Pink Princess 8

15 1 0
                                    

Chapter 8: The Help Of Aiko

"Waaaaa!" napasigaw ako nung makita ko ang sarili ko sa salamin. Biglang bumakas ang pinto at napatingin ako sa pumasok.

Si Chris na gulo gulo pa ang buhok at halatang bagong gising.

"Ano nangyari Princess?" napabalik ang tingin ko sa salamin.

"Yung mata ko... Namamaga. Huhuhuhu" tumingin ako kay Cgris na nakapout samantalang napakamit sya sa ulo at lumapit sakin.

"Sinabi ko naman kasi sayo na tigilan mo na yan kakaisip mo kay Alexa. Namaga tuloy yang mata mo kakaiyak" napatingin naman kaming pareho nung bumukas ulit ang pinto.

"Bakit ka napasigaw Princess?" natatarantang tanong ni Jin.

"Nahuli na ba kami ng dating" dugtong ni Tim.

Napailing lang ako.

"Ah. Hindi. Hehe *kamot sa ulo* maliit na bagay lang. Hehe. Sorry kung nasagabal ko kayo. Hehe"

"Akala namin kung napaano ka na" pagaalala ni Theo.

"Oo nga princess. Akala namin sinaktan ka ng taga-wicked" sabi ni Nathan na napakamot sa ulo. Napatingin naman ako kay Chris tapos binalik ko ang tingin sa Guardians at napataas ang kilay.

"T-teka. Paano nyo naman nalaman na nasa panganib ako eh hindi naman ganun kalakas ang sigaw ko"

"Meron kasi kaming singsing na nagsasabi kung nasa panganib kayo." sabi ni Jin sabay pakita ng singsing.

"Binigay ito sa amin ng mahal na hari't reyna" dugtong ni Theo.
Nabaling ang tingin ko kay Chris.

"Eh. Ikaw? Paano mo nalaman na nasa panganib ako" pagmamataray ko kay Chris. Ewan ko ba. Mainit ang dugo ko sa lalaking to. Hindi ko naman kabuwanan.

"Tss. Ang sungit mo talaga sakin! Syempre nararamdaman ko yun! Malakas ang pakiramdam ko kapag ikaw ang pinaguusapan" napa irap na lang ako. Tsss. Sinungaling!

"Ewan ko sayo!" sabi ko. "M-mag ayos na kayo" dugtong ko sabay tayo. Hinawakan naman ni Chris ang braso ko.

"S-sigurado ka bang kaya mo na? Pwede naman tayong-" alam ko na ang sasabihin nya kaya pinutol ko na agad ito.

"Ano ka ba? Okay na sabi ako. Tanggap ko na kaya wala na akong magagawa kung di kalabanin si Alexa. Ayun ang pinili nya kaya hindi ko sya masisisi" sabi ko na walang emosyon at malamig sabay pilit na ngiti.

"Aalis tayo ngayon pero kailangan ko munang kausapin si Aiko" sabi ko tsaka lumabas ng kwarto.

-
Jin

"S-sigurado ka bang kaya mo na? Pwede naman tayong-" tanong ni Chris. Bwisit talaga tong lalaking to! Lagi na lang ako nauunahan. Ang sarap upakan! Pasalamat sya na tauhan sya ng hari dahil kung hindi. Tss. Huwag na!

Tinignan ko naman si Princess Ariana at napansin ko na inaalala nya pa din si Alexa pero hindi lang nya pinapahalata. Nag-aalala tuloy ako sa kanya.

"Ano ka ba? Okay na sabi ako. Tanggap ko na kaya wala na akong magagawa kung di kalabanin si Alexa. Ayun ang pinili nya kaya hindi ko sya masisisi" malamig nyang sinabi. Totoo ba yubg narinig ko? Wala na syang pakialam kay Alexa? At yung mukha nya, walang emosyon. Nakakatakot pala sya kapag ganun.

"Aalis tayo ngayon pero kailangan ko munang kausapin si Aiko" napa-iling ako pagkalabas ng pinto ni Alexa.

"Nakakatakot si Princess" sabi ni Cody.

"Parang mangangain" dugtong ni Kyle.

"Hindi ako makapaniwalang ganun ang reaksyon nya" sabat ni Brian.

The Pink Princess [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now