"Ako ay naligaw lamang, mahal na reyna"

"Kung ganoon ay hinahayaan kitang makihabilo sa amin"

"Maraming salamat po" yumuko ako bago sumunod kay haruniel.

Lumapit kami sa kaniyang mga kapatid na agad napatingin sa amin.

"Sino ang magandang diwata ang kasama mo?" Tanong ni harman.

"Siya si diwatang ann, naligaw lamang siya sa atin"

"Ikinagagalak kong makilala ka, prinsesa ann" sabay-sabay nilang sabi at yumuko, yumuko din ako bilang tugon.

"Ikinagagalak ko din kayong makilala, prinsepe harman, prinsesa herly at prinsesa helen"

"Mabuti at napadpad ka dito, ngayon pa naman ang aking kaarawan" saad ni prinsesa helen.

"Oh, kung ganun ay binabati kita. Maligayang kaarawan, prinsesa helen"

"Salamat" ngumiti ito sa akin. "May matutuluyan ka na ba? Kung wala pa ay pwede kang manirahan dito pansamantala"

"Maraming salamat at pasensya na sa abala"

"Wala iyon lalo na sa magandang diwatang katulad mo" pilyong sabi ni harman na kinailing na lang namin.

Matapos ang piging ay hinatid na ako ni haruniel sa magiging silid ko. Nagpasalamat ako sa kaniya at handa na sanang pumasok sa silid ngunit nagsalita pa siya.

"Kung may kailangan ka nandidito lamang ako sa kabilang silid" humarap ako sa kaniya at ngumiti.

"Maraming salamat sa pagtulong mo, prinsepe haruniel"

"Sige na, pumasok ka na sa iyong silid dahil lumalalim na ang gabi" tumango na lamang ako at pumasok na sa silid na aking tutuluyan pansamantala.

Kina-umagahan ang tili ni prinsesa herly ang nagpagising sa akin, inaaya niya akong sumama sa kanila sa dalampasigan. Hindi na ako pumalag dahil gusto ko din naman sumama.

"Ang ganda-ganda talaga dito" saad ni helen.

"Parang kagaya ni diwatang ann, maganda" pilyo ni harman.

"Harman" paninita ni haruniel na naiilang dahil sa kapilyuhan ng nakakatanda niyang kapatid.

"Kakaiba talaga ang ganda ng bolang diamante" masayang sabi ni herly habang nakatingin sa tore kung saan nakalagay ang bolang diamante na umiilaw.

"Kapag nawala ang diamanteng iyan, unti-unti ng mawawasak ang mundo ng holypia" saad ni haruniel na nagpakaba sa akin at agad akong napahawak sa aking kwentas dahil alam kong umiilaw ito.

"Hindi naman mangyayari iyon dahil magpapakasal na muna kami at magkakaroon pa kami ng maraming anak at apo ni diwatang ann bago mangyari iyon hahaha" saad ni harman na kinatawa din ng dalawang prinsesa.

"Sumobra ka na atah sa kapilyuhan mo, prinsepe?" Saad ko kaya napalingon siya sa akin at napangisi.

"Sa tingin ko nga ay kulang pa, eh. Ang ganda-ganda mo kasi, may nakapag-sabi na ba sayo ng ganun o ako pa lamang? Dapat ako lamang" bukod sa pamilya ko ay siya pa lamang ang lalaking nakapag-sabi ng ganoon sa harap-harapan ko at hindi manlang siya tablan ng hiya sa kaniyang sinasabi.

"Pwes, nagkakamali ka" pagsisinungaling ko at naglakad sa gilid ng dagat.

"Ano? Sino naman ang lalaking iyon at uupakan ko?" Nagulat ako ng sumunod siya sa akin ngunit hindi ko pinahalata.

"Hindi lahat ng detalye ng buhay ko ay dapat mong malaman"

"Ngunit interesado ako saiyo" napatigil ako at humarap ako sa kaniya.

The Princess And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon