Chapter 10

139 9 1
                                    

"Yan kasi date ng date kahit gabi"

I heard Cyfer talked in my back. Mabilis akong lumingon dito.

"Ako ba kausap mo?" taas kilay na tanong ko kay Cyfer pero hindi lang ito kumibo.

Nag busy-busyhan pa siya sa pagsusulat ng kong ano-ano sa notebook niya.

Lintek na lalaki 'to baka siya ang nambabae!

Sino kaya ang hindi bumalik ng room pagkatapos niyang mag walk out.

Nakakainis siya ah. Okay naman kami kahapon ng umaga pero pagdating ng tanghali nagbago na naman ang ugali niya.

Ano 'yan may schedule?

"Cyfer, tinatanong kita! Bakit na ang sungit² mo? Akala ko ba friends na tayo," nahihirapang saad ko.

Tang ina, maslalo tuloy sumakit ang lalamunan ko kakasalita. Lintek na Cyfer 'to masyadong palambing kitang nahihirapan na nga ako.

"Tsk, I'm not in the mood so stop being noisy," inis na saad niya at ayaw pa rin akong tingnan.

"Ehh, wala rin naman ako sa mood ah pero sinusuyo pa rin kita"

Inagaw ko ang notebook niya kaya mabilis siyang napatingin sa akin.

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa sinabi ko.

Sinusuyo? Langya mag jowa ba kayo para suyuin mo siya? Lintek naman ohh, pahamak masyado 'tong bibig ko.

"Ganyan ka ba talaga?" seryosong saad nito habang nakatitig sa mata ko.

"Anong ganyan ako?" takang tanong ko.

Hindi ko siya gets.

"Ganyan ka ba umakto sa lahat ng lalaki? 'Yong pagiging sweet kahit walang kayo?"

Ouh, pain.

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Nilapag ko nalang ang notebook niya sa mesa nito at tumalikod.

Napakagat labi nalang ako. Tumayo ako para sana pumunta sa labas dahil masyadong nakakamtay ang atmosphere sa loob pero maslalong nadagdagan ang kabang nararadaman ko ng biglang may humigit sakin at mabilis akong hinila palabas.

Sa hiyawan palang ng kaklase ko alam ko na agad kong sino ang humigit sakin, walang iba kundi si Cyfer. Naramdaman ko naman ang kakaibang feeling ng hawakan niya ako, para akong nakukuryente sa hawak niya.

Napatingin ako sa paligid ng maramdaman kong huminto siya at binitawan ang kamay ko. Nasa garden pala kami ng school, walang masyadong tao dahil malpit narin magsimula ang second subject.

"B-bakit mo ako dinala dito?" nauutal na tanong ko.

Bakit nga ba niya ako hinila?

Humarap ito sakin at humakbang papalit sakin kaya  napaatras tuloy ako hanggang sa na trap na ako sa wala na akong maatrasan. Pigil akong humihinga dahil sa sobrang lapit namin. Baka maamoy pa niya ang mabaho kong hininga. Joke, nag to toothbrush ako noh.

Naramdaman kong tinukod niya ang dalawang kamay niya sa pader kaya parang na korner tuloy ako.

"Do you like him?" seryosong tanong nito.

Him? Sinong him?

"S-sinong tinutukoy mo?" kabadong sagot ko at umiwas ng tingin pero hinawakan niya ang panga ko at pinatingin sa kanya.

god gracious ang ganda ng mga mata niya. Ang pula pa ng labi niya at yong adams apple niya nakakaakit tiningnan gaya ng labi niya.

Pwedeng matikaman? Argh!

"Ala-

Hindi ko na ito pinatapos at agad siyang hinalikan. Ng maramdaman kong tumugon ito ay doon lang ako natauhan at mabilis siyang tinulak at tumakbo paalas.

Marahas kong sinandal ang sarili ko sa likod ng isang room pagkalayo ko sa garden. Agad akong napahawak sa dibdib pagkatapos sa labi. Ng ma rewind sa isip ko ang ginawa ko kanina ay inis akong napasabunot sa sarili ko.

"Arg, why did I kiss him?"

"Hindi ko naman kasalanan 'yon diba? Siya kaya ang nang akit"

Para akong tanga habang kinakausap ang sarili ko.

"Arg, pero hindi ko dapat 'yon ginawa"

"Bakit kasi ang pula ng labi niya?"

Arg, bahala na nga. Pero aminin ko kinilig ako, ang lambot ng labi niya. Nakatikim na ako, pwede na akong mamatay.















~Neg_tive

Intense Love Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu