Chapter 3

182 16 4
                                    


"ANONG gagawin natin dito, Ma'am Fantasia?" Tanong ng kasama niya habang namamanghang sinusuyod ng tingin ang napaka enggrandeng mansyon. Halos lahat kasi ng nakikita nila dito ay kumikinang at kulay ginto. They are inside a modern spanish style 3 storey mansion.

"Magnanakaw tayo." Nanlalaki ang mga matang napalingon sa kan'ya ang babae.

"Ma'am?!" Kabadong tumingin ang dalaga sa matandang mayordoma ng mansyon na siyang sumalubong at kasama nila ngayon. May ilang mga maids din ang nagkalat sa bukana ng mansyon at patingin tingin sa kanila.

"Biro lang, tangek. Ipapasok kita dito bilang kasambahay. Bente- singko mil ang buwanan. G ka na ba dun?"

Bagama't nagulat ay nagliwanag ang mukha nito. "Seryoso po, Ma'am? 25k a month ang sahod dito?!"

Ang mayordoma ang sumagot. "Oo, ineng. Bukod pa yun sa huhulugang SSS, Philhealth at PAG- IBIG mo. Pero dahil menor ka pa bale trenta mil muna ang sasahurin mo hanggang sa mag 18 ka."

Napaawang ang bibig ng kasama. "Hala! Sobrang salamat po! Gagalingan at pagbubutihan ko po ang pagtatrabaho!" Ilang beses na nagbow ang batang babae sa kanila.

"Maraming salamat, Ma'am Fantasia! Hulog po kayo ng langit!"

"Uy wag kang umiyak dyan. Hindi naman ako yung magpapasahod sa'yo." Ilang na saway niya nang makitang paiyak na ito. "Tsaka Toni na lang itawag mo sa'kin. Masyado kang pormal."

Humarap siya sa mayordoma. "Nay Lourdes, kayo na bahala dito kay ano-- uy ano nga palang pangalan mo?"

"Analyn po, Ate Toni."

"Ah, Analyn ito si Nanay Lourdes," bumaling uli siya sa matanda, "bale kayo na bahala kay Analyn, Nay. Ngayong araw din siya magsisimula di ba?"

Magaang tumango ang mayordoma. "Ayos lang ba sa'yo yun, neng?"

"Opo! Ayos na ayos lang!" Agad na sagot ni Analyn.

"Hindi naman masyadong mabigat ang trabaho dito. Miminsan lang umuwi si Señiorita kaya bihira lang magamit ang kusina at dining room. Kailangan lang talaga natin laging panatilihing malinis ang buong mansyon. Siya nga pala, si Señiorita Merliah Vela Sarto ang may- ari ng mansyon at amo natin." Paliwanag ng matanda.

Masigasig na nakinig at tumango ang batang babae.

"O' siya sisibat na ako, Nay, Analyn. Salamat nga pala sa pag asikaso samin Nay. The best talaga kayo." Kinindatan niya ang matanda at sumaludo.

"Naku, at saan ka na naman magsususuot bata ka?"

"Malelate na ako sa aking work kaya babush na guys!" at patakbo siyang lumabas ng pinto.








"YOU HAVE A MEETING WITH THE Board of Directors at 8 AM, right Shan? Bakit ka pa umalis sa office mo at pumunta dito?" Tanong ni Rowel kay Shanti na nakaupo sa backseat ng kotse. Kasalukuyan silang nakatambay sa loob ng kotse at nakapark 'di kalayuan sa isang malaki at malawak na mansyon.

After being kicked out by Fantasia, Shanti ordered Rowel to keep an eye on that woman and to know her whereabouts. Mula sa paglabas nito sa maliit na apartment, sa pakikipagmeet nito sa isang batang babae hanggang sa pagbyahe nila ng jeep papunta rito sa isang exclusive village ay nakasunod si Rowel sa dalaga. 

Matapos ang pakikipag- usap ni Shanti sa babae ay galit itong umalis at pumasok sa opisina. Ngunit ngayon nga ay imbis nagtatrabaho ay pinuntahan ni Shanti ang kinaroroonan ng babae.

"Shan cancelled all her appointments for today." Si Jones ang sumagot dahil abala ang kinakausap na lalaki sa pagtanaw sa loob ng mansyon. Rowel shook his head.

Make Me Yours (Vixen Society #1)Where stories live. Discover now