"Yes, Honey?"



"Hindi ako uuwi ngayon."



"Why? Kasama mo ba kabit mo!?" Natawa naman ako.


"Loyal ako, Peach."Tumawa naman sa kabilang linya.


"How's Tito Peirce?"


"He's fine. Gusto ko pa siyang kulitin."


"Talaga ba? Bakit kasi hindi mo ako isinama? Mabuti na lang at kasama ko si Flair ngayon." Natigilan naman ako.



"Are you with, Flair?"


"Ay bingi. Kasasabi ko lang di ba?" Pilosopong saad niya kaya naman napahawak ako sa noo.


"Mabuti naman at kasama mo siya. Kumain ka ng dinner mo, i-lock mo ang pintuan bago ka matulog lalong lalo na ang bintana mo. If hindi mo kayang mag-isa pumunta ka na lang sa bahay ng Daddy mo at doon ka matulog o ’di kaya isama mo na lang si Flair."



"Haha! Grabe ka! Daig mo pa na asawa mo ako."



"Why not? S’werte ka na sa akin."



"You can't."



"I can marry you, right now." Natahimik naman sa kabilang linya. "Are you still there?"


"She's in the bathroom now." Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. It was Flair's voice.



"G-gano’n ba?" Napahilamos naman ako. "I'll end this now. Ingat ka...yo." Bago ko pinatay.




Nag-dinner pa kami kasama si Manang. Pinagmasdan ko si Daddy na tahimik lang na kumakain. Pansin ko na nangangayayat na talaga siya. Nang matapos ang dinner umakyat na ako sa kwarto ko at naligo bago nagpalit ng pantulog bago muling lumabas at pinuntahan si Dad sa kanyang kwarto. As usual he's working again.



"Dad,why don't you try to rest?" Itiniklop ko ang laptop niya. "Daddy, huwag mo naman pong pahirapan ang sarili mo. Namamayat ka na."



"Ang anak ko talaga." Naiiling na sabi niya.
"Sandali may ibibigay ako sa iyo." Kinuha niya ang isang red velvet box sa drawer niya bago iniabot sa akin.



Kinuha ko naman bago tumingin sa kanya. "Ano po ito?"



"Wedding ring na ibinigay ko sa Mom mo noon." Binuksan ko at tiningnan. Totoo nga.


"Bakit po nasa iyo na ’to?"


"Ibinalik niya sa akin." Malungkot na tumingin ako sa kanya. "Nang pirmahan ko ang divorce paper ibinalik niya sa akin ’yan."



"Bakit mo po ibinibigay sa akin?"


"Para ingatan mo."


"Dad?"



"Grace, keep it. Gusto kong makita ’yan na nakasuot sa daliri mo." Natawa ako pero nagseryoso rin.


"Bakit po hindi niyo ipinaglaban si Mommy?"


"Ang tanong bakit hindi ako ipinaglaban ng Mommy mo? Ipinaglaban ko ang Mommy mo. Mahal ko siya. Siya ang first love ko na akala ko hanggang huli na."


"Bakit po ba hinayaan niyo siya na mawala sa’yo? Hindi mo na po ba mahal si Mom?"


"Mahal na mahal, Grace. Kaya lang kapag ’yong taong mahal mo na mismo ang gustong kumawala sa ’yo wala kang magagawa kundi ang palayain siya kasi mahal mo." Napalunok naman ako.


"Dapat bang palaging ikaw ang nag-aadjust, Dad?"


"Hindi naman palagi. Sa pag-ibig minsan panalo ka pero minsan talo at dahil mahal mo siya kailangan mo siyang pakawalan kahit pa labag 'yon sa loob mo." Napakagat labi naman ako.


"Parang natakot na rin ako."


"Iba naman kasi tayo. Kaya ikaw hanggang nadyan pa huwag mo na siyang pakawalan pa dahil baka makuha pa siya ng iba at sa huli magsisi ka." Natawa ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa singsing na hawak ko. "Ikaw, kailan mo ba ipapakilala ang taong nagpapatibok ng puso mo?" Natigilan ako.



"Sabi niya baka confused lang ako sa nararamdaman ko." Tinapik niya ang balikat ko.


"Na-reject ka ng lalaki?" Kumunot ang noo ko.


"No, Dad. Gusto ko pong magtapat sa inyo." Nagseryoso ang mukha niya. "Gusto ko po na ikaw ang unang makakaalam nito."




"Na ano?"



"I-I'm in love with a...girl." Sandaling natigilan si Dad. "And this girl she's different. Sa kanya ko lang po naramdaman ’to." Hinawakan niya ang kamay ko.


"Palagi kitang susuportahan sa mga desisyon mo pero sa mukha mong ’yan mukhang nahihirapan ka."



"Hindi po kasi siya naniniwala sa akin. Akala niya pinaglalaruan ko lang ang feelings niya. Kaya niya siguro nasabi na confused lang po ako." He smiled.



"Gusto mo bang kausapin ko siya?" Umiling naman ako.


"I can handle this, Dad." Niyakap ko siya. "Thank you so much po sa pagtanggap." Lumayo ako sa kanya.


"Hindi na bago sa akin ang ganyan." Natigilan ako. "My half sister is also a bisexual." Natigilan ako.



"Si Tita Stuart po?" Tumango siya. "Kaya po pala hindi siya nagkaroon ng asawa." Umiling siya.




"She's married with her wife, Charlotte." Napaawang ang labi ko. "Hindi nga lang sila dito nagpakasal dahil hindi naman approved ang same sex marriage sa pilipinas." Kumurap naman ako. "And her wife is her best friend."


_________________________________

:)

A/n: Si Stuart po is 'yong nasa isa ko na account 'yong Shaun_writes po. Almonte Series kasu 'di natuloy ang story niya kasi hindi ko na naopen ang acc na 'yan. Thank you, ciao!

She Owns My Lips || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon