Agad ako humakbang palapit sa pintuan. Pinigilan ako nito at sinenyasang maghintay. Binuksan nito ang pintuan at sumilip sa labas kung may mga tenebris.

"May dalawang kawal malapit sa hagdan. Huwag kang magpapahalata." he whispered and swiftly walked out the door.

Sumunod ako at agad na yumuko para maitago ng itim na manto ang aking mukha. Tahimik naming binaybay ang hagdanan. Nalagpasan namin ang dalawang kawal nang hindi napaghahalataan. Narinig kong binati pa ng mga kawal ang prinsipe bago kami tuluyang bumaba. My doubts flooded. What's he planning?

Akala ko'y agad na kaming makakalabas pero laking gulat ko habang bumababa ako ng hagdanan nang mapansin ko kung gaano kataas ang kinaroroonan namin. Daang daang hagdan ang nakita ko sa ibaba. Napagtanto kong nasa isang mataas na gusali kami.

"Huwag kang magugulat. Keep your feet as quiet as possible. There's ninety nine floors more." Sabi nito saakin habang binabaybay namin ang paikot na hagdan.

"What? Ninety nine?" My voice sounded shocked and hopeless.

"This is the tower of Typraz. Nasa ika-isandaang palapag ang kwarto ni Cael. Pinakamataas bilang pinuno ng mga tenebris."

"Bakit mo alam ang lahat ng 'to?"

Magsasalita na sana ito nang mapansin niyang may mga naglalakd na kawal na sa di kalayuan. Nagpatuloy ito nang pababa na kami sa ika-siyam napo't pitong palapag. "Gaya ng sinabi ko, mamaya na ako magpapaliwanag." His voice authoritative.

Hindi na ako nagtanong pa. Inipon ko na lang ang aking lakas para sa siyam napo't anim pang palapag. Hindi na rin ako nito kinausap.

Tila kilala siya ng mga kawal ng tore. Ni hindi nila hinarang ang prinsipe o kinuwestyon man lang kung sino ako at bakit kami nagmamadaling bumaba. Nakakapagtaka talagang bigla na lang itong sumulpot at ililigtas ako sa isang toreng puno ng mga makapangyarihang tenebris.

Nasa ika-walumpo't walo na kami nang bigla itong tumigil sa unahan ng hagdan. He glanced at me. His face nervous and almost muddled. I saw his left hand gestured me to get away. Nang dungawin ko kung sino ang makakasalubong namin ay nagitla ako sa nakita.

I ran with no sound of my footsteps as possible as I could. Nakahanap ako ng isang malaking statue ng isang babaeng may sungay at doon mabilis na nagtago. My breathing was fast and it's even harder to controll because of the mixed emotions I carry. I was so shocked because of the bombshell I just discovered and apparently nervous because I am running in the middle of the road where both sides of the road are dangerous. I covered my weary mouth with both of my hands.

"Kaiser. Anong sadya mo dito?" dinig ko ang masungit na boses ng babaeng 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Si Queen Amry and kausap ni prince Kaiser.

"Ahh. May pinagawa lang ako sa isa sa mga tauhan ni Cael inang reyna." Kalmadong sagot ng prinsipe.

"Hmmmmm. 'Yon lang ba? Wala ng iba?" Tila nagdududa ang tono ng reyna.

Katahimikan.

"O siya sige. Mauna na kami." Tila isang tinik sa lalamunan ang natanggal saakin nang marinig kong magpaalam na si Queen Amry. Himalang wala na itong interogasyon man lang sa anak.

Hindi ko na narinig pang sumagot si Kaiser. Ilang saglit pa bago tuluyang mawala amg ingay ng mga yabag ng reyna saka ako nagdesisyong lumabas mula sa likod ng malaking estatwa na malapit lang sa hagdanan. Nagpatuloy din sa pagbaba si Kaiser upang hindi mapaghalataan. Mabilis kong binaybay ang mahabang hagdanan pababa hanggang sa magpang-abot kami ni prinsipe Kaiser.

"Wala ba talagang magic lever dito o kaya asensor? Bakit naghahagdan ang mga keepers dito?" mahina kong singhal nang maramdaman ko ang pagod sa pagbaba.

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now