Pink Princess 1

34 0 0
                                    

Chapter 1: Enchanted Palace and Wicked Kingdom

-

"Napakaganda nyo po Princess Ariana" sabi sakin ni Alexa.

"Tss. Ano ka ba Alexa? Kung hindi kaya dahil sayo hindi ako magiging ganito" puri ko sa kanya. Totoo naman kasi. Sya ang may kagagawan ng lahat. Sya ang pumili ng susuotin ko. Sya ang nag-ayos ng buhok at mukha ko.

Suot suot ko ngayon ang isang Pink Gown na parang kay Cinderella pero kulay Pink nga lang. Kulot yung bandang dulo ng buhok ko at nakatali na half up, half down pony. Syempre dala dala ko ang pink ko na pamaypay. Mahalaga yun sakin at malalaman nyo din kung bakit. Napakasimple ko lang sa suot ko pero gumanda lang dahil sa pink na kulay. Hihi. I love pink kaya. Tsk. Tsk. Kaya nga tinatawag din nila akong Pink Princess. Don't worry. Gustong gusto ko naman. Harhar.

"H-hindi naman po yun ang ibig kong sabihin. Natural na po ang ganda nyo"
Napataas naman ang kilay ko.

"Huwag ka na ngang magpa-humble jan tsaka ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag ka ng mag po. Kaibigan kaya kita" sabi ko sa kanya tapos yumuko lang sya.

"Sige Princess Ariana" sabi nya with matching smile.

"Ayan. Oh diba mas maganda?" sabi ko kaya napangiti kaming pareho. Simula bata pa lang ako si Alexa na ang kasama ko kaya itinuturing ko syang matalik na kaibigan.

"Tara na Princess Ariana. Magsisimula na ang Ball"
Kung tinatanong nyo kung anong meron. Meron ngayong gaganaping Enchanted Ball. Kung saan magsasaya ang lahat ng nakatira sa Enchanted Palace. Kung iniisip nyo na ordinaryo lang tong fairytale na may Princess at may Prince. Mali ang iniisip nyo. Meron pang mas hindi makapaniwalang bagay sa Enchated Palace. Malalaman nyo din yun. ^_^

Lumabas na kami ni Alexa at huminto muna saglit para hintayin ang pagtawag ng MC bago kami bumaba ng hagdan. Nasa likod ko si Alexa. Syempre dahil ako ang bida, ako ang nasa harapan. Hihi.

"Magbigay pugay kay Princess Ariana" sabi nung MC at nag-bow naman ang mga dumalo. Kahit anak ako ng pinakamakapangyarihang nilalang sa Enchanted Palace, hindi ko pa din mapigilang mapamangha sa mga disenyo nakapalibot sa palasyo. Mula sa chandeliers, sahig, dingding. Halos mapapaluha ka sa ganda at kintab.

Umayos ako ng tindig at dahan dahang bumaba ng hagdan woth matching paypay na parang isang tunay na prinsesa. Syempre alangan namang magtumbling ako sa hagdanan diba? Kailangan may poise. Harhar.

Pagbaba ko ng hagdan sumalubong agad sa akin ang isang gwapong lalaking nagaalok na sumayaw.

"Can I be your first dance?" sabi nya.

Hinawakan ko ang kamay nya sabay sabing "Sure" pumunta kami sa gitna ng mga nagsasayawan at nakisabay sa kanila.

"You're really beautiful" puri nya sakin. Enebe! Metegel ke ne elem yen. Hihi. Joke.

Pinukpok ko lang sya sa ulo ng pamaypay.

"Kahit kailang bolero ka talaga Christoffer Walter" napangiti naman sya sinabi ko at ganun na din ako.

"Bakit totoo naman ang sinasabi ko Princess Ariana Hudgens" sabi nya sabay smirk. I just rolled my eyes.

"Huwag lang gumanyan mas lalo akong na-iinlove sayo" sabi hya sabay wink. Feelimg ko tuloy nagblush ako sa sinabi nya.

"Tss. Sumayaw na lang tayo. Huwag ka ng magsalita. Ang daldal mo" sabi ko sa kanya sabay pukpok ulit ng pamaypay sa ulo nya.

"Ang boring naman kapag ganun" sabi nya sabay pout. Tss. Mukha syang bakla kapag gumaganun pero infairness ang gwapo nya tignan. Tsk. Ano bang iniisip ko? Erase. Erase.

The Pink Princess [DISCONTINUED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant