Chapter 9

121 9 0
                                    


"Na paano 'yon?" takang tanong ni Candy.

"Ewan, hindi ko rin alam" kibit balikat na sagot ko.


Nagkasiyahan lang naman kami, ah.

Ang baba naman ng temper niya, ang bilis mainis paano naging kami at pag mag away kami? Edi hiwalay kaagad ang ending?


Hanggang sa nag uwian ay hindi nagpakita si Cyfer. Kaya walang buhay tuloy akong umuwi ng bahay. Pagkarating ko naman sa bahay ay sirado ang bahay na tinutuluyan ni Cyfer. Napasimangot tuloy ako baka nambabae na 'yon.


Ng sumapit ang gabi ay naisipan kong gumala, may nakahelira kasing food stall sa may kanto kaya paniguradong hindi mawawala ang isaw at kwek kwek doon. Nagpaalam ako kay mama na lumabas. Syempre nakatikim muna ng samo't saring salita bago naka labas ng bahay.

Lumaki ang ngiti ko ng makitang nandoon nga ang naasahan ko.


"Manong pabili nga po ng dalawang kwek kwek saka limang isaw" saad ko.


"Cgeh, ineng. Umupo ka muna doon, tatawagin nalang kita pag luto na" saad ni manong habang nilalagay sa kalan ang gusto ko.


Gaya ng sinabi ni manong ay naghanap ako ng bakanting mauupuan sa tabi². Buti nalang ay nakakita agad ako ng upuan may nakaupo rin doon. Pang dalawahang upuan iyon kaya nong una ay nagdadalawang isip ako dahil halata naman sa likod palang ay lalaki ito pero wala akong magawa. Nakangangalay rin kaya.

"Excuse me, pwedeng umupo sa tabi mo? Wala kasi akong makitang bakanteng upuan e" saad ko at kinublit ang nakatalikod na lalaki sa balikat.


"Yeah su-. Oh, ikaw pala 'yan Isha. Halika wala naman umuupo dito" gulat akong napatingin kay sir santiago na may hawak pang naka tuhog na kwek kwek sa kamay habang ngumunguya.

Gulat akong umupo sa tabi ni sir Santiago.

For real? Kumakain siya ng kwek kwek?

I mean, may guro rin palang kumakain ng street foods noh? Kahit mayaman na, hindi ko naman siya masisisi masarap naman talaga ang kwek kwek.


"Hehehe, ikaw pala 'yan sir akala ko kong sino" saad ko pa. Mabilis akong umupo sa tabi nito at tumingi sa harap.


"Oo naman, bakit parang gulat na gulat ka?" natatawang tanong nito.

"Nga pala kain tayo" aya pa niya.

"Cgeh lang, bumili rin ako, hinihintay ko lang maluto" sagot ko pa.


In my peripheral vision, nakikita ko itong tumango.

Wala namang masyadong nangyari after niyang matapos ay nagpaalam na ito. At ng matapos ko rin kainin ang binili ko ay umuwi na ako kaagad ng bahay at natulog.


********


Kinaumagahan ay na late ako, wala ako sa mood dahil bukod sa hindi ko nakikita si Cyfer simula nung nangyari kahapon ay sumasakit ang lalamunan ko. Hindi ko alam komg bakit ito sumakit. E hindi naman ako kumakain ng sweets kagabi.

Walang gana kong tinungo ang room at hinintay muna na matapos ang unang klase namin bago pumasok sa loob.


Pagkapasok ko palang ay agad na akong sinalubong ni Candy ng tanong.

"Hoyy gaga, bakit late ka ngayon?" sigaw ni Camdy habang papalapit ako sa pwesto namin.

Nakita ko ang pagtingin sakin ni Cyfer at agad rin umiwas.

Anong nagawa kong mali?

Bakit parang galit siya?

"A-Ah, t-tinatamad ako s-saka sumasakit ang lalamunan ko" sagot ko sakanya pagkaupo ko.

I heard him murmured something pero binaliwala ko lang ito.


"Ahh, may tonsil ka? Kawawa ka naman"


Kahit alam ng kakawa, sasabihin pa. Tsk!




Kaya minsan gusto kong batukan ang babaeng ito e. Pasalamat siya wala ako sa mood. Naramdaman kong tumayo ito at naglakad paalis ngunit hindi ko ito pinansin. Sinandal ko nalang ng ulo ko sa upuan at pumikit.


"Yan kasi date ng date kahit gabi"












~Neg_tive

Intense Love Où les histoires vivent. Découvrez maintenant