"Shea."


"Namumukhaan kita." Tukoy niya kay Ms. Mendiola. "From college department?" Tumango ito.



"Mahal!" Sigaw ni Hailey habang tumakbo palapit sa akin. Akala ko tulog na siya.



"Hindi ko inaasahan ’to." Natawa na lang ako sa sinabi ni Elyse, kinain niya na lang din ’yong chips na dala dala niya.



"Mahal, bakit mo ako iniwan?" Tumabi si Hailey sa akin bago hinawakan ang braso ko. Napaisod tuloy ako kay Elyse.



"Tulog ka kanina." Mahinahong saad ko.



"Eh, p’wede mo naman akong gisingin kesa naman nag iisa ka." Napailing na lang ako



"Mukha ba siyang nag iisa?" Sabat ni Shea.



"I-close na lang ang mouth para ’di na sumabat-sabat." Napailing na lang ako. "Good evening, President."


"Good evening, Cruz."


Tumayo namang bigla si Elyse kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin siya sa orasan at naglakad palapit sa basurahan bago itinapon ang balat ng pinagkainan niya bago siya tumingin sa gawi naming apat.


"Mauuna na ako. Baka hanapin ako ng roommate ko e." Tumayo na rin ako.


"Gusto mo samahan na kita?" Umiling siya.


"No need. Malapit lang naman ’yong hotel. Salamat." Tumango naman ako. "It's getting late na rin naman pasok na rin kayo."


"Later kami." Napatingin ako sa gawi ni Charlotte.

"Sige. Bye, ingat kayo." Kumaway siya’t tumalikod na.


She's quite nice girl. Kung titingnan napakahinhin niya’t walang pakialam sa paligid pero marunong siyang makisama. Gusto ko tuloy siyang maging kaibigan.



"Kayo ano ang ginagawa niyo dito sa labas?" Tanong bigla ni Hailey kina Shea at Charlotte.



"Boy hunting." Baliwalang sagot ni Shea. Napatango naman ako dahil sa sagot niya. "Baka maniwala ka ha." Umiling ako.


"Ikaw?" Natigilan ako’t napatingin kay Charlotte. Nakalapit na pala siya sa akin.


"Snacks?" Alangang sagot ko.


"Nag-crave ako bigla sa lugaw." Lumipat ang tingin ko kay Shea.


"Kaya lugaw na utak mo eh." Hinawakan ni Hailey ang braso ko. "Flair, tara na sa hotel—"



"Sama kayo." Putol ni Charlotte. "Maaga pa naman and we need to talk, Ross." Napakurap naman ako.


"Ha?"



"Good idea." Pumitik sa hangin si Shea. "Maliban sa’yo, Cruz." Narinig ko ang mahinang tawa ni Hailey bago ito bumitaw sa akin at nilapitan si Shea.



Napailing naman ako. Hailey, ano na naman bang trip mo sa buhay? Isang San Diego ang binabangga mo ngayon at mukhang nag e-enjoy ka.



"Tara na." Nagulat na lang ako dahil sa paghawak ni Charlotte sa kamay ko’t bago pa ako makabawi ay hinila na niya ako.




Katabi ko si Charlotte habang sina Hailey at Shea ay magkatabi rin na parehong tahimik na kumakain ng lugaw. Pinapalamig ko pa ’yong sa akin baka kasi mapaso ang dila ko mahirap pa naman magpagaling. Napatingin ako kay Hailey.



"Nga pala, Cruz." Natigilan naman si Hailey at napatingin ako kay Charlotte.



"Yes, president?" Ngumiti siya.



"Kailan ang re-opening ng café mo?" Natigilan si Hailey, miski ako nagulat dahil alam pala ni Charlotte ’yon.



"Ah..."Tumingin siya sa akin bago ibinalik ang tingin kay Charlotte. "Malapit na President." Tumango naman si Charlotte.



"Napaka-formal mo naman. P’wede mo naman akong tawagin na Charlotte na lang kapag tayo tayo na lang."



"Nasanay kasi ako, he-he." Mahina naman akong natawa. She's being awkward again in front of the others.


"May café ka pala." Sarkastikong saad ni Shea. Hindi naman siya pinansin ni Hailey na ikinatawa ko kaya umismid ito.



Nang matapos ang pagkain namin ng lugaw ay nagpalipas muna kami ng ilang minuto. Ngayon naman ay kasalukuyan naming hinihintay ni Charlotte ’yong dalawa. Nasa loob kasi sila ng 7/11 bibili daw sila ng snacks kaya nagpaiwan na lang kami ni Charlotte. Actually, ako lang sana ang maiiwan kaso si Hailey sabi niya dito na lang daw si Charlotte para may kasama ako. Ako na nga ang nahihiya kasi inutusan niya si Charlotte.



"Ang tagal niya." Mahinang saad ko.



"Antok ka na ba?" Napatingin ako sa kanya.



"Medyo." Mahinang sagot ko.


"Hmm..." Napaatras ako dahil bahagya siyang lumapit sa akin. Napunta ako sa hindi nasisinagan ng poste.


Hinawakan niya ang kamay ko at lumapit sa akin. Napalunok naman ako at bahagyang nag-panic dahil sa mga nangyayari ngayon. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin pero kalahati ng katawan ko ang pumipigil sa akin na huwag gawin ang bagay na ’yon.


"I like you...Ross." She whispered while wrapping her hands in my waist. Marahan niya akong kinabig palapit sa kanya kaya napahawak ako sa braso niya.



"W-what?"


"I said..."Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kabilang kamay niya. "I like you." Bago niya inilapat ang labi niya sa labi ko.


Hindi pa nagpa-process ang sinasabi niya sa utak ko pero ito ako ngayon. Nakapikit ang mga mata habang dinadama ang labi niya. Sobrang lakas ng kabong nang dibdib ko at may kung anong lumilipad sa loob ng t’yan ko.




She likes me? Kailan pa?

"Omg!"




_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon