Pink Princess 4

18 0 0
                                    

Chapter 4: The Fall Of Enchanted
"Bilisan mo Alexa! Baka hindi na natin sila maabutan"

Halos malapit na kami sa Wicked Kingdom nung matigilan kami sa pagtakbo dahil sa amin nakita.

Mga taong nagkalat sa sahig, mga dugo, mga punong sira, lupang gumuho at mga taga-Enchanted na pinipilit na sirain ang barrier na bumabalot sa Wicked Kingdom.

"H-hindi sila nakapasok?" nagtatakhang tanong ko kay Alexa.

"Ganun na nga po Princess Ari"

May isa pang bagay ang nagpaalala sakin.

"Si Mama! Si Papa! Tara Alexa hanapin natin sila!"

Hinatak ko ulit si Alexa mula sa nagsisiksikang mga tao.

Nasa gitna pa lang kami, biglang nag-atrasan ang mga tao.

"A-anong nangyayaro Alexa?" gukat na tanong ko. Bakit sila nag-aatrasan.

"H-hindi ko din po alam" hindi makapaniwala nyang sabi.

Halos matangay kami ng nagsisipag-atrasan hanggang sa napatalsik kami ng isang pagsabog ng barrier.

Napahiga sa sahig ang lahat ng mga tao, maging kami ni Alexa.

Dahan dahan akong tumayo upang makita ang nangyari.

"Ang barrier nasira" tumakbo ako papunta dito upang mas makita ng malapitan.

Papalapit na ako sa Kingdom nung makita ko ang pitong taga-Enchanted na nakahandusay sa sahig. Walang malay. Nilapitan ko sila.

"P-princess Ari. Umalis na tayo. Paalisin mo na ang mga taga-Enchanted. Magiging mapanganib tayo" nanghihinang sagot ng isang lalaki.

"Sila Mama? Na saan sila?" nangangambang tanong ko.

"N-nakuha sila ng taga-Wicked" nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya. Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa Kingdom.

Malapit na akong makapasok nung biglang isang barrier na naman ang namuo at humarang sa akin.

Hindi pwede to! Kailangan kong maligtas sila mama at papa! Kailangan kong makuha sila mula sa mga Wicked!

Halos mapaupo na lang ako sa kakahampas sa barrier na wala namang nangyayari.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumulo na ang mga luha sa mata ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

Pagmulat pa lang ng mata ko, una ko ng nakita si Chris na nagaalalang nakatingin sakin.

"O-okay ka na ba Princess? Hayy *kamot sa ulo* bakit ba kasi ang kulit mo? Pinatulog mo pa ako para lang makatakas. Napahamak ka tuloy" napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Tss. Kakagising ko lang. Sinesermunan mo agad ako" sabi ko kaya napangiti naman kami sabay mahinang tawa.

Napatingin naman ako sa paligid. Nakita ko si Alexa, ang pitong lalaking nakita ko kanina- Teka. Na saan sila Mama at Papa?

Nagsink in sa akin ang mga pangyayari kanina.

Napaupo naman ako agad sa higaan.

"Kailangan kong maligtas sila mama. Kailangan ko silang makuha mula sa mga kamay ng Wicked" pagpupumilit ko pero pinigilan ako ni Chris.

"Princess, mahina ka pa. Magpahinga ka na lang muna" pag-aalala ni Alexa.

"Hindi. Kailangan ko-" pinutol agad ng isa sa mga pitong lalaki ang sasabihin ko.

"Wala kang magagawa Princess kung hindi ang maghantay ng tamang oras para sugurin ang Wicked. Malalakas ang kanilang kapangyarihan. Hindi mo sila kakayanin lalo na kapag ganyan ang kalusugan mo"

Napabuntong hininga na lang ako.

"Ano ba kasing nangyari at nakuha nila sila Mama at Papa?" nagsimulang tumulo ang luha ko.

~
Flashback

Nakapasok si Queen at King Hudgens sa Wicked Kingdom kasama ang pitong lalaking tinatawag na Enchanted Guardians ngunit napatigil sala nung makita nila ang mga Wicked Sorcerers. Ang mga pangalan nila ay Inferno at Abra. Nasa likod naman nila ang Wicked Guardians.

Sinubukang kontrolin ni King Hudgens ang mga kalaban pero hindi nya ito nagawa hanggang sa naunawaan nya ang nangyayari.

"Shield" bulong nya sa mga kasama nya at humalakhak naman ang mga Wicked.

"Si Abra ang may kagagawan nito" sabi ng isa sa mga Enchanted Guardians at napatungo lang si King Hudgens.

Isang mahabang vine whip na nanggaling sa isa sa mga Wicked Guardians ang kumuha sa King at Queen. Sinubukan ng isa sa mga Enchanted Guardian na magpakawala ng apoy upang sunugin ito pero walang talab dahil nababalot ito ng shield mula kay Abra.

Napahalakhak naman si Inferno.

"Wala na kayong magagawa kaya ang mabuti pa ay umalis na kayo" isang fire bomb ang inihagis nito sa mga Guardians na naging dahilan upang tumalsik palabas ang mga ito.

End of flashback
~

Mas lalong tumulo ang luha ko sa mga ikinuwento nila.

"Sorry Princess. Gaya ng sinabi ko malakas ang kapangyarihan ng Wicked. Maging ang kapangyarihan ng Queen at King ay hindi gumana sa kanila. Meron silang tinatawag na Shield Protector kung saan ang lahat ng kapangyarihan ay hindi tatalab sa isang taong meron nito. Isa itong special defense power"

"Mukhang nalaman nila ang pagtangka nating pagsalakay sa kanila" sabi nung isang lalaki.

"Tama. Hindi iyon mangyayari king hindi nila yun pinaghandaan" sang-ayon ko.

Tumingin ako sa 7 Guardians.

"Sino pala kayo? Hindi ko man lang kayo kilala"

"Kami ang 7 Enchanted Guardians."

"Ako si Theo" sabi nung isang lalaking nakaorange ang buhok.

"Kyle" sabi nung matangkad na blonde.

"Cody!" sabi nung nakared ang buhok at sobrang puti ng mukha. Ilang face powder kaya ang ginamit nya? Tsk.

"Nathan" pakilala nung lalaking oval face at medyp mahaba ang baba. Ang bad ko. Huhuhu.

"Brian" saludo nung pinakamaliit sa kanila. Konti lang naman.

"Ako naman si Tim" sabi nung cute na lalaking nagwink sakin. Waaaaa! Em gene die! Joke.

"At ako naman si Jin" sabi nung isa din sa may pinaka magandang at cute na mukha at brown na buhok. Take note: sya ang kumakausap sakin.

"Aalis na po muna kami Princess Ari" sabi ni Jin tsaka sila nagbow at umalis.

"Aalis na din muna ako, Princess. Magpalakas ka" paalam ni Alexa tsaka umalis.

Napatingin naman ako kay Chris na nakapilyong ngiti na naman. Tinaasan ko sya ng kilay sabing.

"Oh? Anong nginingiti ngiti mo jan? Bakit di ka pa umalis din? Ng makapagpahinga na ako ulit" pagmamataray ko. Napakamot naman sya sa batok.

"Bakit? Masama bang ngumiti? Masaya kasi ako na kasama ulit kita kahit na pinatulog mo ako" sabi nya sabay pout.

Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Oo na eto na po. Magpalakas ka princess" sabi nya tapos lapit sa noo ko para halikan pero pinigilan ko sya.

"Oops! Anong akala mo sakin? Matanda at mamamatay na? Umalis ka na! Patulugin kita ulit jan eh" napapout naman sya .

"Joke lang. Parang hindi ka naman mabiro" sabi nya sabay kamot sa ulo tsaka umalis

"Tss. Isip bata" bulong ko sa sarili ko.

Nakakatuwa talaga sya. Kahit na minsan nakakainis. Tsaka ngayon ko lang napansin. May taglay nga syang kagwapuhan. Wait. What? Did I just say that? Ano bang iniisip ko?

Makatulog na nga. Pumikit na lang ako at nagsimulang matulog.

The Pink Princess [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now