinatong ang ulo sa isang kamay. "Alam mo, nagiging sweet ka nitong nakaraang mga araw."

"What do you mean? Hindi ba at lagi naman akong sweet?"

"Well, yes. Pero nami-miss ko rin ang pambubuska mo sa akin noon."

"Gusto mong buskahin ulit kita?"

"Hindi ba tayo pwedeng maging best friends ulit pero lovers din? Pwede naman 'yon 'di ba? Nakakaumay din ang sobrang sweet, aba. Mag-away naman tayo minsan."

Muli siyang yumuko at banayad na pinitik ang noo nito. "Stop it, ayaw kong mag-away tayo. Kaunting pagtatalo nga lang kung sino ang nag-iwan sa backdoor na nakabukas dahilan kaya nakalabas ang mga pusa mo'y nag-aalala na ako, mag-away pa kaya?"

Muling ngumisi si Trini. "Natatakot kang mag-away tayo at iwan kita?"

What Trini said shut him up. It was something he didn't see coming.

Bakit bigla nitong nasabi iyon?

Weird. Pero parang kagabi lang nila napag-usapan ng ina niya ang tungkol sa bagay na iyon.

And it made him think.

Paano nga kung dumating ang araw na mag-away sila at umalis ito sa tabi niya? Just thinking about it scared him to death. Biglang tila siya nakaramdam ng panlalamig sa buo niyang katawan.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now