Chapter 14: Mall - Part 1 ♥

Start from the beginning
                                    

"G*go pre! Baka magalit si Leader pag umalis tayo at iniwan natin 'yun magisa. " Nico

"Haha, akala ko ba sabi niya wag siyang iistorbohin! Kaya umalis nalang tayo dito para di siya maistrobo.." Ako.

"Tama nga naman si Dwyne Johnson! Ikaw Nicolas Batumbakal the fourth napaka KJ mo! Bahala ka diyan.." Gerard. Lakas talaga ng tama netong mokong na 'to. 

"Oo na sige na dami mo pang sinabe Manuelito Gerardo Y Laslas..Tara naaa!" Nico. 

"Pvtangina mo, pakyu ka sagad!" hinabol ni Gerard si Nico. Hay hindi talaga mawawala sa tropa ang mga abnoy. Nauna na akong lumabas sa kanila.

——————

Zyrelle POV

Nagising ako Bigla dahil Nangalay ako... Tiningnan ko phone ko at nakita ko.

8 Missed calls kay Dwyne at 34 Missed calls kay Shawnget.

Teka si Shawnget?! Ano kaya kailangan nito? Tatawagan ko narin sana siya ng biglang mag ring 'yong cellphone ko at muntik ko ng maibagsak sa sobrang gulat. 


Incoming Call.

Shawn Pogi. (Sya naglagay nyan)

090948*****


Answer                     Cancel


Syempre sinagot ko na at baka mamaya huntingin na naman niya ako sa school ..

"Ahm hello?.. " unang bungad ko sa kaniya

("Bakit ang tagal mong sumagot kanina pa ako tumatawag sa 'yo!") ano ba 'yan sungit sungit agad sa akin nitong Shawnget na 'to.

"Ano po bang problema kamahalan? Nakatulog kasi ako kaya hindi ko alam na may natawag at naka silent din phone ko kaya wala akong naririnig, sorry naman.." sarkastiko kong sabi..

("Pumunta ka dito sa school..") pagkokomando nya sakin. Sa haba ng sinabe ko ito lang ang sagot niya sakin? Walayaa talaga itong lalaking ito.

"Wala namang pasok ah!" sabi ko sakanya, may assembly nga kasi ngayon kaya nasa bahay ako natutulog, wala naman akong ginagawa kanina eh.

("Alam ko, may sinabi ba akong may pasok tayo? Bilisan mo na i will only give you 10 minutes pag wala ka pa dito bahala ka. sige bye..") Shawnget, then he ended the call.

 Bumangon na ako agad at nag-ayos ng kaunti kahit wala namang aayusin tamang toothbrush muna at suklay baka sakaling sumunod itong buhok kong buhaghag malay mo mag straight. Sumakay na ako ng bus papuntang school..


                                -School-

Tinext ako ni Shawnget kung nasan siya..

Sender: Poging Shawn

Nandito ako sa tambayan namin punta ka dito ASAP.


Kaya dali dali akong pumuntang tambayan nila at nakita ko siyang nakahiga dun sa sofa bed mag-isa. Tiningnan ko kung nandon ba yung mga kasamahan niya pero mukhang siya lang ata ang tao dito.


"Buti naman nakarating ka ang tagal mo tsk" Siya, napaka demanding much!


"Matagal talaga ako from apartment hanggang dito sumakay pa akong bus at naglakad kaya kulang 'yong 10 minutes mo di naman ikaw nagbayad ng pamasahe ko!" pagrereklamo ko.


"Edi dapat nag taxi kana lang para mabilis. Ako naman magbabayad ng pamasahe mo! " Siya. Ayokong magka-utang sakanya kaya no thanks!


"Ano bang kailangan mo at pinapunta mo pa ako dito, anong gagawin natin dito maglalaro ng jackstone?!" Ako


" Iniwan ako nina Gerard, that stvpid fvck!, wala akong kasama kaya ikaw sasamahan mo ako.." hindi ko alam pero para siyang batang nagsusumbong..


"Bakit ako? bakit di mo sila tawagan pabalikin mo rito.. " 'tong lalaking to feeling ko pinagtitripan lang ako nito, ano siya bata para samahan ko pa

"Kasi ikaw ang GUSTO KO" Siya, teka ano daw di pa nagsi-sink in sa utak ko yung sinabi niya.

"Tsk ang hina mo naman pumick-up.. Kaya ikaw ang tinawagan ko kasi nga IKAW ang GUSTO ko. " Shawn


Kasi nga IKAW ang GUSTO ko.


Kasi nga IKAW ang GUSTO ko.


Kasi nga IKAW ang GUSTO ko.


Sheez. tumaas balahibo ko dun ah! Anong pinagsasabi nitong lalaking to!


"Hoy nakatulala ka na diyan, tara na at aalis tayo ang boring dito." sabi niya at hinila nako palabas. Hilig nitong mang hila hindi naman ako push cart para laging hilahin at itulak.


                                                   -Mall-

Sa mall kami nag punta wala naman kaming ibang pupuntahan, sinabi niya kasi magsuggest ako eh wala naman akong alam na lugar kaya dito nalang atleast maraming pwedeng gawin.


"Yung totoo Winter anong trip mo? " tanong ko sakanya.


"What the fvck, what did you just called me? " Ayan naka kunot na naman ang noo nitong Shawnget na 'to. Asar talo wahaha.


"Winter?" pag-uulit ko. Sinadya ko talagang ulitin hahaha


"I hate it when you call me that way, it really bothers me" Napa english pa ang kuya mo! Eh ano bang masama sa Winter? Bagay naman sakanya yon tutal pag winter tag lamig eh cold naman pakikitungo niya sa akin kaya Winter nalang itatawag ko.


"Eh paki mo ba eh sa gusto ko 'yon eh! pinakielaman ba kita nong tinawag mo akong Ms. Nerd" Sabi ko


"Tsss bahala ka" nauna na siyang maglakad. Napakagaling ko talaga hindi na siya naka angal wahaha sungit talaga nitong lalaking Ito.


 May plano ako para makatakas sa lalaking 'to habang nakatalikod siya tumakas ako, sa ibang way ako pumunta..


Sa National Bookstore napadpad tutal bookworm ako kaya nagtingin ako ng mga bagong libro mga ilang minuto palang akong naguuli ng nag ring yung phone ko. Patay tumatawag na si kamahalan. Ano gagawin ko paniguradong yari ako dun, ano kayang pwedeng idahilan aish!


Dead meat ako ay hindi pala double dead Ms. Nerd!.

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Where stories live. Discover now