44. The Traitor

56.5K 2.2K 181
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Nagtago ako sa curtain shower ng bathroom. I had nowhere to hide. Masyado nang huli ang paglabas ko ng banyo kaya minabuti kong doon na lang magtago. Napapikit pa ako habang naririnig ko ang paglibot ng mga footsteps sa buong kwarto. Tila may hinahanap ang taong pumasok. Pinigil ko ang aking paghinga nang permanente tumigil ito sa pintuan ng banyo. Sumunod ang pagpihit ng doorknob. Mabuti na lang at na-lock ko 'yon. Nakailang pihit pa ito bago tuluyang tumigil sa pagtatangkang buksan ang bathroom.

Lumipas ang halos sampong minuto nang marinig kong muling bumukas ang pintuan at agad ding sumara. Umalis na ang taong pumasok sa kwarto ni Cael. Nakahinga ako ng maluwag.

Dalawang minuto pa ako namalagi sa banyo; mabilis akong nagtabing ng tuwalya at lumabas. Napansin kong may nakalatag na isang itim na blusa at itim na paldang lagpas tuhod ang hemline. Naisip kong marahil ay ang inutusan ni Cael na magdadala ng damit ko ang pumasok. Itim na damit para sa taong malapit nang mamatay.

Agad akong nagbihis. Hindi na ako nagsuklay pa ng buhok. Kailangan kong makalabas agad ng kwartong 'to bago nila madiskubreng hindi ako si Lara.

Mabilis akong nakabihis. Agad kong hinablot ang nakasabit na itim na cloak sa may aparador ni Cael. Akmang susuotin ko na 'yon nang biglang bumukas uli ang pintuan. Hindi ako nakakilos. Nagulat ako at nagulat din ang taong iniluwa ng pintuang 'yon.

"P-prinsipe K-kaiser?" halos mabulol kong tanong. I was petrified to death.

Halos walang mababakas na gilat sa mga mata ni Kaiser. Tila inaasahan na nitonh ako ang madadatnan sa kwartong 'yon. Hindi ito agad nakaimik.

Hindi rin ako nakapagsalita agad. Hindi ko alam kung anong una kung iisipin. Bigla kasi akong nagtaka kung anong ginagawa ni Kaiser sa kuta ng mga tenebris. Nagduda ako. Napaatras nang iabot ng lalaki ang kanyang mga kamay.

"Come with me." Tipid nitong sabi at inabot uli ang kamay nito saakin na parang siya ang pinadala ng council upang iligtas ako sa kamay ng mga tenebris.

I just can't trust him. He is the son of Queen Amry na nagpahirap saamin lalo na kay Lara nitong mga nakaraang araw. This might be a trick.

"Amber. Trust me!" Mariin nitong bulong. May pagmamadali sa boses nito. "Just come with me. Now!"

"Why would I trust you?" mahina kong sabi. Napaatras uli ako.

"Do you have a choice?" His voice almost irritared. "Mamaya na ako magpapaliwanag okay? I'll get you out of here."

He was convincing. Naisip kong wala din naman akong choice kundi sumama sa kanya. Hindi ako pwedeng maabutan ng mga tenebris dito dahil malalaman nilang nilinlang ko sila at baka kung ano pang mangyari saakin. Sa oras din na malaman nilang isa akong impostor ay babalikan nila si Lara sa academy at marami na namang masasaktan. Mas mabuting makipagsapalaran na lang ako at sumama kay Kaiser at saka ko na haharapin ang kung ano mang consequence ang dulot nito. Sa paraang 'yon, mas may tsansa pa akong matakasan siya. I'm choosing the lesser evil. Bahala na kung sa huli'y hindi ko kayanin ang lesser evil. Ang mahalaga'y nagkaroon ako ng pagkakataon at konting pag-asa. Kung sa huli'y mabigo ako, atleast sinubukan ko.

"Magmadali ka! Isuot mo na yang itim na manto na yan at sumama ka na saakin." Naiirita nang sabi nito saakin pero halatang itinatago nito ang pagkairitable at magmukhang kalmado parin.

The Keepers [TKS#1]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant