Chapter 9

110 8 5
                                    

BACK TO WORK NA uli si Toni as Janitress. At di tulad nung nung first day niya ay tanging opisina na lang ni Shanti ang nililinisan niya ngayon. May mga janitor na nakatoka sa labas na una niyang nilinisan.

Wala na si Shanti sa opisina nang makarating siya sa opisina nito. Narinig niya na maaga ang meeting nito ngayon at aabutin iyon ng halos tatlong oras. At isa pa, late na siyang nakapasok kaya hindi niya na talaga maaabutan ang lalaki.

Hindi sila nagkasabay pumasok ni Shanti dahil bigla siyang tinawagan ng kan'yang Mama sa kalagitnaan ng tulog niya. Pinapauwi siya nito dahil namimiss siya. Alam niyang nalulungkot ang ina dahil ilang araw na rin nitong hindi kasama ang Papa niya dahil sa nasa malayo ang trabaho nito ngayon. Kaya naman kahit alas tres pa lang ng madaling araw ay umalis na siya sa kan'yang unit at pinuntahan ang ina. Nag- iwan na lang siya ng note sa kan'yang doorknob para ipaalam kay Shanti na hindi siya makakasabay dito.

Wala pang isang oras ay natapos na si Toni sa paglilinis. Malinis naman ang opisina kaya wala siyang masyadong ginawa. Nag ayos lang siya ng iilang gamit, nagvacuum ng sahig at siniguradong malinis ang toilet. Nang matapos ay umupo muna siya sa sofa at nagpahinga.

Dadalawin na sana siya ng antok kung hindi lang may kumatok sa pinto. Humikab muna siya bago tumayo at pinagbuksan ito.

Bumungad sa kan'ya ang isang blonde na babae. Hapit at maikli ang silk fitted dress sa katawan, naka 6 inches heels at full coverage ang make up. Awtomatikong tumaas ang kilay nito nang makita siya.

"The hell? Who are you and what the fuck are you doing here inside my boyfriend's office?!" Palatak ng babae at matalim na tumingin sa kan'ya.

"Janitress ako dito, Miss." Di apektadong saad niya, inaantok pa.

Mabilis na kumalma ang ekspresyon ng babae. "Oh. Sorry, I thought you're another whore trying to flirt with him again." She chuckled like she wasn't about to spit fire awhile ago and walked her way inside the office.

Nagkibit balikat na lang si Toni rito at hinayaang pumasok, the girl might be Shanti's girlfriend. Akmang isasarado na niya ulit ang pinto nang may malakas na tumulak rito dahilan para muling bumukas ng marahas ang pinto.

"Aray!" Daing niya nang mabunggo siya ng pinto. Napahawak siya sa kaliwang brasong nabunggo.

"You really got the nerve to show your face here after you stole my boyfriend from me, Mich?!" Nanggagalaiting bulyaw ng isang brunette na babae na siyang tumulak sa pinto. Nanglilisik ang mga mata nito sa direksyon nung blonde na babae.

"Excuse me?! Shanti is not and never been your boyfriend, Amanda! Wag kang ilusyunada!"

"Oh really? We've been dating for almost 2 weeks before you stole him from me, Mich!" Giit nung brunette.

Nagpalipat lipat lang ang tingin ni Toni sa dalawang magagandang babae habang inuunat niya ang kaliwang braso.

Actually pareho silang dalawa na maganda. Big boobs, round butts, sexy and tall. Real chicks. Model type. Magkaiba lang sila ng kulay ng buhok pero mukhang pareho ng boyfriend.

"Really? Dating? Or you mean sleeping?" Segunda nung blonde na tinawag na Mich.

"Wow, coming from you who slept with a man that is also sexing your best friend! You knew from the start that we have a thing." Rebat ni Amanda, the brunette.

"Yeah, I know you're sleeping with him but you're not dating. It's just sex!"

"And what do you think of yourself huh? You claiming him as your boyfriend when in fact you're just sleeping with him, like I did!"

"Shut up, Amanda. I'm now his girl so back off! He likes me more than he liked you!"

Walang balak na makialam si Toni sa away babae ng dalawa pero nakikita niyang konting kibot na lang ay magsasabong na ang mga ito dito. Hindi pwede dahil kakalinis niya lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Make Me Yours (Vixen Society #1)Where stories live. Discover now