Pero paano ko uli gagawin 'yon kung nandito sa harapan ko ang lalaking naging dahilan ng lahat ng pagsisikap ko.

"Sige na Noli, Umalis kana."

Nagangat ito ng mukha.

"Babalik ako uli Myrna."

Tinalikuran ko siya.

"Gawin mo ang gusto mo Noli. Wala akong pakialam."

Hindi ko siya narinig na sumagot. Ang tanging narinig ko na lamang ay ang mabigat niyang hininga. At mayamaya pa ay, Naramdaman ko na ang mga yabag niyang papalabas ng bahay.

Napangiti ako ng mapait.

Tunay ngang mahihina ang mga tao pagdating sa pag-ibig.

****

Maaga palang ay nasa bukid na ako upang makitanim ng binhi kina Mang Felix. Kahapon kasi ay dumaan ito sa bahay at sinabihan kaming kailangan raw ng magtatanim. Arawan ang sahuran at libre ang meryenda at pananghalian. Nagpaalam agad ako kay Nanay na makikitanim ako sa matandang lalaki. Agarang pumayag naman ang babae. Si Tatay ay maagang umalis niyaya kasi ito ng dating kasamahan sa kontraksyon. Sa kabilang barangay. Kailangan raw kasi ng taga-buhos. Yung mga kapatid ko naman ay maagang umalis para pumasok sa School. Nagbilin pa ang baliw kong kapatid na si Marlon. Na sana'y paguwi niya ay mayroon siyang libreng meryenda sa tindahan. Batok ang inabot niya sa akin. Paano'y siya na kasi ang nakakaubos ng isang supot na fudge bar na tinapay. At kung minsan naman ay yung karaoke na mais na tig-piso. Hindi naman ako madamot pero kasi puhunan ang nauubos at walang na pagbebentahan eh!

"Oy Myrna! Ang bilis mo naman!"

Napalingon ako kay Zaza na siyang nasa bandang gilid ko. Nakabukaka na siyang nakaupo. Sumama din siyang makitanim. Kailangan daw kasi niya ng allowance papuntang Bulacan. Magbabakasyon raw ang babae kasama ang dalawa nitong pinsan sa kamag-anak ng tatay nito.

"Kailangan mabilis ang kilos Zaza para matapos itong ginagawa natin." Wika ko habang sinusuksok sa pitak ang mga binhi ng palay.

Umismid ito.

"Sabagay tama ka."

Napangiti ako.

"Oo nga pala, Kumusta na kayo ng Mahal mo Myrna?"

Napalis ang ngiti sa mga labi ko at napalitan iyon ng pag nguso.

"Manahimik ka Zaza baka pakainin kita ng binhi ng palay." Sikmat ko sa babae.

Tumawa ito ng malakas kaya naman ang iba naming kasamahang nagtatanim ay napalingon sa amin.

"Nagtanong lang naman ako bakit galit kana?"

"Wala kasing kwenta ang sinabi mo!"

"Ows talaga? Walang kwenta na ngayon si Noli para sa 'yo? Hindi ba't mahal na mahal mo siya?"

"Zaza! Tatahiin ko na iyang madaldal mong bunganga!" Naiinis na banta ko rito.

"Gaga! Nagsasabi lang naman ako ah?" Nakatawang sambit pa nito."

"Magtanim ka na nga! Puro ka daldal eh!"

"Ayoko. May parating na papa eh." Nakangising sambit uli niya habang nakatingin sa may bandang likuran ko. Akmang lilingunin ko ang dereksyon ng tinitignan niya nang marinig ko uling nagsalita si Zaza. "Hai Papa Noli. Magtatanim ka din?"

Mabilis kong pinagsusuksok ang mga hawak kong binhi.

"Oo. Nahuli lang ako ng gising. Nagmuni-muni kasi ako kagabi." Narinig kong sabi naman ng kararating na Negro.

"Huh? Ganon ba?"

"Oo eh."

"Ay? Nagmamadali ka Myrna? Mas bumilis 'ata ang kilos mo eh. Anyare?" Wika ni Zaza sa tonong may pangaasar.

Pinatagilid ko ang ulo at masamang tinignan ang babae. Nagbabanta ang tingin na pinupukol ko rito. Ang lalaki naman ay nanatiling nakatayo mula sa gilid ko. Ano bang ginagawa ng negrong ito dito?!

"Itutuloy ko na pala itong pagtatanim ko hehe."

"Mabuti pa nga Zaza para madali kang matapos diyan." Wika ng Negro rito.

"Oo naman. Para naman makapagsolo na ding kayo at walang istorbo."

"Zaza!"

"O bakit Myrna? May sasabihin ka?" Nakangising sabi nito.

"Mamaya ka sa akin!"

"Oks lang. Basta may magandang mangyayari." Sabi pa nito sa makahulugang tono.

"Huwag mo nang asarin si Myrna, Zaza. Baka hindi niya tapusin ang ginagawa niya." Singit ng Negro. Hmp! Bakit ba siya nakikialam!

"Ay, Ang sweet mo naman Papa Noli. Sana Oil may taga saway."

"Isa pa Zaza! Makakakain kana ng binhi ng palay!" Banta ko sa babae.

Mabilis naman itong tumalikod.

"Oo nga! Sabi kong tatahimik na ako. Sige Noli. Enjoy!"

"Ge!"

Konti nalang ang hawak kong binhi. At malapit na akong matapos.

"Akina ang iba."

Nagangat ako ng tingin sa gilid ko.

"Ang alin?"

Ngumuso siya.

Napatingin ako sa hawak kong natitirang binhi.

"Bakit hindi ka kumuha roon? May natira pa naman eh." Sikmat ko sa lalaki.

"Ayoko non. Gusto ko ang iyo."

"Pwes! Ayokong ibigay!"

Mabilis kong sinuksok ang natirang binhing hawak ko sa pitak. Pagkatapos non ay umahon na ako at naglakad patungo sa pilapil.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Noli.

"Tapos na ako."

"Hindi mo ako hihintayin?"

"Walang dahilan!" Bulyaw ko at binilisan ang pagpunta sa pilapil. Gusto ko na munang magpahinga. Masakit na kasi ang balakang ko kakayuko.

Pagdating sa pilapil ay pasalampak agad akong naupo kahit na matigas iyon.

Ngunit gayon na paglukot ng mukha ko ng nasa tabi ko ang negro.

"Akala ko ba magtatanim ka? Bakit nandito kana sa tabi ko?!" Asik ko at saka mabilis na lumayo sa kaniya.

"Arte naman neto."

"Hindi ako maarte!"

"Ows?"

"Nangbubwesit ka ba?"

"Hindi naman." Nakangising sagot niya.

Sa asar ko tumayo ako.

"O saan na naman punta mo?" Tanong ng negro.

"Uuwi!"

"Samahan na kita?"

"Hindi ako baldado!"

"Wala naman akong sinabi ah,"

"Alam ko!"

Tumalikod na ako at nagmartsa paalis roon.

"Wag kanang magalit Mahal."

Naguusok ang ilong na nilingon ko ang bwesitong negro.

"Namis mo 'noh?" Nakangising sabi niya.

"Ang kapal mo naman!"

"Mahal?"

"Bwesit ka!"

Tinalikuran ko na ulit siya at muling nagmartsa. Narinig ko pa ang malakas niyang tawa.

"HAHAHAHAHAHAHA"

"Mahal, Sa inyo ako maghahapunan mamaya ah, Sarapan mo ang luto mo. Ang gusto ko pala, Tinolang manok na may papaya ng sahog at dahong sili." Narinig ko pang sabi ng Negro.

Nilingon ko ito at sumigaw ng malakas.

"Manigas ka! Negro!"

Muli itong tumawa ng pagkalakas-lakas.

"HAHAHAHA. Okay lang Mahal basta ikaw parin!"

Punyeta!

Bakit ba kasi nandito ang Negrong ito!

NASSEHWP

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now