Star-crossed Lovers

18 1 0
                                    

What is love?

Love sometimes starts with a simple crush.
Paghanga sa isang taong nakakuha ng atensyon at pansin natin.
Kadalasang sa classmate o schoolmate natin ito nararamdaman.
Sa isang taong may taglay na kagandahan o kagwapuhan.
Sabi nga ng isang gasgas na linya... 'Crush is paghanga, sometimes lumalala.'

Minsan naman, love starts with a simple hi or hello from a stranger.
Isang taong nakasalubong natin habang naglalakad sa sidewalk.
O isang taong nakatabi sa jeep.
Pwede ring isang taong nakabanggaan natin habang namamasyal sa mall.

Love can also be one-sided sometimes.
Yung tipong na-in love ka sa bestfriend mo o sa tropa mo.
Yung love na hindi mo mailabas at maipakita kasi baka mahalata nila, niya.
Yung love na hindi mo maamin sa kanya dahil takot kang masira ang friendship niyo at layuan o iwasan ka niya.
Pag-ibig na pilit mong sinisikil at pinipigilan dahil alam mong hindi niya matutugunan dahil may mahal na siyang iba.
O kaya inamin mo man, hindi ka pa rin niya nagawang mahalin dahil hindi ka lang talaga niya kayang mahalin nang higit pa sa pagkakaibigan.
Unrequited love as they may say.

Sa dami nang klase ng pagmamahal sa mundo..
Sa dami ng love story na alam ko..
Isa lang ang napansin ko.

Minamahal natin ang taong nakabihag sa puso natin.
Kahit paano man nagsimula, minamahal natin ang taong nakakuha ng pansin natin.
Isang taong nakaharap, nakita at nakasalamuha natin.

Sabi nila, ang mga mata daw natin ang unang nagmamahal.
Ngunit posible bang mahalin natin ang isang taong ni minsan ay hindi pa natin nakita?
Isang taong masasabi nating a total stranger?

Posible bang may mabuong tunay na pag-ibig kung sa text o chat nagsimula ang lahat?

Ang sagot ko...?

OO.

Ako si Jana. At ito ang kwento ko.....

Star-crossed LoversWhere stories live. Discover now