𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟕

35 5 0
                                    

"𝑲𝑨𝑴𝑰 𝑵𝑨!!"

Patagal na patagal lalo lang lumalapit ang loob ko sakanya nagiging komportable ako pag nariyan siya.

𝘼𝙁𝙏𝙀𝙍 𝘾𝙇𝘼𝙎𝙎

Nang matapos ang klase sabay kaming kumain sa Canteen para sabay nang kumain at may bigla siyang sinabi na kinagulat ko.

"MISS SUNGIT!puwede ba kitang ligawan? anya.

"Eh kung sapakin kita r'yan?!!? pagmamasungit ko sakanya.

"Plssss?" dagdag pa niya.

"Pag-iisipan ko muna" ngunit di'ko matago yung mga ngiti sa aking mga mata na tila nangangahulugang nahulog nalang ako ng biglaan sa kanya.

May ginamit ba siyang Salamanka o siya lang si Tristan na mahal ko na.

Di nagtagal ay patuloy lang ang aming komunikasyon na nahulog sa relasyon.

1 years nalang ay magtatapos na kami sa Collage at magiging abogado na kami parehas katulad ng pinangako sa'king sarili na lulutasin ko ang misteryo noong gabing nangyari ang insidenteng iyon.

################################

"Puwede ba tayong namasyal sa Baguio Miss Sungit?,kahit ngayun lang plsss? paanyaya niya.

Kaagaran naman akong pumayag para makapagpahinga dahil sa dami naming ginagawa sa aming paaaralan.

Tinahak namin ang napaka lamig na Baguio na magkahawak ang kamay na parang kami lang ang naroon.

" Sungit, para kang Baguio"anya.

"Bakit naman?"pagtatanong ko.

" Uhmm, anlamig kasi rito pero kahit gaano kalamig dito marami paring may gusto rito"anya.

"Eh, nasan ako run! ? pasungit kong pagtatanong sa kanya.

"Yung Baguio, kasi kahit gano ka Cold dati ikaw pa rin ang gusto ko" pagbibiro niya.

"CORNY MO TRISTAN! DYAN KA NA NGA!! " ani ko sakanya  sabay tumalikod para itago ang ngiti ko sa aking labi .

Nung ibinalik ko ang tingin ko sakanya ay nakatitig siya sa'kin noong mga tagpong 'yon ay parang kusang tumigil ang paligid at  parang kaming dal'wa lang ang nanrooon.

Unti-unting naglapit ang aming mga labi at sabay ng takipsilim noong mga oras na 'yon.

"Sorry Clara! , di'ko sinsadyang mahalikan ka" panghihingi niya ng paumanhin na tila'y may ngiti sa kanyang mga mata.

"Ah...okey lang, puwede na ba tayong umuw?" saad ko sakanya.

Hinatid niya ako sa aking bahay na hindi pa rin matago ang ngiti sa aking mga labi na pilit 'kong tinatago para di niya mahalata.

Nang makarating ako sa'ming bahay ay bumaba na ako sa kanyang kotse at nagpaalam.

"Good bye Tristan, ingat sa pag-uwi!"
ani ko.

"Paalam Clara, sorry ulit kanina!!" anya.

"Ah okey lang!! Sinagot na kita!"sabay pasok sa bahay upang hindi niya mapansin na napakasaya ko noong araw na iyon.

"YESSSSS!!!pagsisigaw at tuluyang umalis.

Napahiga ako sa aking higaan habang akap-akap ang dress na binigay ni Ina at kinuwento kung anong nangyari kanina habang namumuo ang ngiti at luha sa mga mata.

Napagdesisyunan namin ni Tristan na ilihim muna ang aming relasyon dahil gusto naming muna mag focus sa pag-aaral at para di malaman Jenny kung malalaman niya ay di na naman tatahimik ang kanyang bibig kaka-asar sa'kin.

UNTIL I FOUND HIM Where stories live. Discover now