Chapter 54

321 6 0
                                    

Gabi na ng makaalis kami sa magarang party na yun. Sandra was almost tipsy influenced by Rygo knowing as a heavy drinker.

Nalaman kong kabatchmate niya si Sandra nung IT student pa siya.Shiftee kasi sa BS Crim tong si Rygo ng maging kaklase ko sa block namin noong kolehiyo.

Si Silver ang nag-alalay sa kaniya sa kaniyang kotse habang kami pa rin ni Zianne ang magkasama.

Nang dumating kami sa Villa ay gabi na at tahimik ang buong village.

Tutulungan sana ni Zianne si Sandra ngunit si Silver na mismong nagsabing kaya niya na, at mag-isang binitbit papasok ang tulog na katawan ni Miss Sandra.

Hinintay ko siyang pumasok at susunod na sana ko pero sumimangot lang ito sa halip.

“Ang daya niyo, kayo lang nag-enjoy kanina sa party.Hindi niyo ko sinali.” pagtatampo nito umano sabay titig sa kawalan na parang pasan niya ang mundo.

Natawa tuloy ako at mukhang seryoso nga siya sa tampo niya. Kinurot ko tuloy ang pisngi nito, total nahawa na siya sa kaisip-bata ni Ma'am Sandra.

“Hindi nga ko nag-enjoy kanina. Nastress lang ako sa kakulitan ng kaibigan ko.” sambit ko which is totoo naman.

“Ouch, bakit mo pinisil tong chicks ko. Mamumula! Girlfriend ko lang dapat ang pupwedeng gumawa nito sakin.”

“Bakit, may girlfriend ka?” gulat kong tanong.

“Wala! Grabe ka naman kung makagulat.”

“Ano ka ba, hindi sa gano'n.”

“Eh kung ikaw kaya ang kurutin ko sa pisngi—

Lumapit na nga siya saking puwesto at mag-aambang pipisilin ang pisngi ko kaya tatakbo na sana ko ng mahuli niya agad ako.

Malakas na kudyot tuloy ang nauwi ko sa kaniya.

“What the fúck are you two doing?” doon lang kami natauhan sa ayos namin ng umulpot ang palaging galit na mukha ni tanso.

“Bodyguard kayo niyan?” umayos muli kami ng tindig at parehong humingi ng paumanhin dito.

“At ikaw, hindi ka pa ba nauubusan ng energy Nheerene?” yumuko pako ng husto dahil sa kahihiyang natamo.

“The fuck ang dami mong lalake, iilang pa bang lalake ang dapat kong pagselosan.”

Her Blood On His HandsWhere stories live. Discover now