"Uy Marlon, wag mo naman tanungin ng ganyan ang Ate mo baka mapasagot mo siya ng OO. Nandito pa naman ako at baka marinig ko." Nakangising turan ng Negro!

"Ayaw mo non Kuya? Malalaman mo ang totoo." Wika naman ng ususirang kapatid ko sa Negro.

"Na....—" saglit na sumulyap sa akin si Marlon bago ipagpatuloy ang naputol na sasambitin. "Na mis na mis ka naman talaga niya." Malapad ang ngiting sabi na iyon ng bata.

"Sus! Sabi na eh!'

"Manahimik kayong dalawa!" Singhal ko sa kanilang dalawa.

Pareho silang napatalon sa lakas ng boses ko.

"Mahal wag ka naman sumigaw."

"Oo nga Ate! Nakakatakot ka pa naman."

Pinaningkitan ko ng mga mata ang dalawa. 

Humakbang ako palapit sa kanila. Inangat ang mga kamay ko handa na silang sunggaban pero bago pa iyon mangyari ay may pumasok na matandang lalaking may suot na sumbrelo gawa pa sa dahon ng niyog. Kaagad na ibinaba ko ang mga kamay at umatras palayo sa dalawa at hinarap ang bagong dating na matandang lalaki.

Akmang magsasalita uli ako ngunit kumunot ang noo ko ng biglang tumakbo palapit rito ang kapatid kong si Marlon.

"Mang Cardo! Si Ate nasigaw po!" Sumbong ng bata sa matandang lalaki.

"Bakit naman sumisigaw ang Manang Myrna mo balong?" Balik-tanong naman ni Mang Cardo sa kapatid ko.

Bahagyang sumulyap ang bata sa aming dalawa ni Noli at saka nito ibinalik ang atensyon sa matandang kausap.

"Inaaway po ni Ate Myrna si Kuya Noli!"

Awromatikong umangat ang isa kong kilay sa pag susumbong ng bata kay Mang Cardo.

Ang matandang lalaki naman ay nalipat ang atensyon sa amin.

"Madi nga mayat nu agsinumbatan kayu ti sango ti ubing."

"Haan met angkel," Si Noli. "Agkankantiyaw da kame laang."

Bahagya akong natigilan ng marinig ang pagsasalita ng Ilokano ni Noli. Matagal-tagal ko na kasing hindi ko siya naririnig gumamit ng diyalek naming iyon. Karamihan kasi sa lugar namin ay nagtatagalog kahit purong Ilokano naman. Siguro ay nakasanayan na.

"Mang Cardo ano nga po pala ang ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa matandang lalaki na siyang nagpalipat-lipat naman ng tingin sa amin dalawa ni Noli.

"Agda lang kuma ti kumpirmahin." Ani Mang Cardo sa lalaki. Ang tuyot at nabibitak na nitong mga labi ay may nakapaskil na ngiti. 

"Tungkol naman po saan?" Nagtatakang tanong ko kay Mang Cardo.

Bahagya munang sumulyap ang matanda kay Noli bago sagutin ang katanungan ko. Ngunit ang naglalarong ngiti sa tuyot at namimitak na mga labi ng matanda ay hindi pa rin nawawala.

"Nabsublian ba kayon Balong?" Na kay Noli ang atensyon nito.

Ako naman ay nanlaki ang mga mata dahil sa tanong na iyon ng matanda sa Negro

"Mang Cardo! Ano hong sinasabi niyo?!" Bulalas na tanong ko sa matandang lalaki.

"Wala akong sinasabi balasang, Nagtatanong lamang ako kung nagkabalikan na ba kayo nitong nobyo mong si Noli. Nagkabalikan ba kayo?"

Mabilis akong umiling.

"Hindi po Mang Cardo! Malabong mangyari 'yon!"

"Bakit parang dumedepensa ka?"

"Oo nga. Halatang hindi totoo ang sagot." Pagpaparinig ng Negro sa gilid.

Sinikmatan ko ang lalaki.

"Manahimik ka ngang Negro ka!"

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now