"Hi." Lahat kami napatingin sa kanya.


"Hi, Khan." Bati ni Shea.



"Hello."Humarap siya kay Flair. "I need to go, Key. Ako na ang bahala sa kapatid mo." Natigilan naman ako.



"Sige salamat." Hinalikan niya sa pisngi si Flair at umalis na.



"Ayiee!" Sabay na sabi nang dalawa. Pagdating talaga sa ganito nagkakasundo silang dalawa.



"May kapatid ka pala?" Biglang tanong ni Shea. Tumango si Flair. Hindi ko pa nakikita ang kapatid niya.



"My eldest sister." Sagot naman niya.




Tumayo naman ako. Naiinis ako. Sa harapan ko pa talaga. Nilapitan ko si Flair at hinila siya. Hindi ko pinansin ang tawag ni Shea. Lumabas kami ng University. Pumunta kami sa park at doon lang kami tumigil. Humarap ako sa kanya.



Hinihingal siya pero agad na lumunok at tiningnan ako. Nagsalubong ang kilay niya.



"Ano na naman bang problema mo, President?"Bakas sa boses niya ang inis.



"Ako? Ikaw. Bakit ba lumalapit ka sa lalaki na ’yon?" Napaawang ang bibig niya.



"Ipinatawag ako ng dean kaya kasama ko siya. Isa pa ikaw nga itong kahit pagtingin hindi mo magawa kanina pagkatapos mong sabihin ’yon kagabi. Pinaglalaruan mo lang ba ako? Una pa lang sinabi ko na sa ’yo na hindi ako nakikipaglaro." Asik niya sa akin. "Kalimutan na na’tin ’yon."



"Hindi naman laro ’yon!" Singhal ko pabalik. "Ang sinabi ko kagabi totoo ’yon." Umiwas ako ng tingin. "Umiwas ako kasi nahihiya akong kausapin ka." Tahimik lang siya. "Straight ako at alam ko sa sarili ko na never akong nagkagusto sa ibang babae." Ibinalik ko ang tingin sa kanya. "I'm serious about my feelings for you." Bumuntong hininga naman siya.




"Maybe you're just confused." Hindi siya naniniwala sa akin or marahil wala naman siyang nararamdaman para sa akin.



Sabagay, nag-assume na naman kasi ako. Nakakainis.







FLAIR





Hindi na siya lumingon pa sa akin nang pumasok siya sa apartment niya. Sa sinabi ko kanina alam ko na disappointed siya. Sinabi ko lang naman ’yon dahil baka ’yon lang ang nararamdaman niya. Ayaw ko namang umasa. Ngayon pang may nararamdaman na ako sa kanya. Nakakainis. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya.



Pumasok na lang din ako sa apartment ko. Iniinit ko lang ’yong easy to cook na binili ko, bago ako nahiga at tumulog. Mahaba rin ang tulog ko, lumabas na lang ako para kumain ng noddles sa labas. Tinatawagan din ako ni ate pero hindi ko sinasagot.



Disappointed din naman kasi ako sa kanya. Kung ipinaliwanag na lang sana niya kay Charlotte ang dahilan siguro naging okay silang dalawa pero pinairal pa rin niya ’yong pride niya.




"Ito lang kakainin mo?" Nag angat ako ng tingin sa kanya. Ngumiti ako’t tumango. "Kaya ka nangangayayat e, pinapabayaan mo ang sarili mo." Natawa ako.



"Wala kasi akong gana ngayon. "Hindi niya kasama si Charlotte. "Wala kang kasama?"



"Kasama ko si Chary. May binibili lang siya sa kabilang store susunod ’yon dito." Tumango naman ako bago tinapos ang kinakain ko.



Tumayo ako para bayaran ’yong cup noddles. Kumuha na rin ako ng inumin at binayaran sa counter. Pagharap ko nakita ko si Charlotte. Nakatitig siya sa akin kaya naman itinaas ko ang kamay ko at binati siya.


"Hi, president." Hindi niya ako pinansin kaya nagkibit balikat ako. Masama siguro loob niya sa akin. Tumingin na lang ako kay Peach. "Peachy, mauuna na ako. Tutulog pa kasi ako and may report pa akong gagawin. Ingat na lang kayo pag-uwi."


"Sabay sabay na tayo." Umiling naman ako.


"It's getting late na rin e. Babye." Bago ako nagmadaling lumabas ng convenience store.




Nang makarating ako sa apartment gumawa na ako ng report at pasado alas-dose nakatulog na rin ako. Kinabukasan maaga na rin akong pumasok. I'm now avoiding, Charlotte. Baka kasi confused lang siya sa nararamdaman niya. Binibigyan ko siya ng araw para mag isip pagkatapos susubukan ko ang magtapat sa kanya pero kapag na-reject ako kailangan ko na lang mag move on.



"Ross,mag usap tayo." Natigilan ako dahil nakita ko si Gregorio. ’Yong pinsan ni Wilbert.




"Tungkol naman saan ang pag uusapan na’tin?" Mahinahong tanong ko sa kanya.



"Tungkol kay Charlotte..." Bumuntong hininga naman ako.











_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now