Pink Princess 5

18 0 0
                                    

Chapter 5: The Dream

Nung una, puro fog lang ang nakikita ko pero kinalaunan isang babae at lalake ang papalapit sakin. Tinatawag nila ang pangalan ko.

Tinitigan ko silang maiigi hanggang sa mamukhan ko sila.

"Mama? Papa?"

"Kami nga mahal naming anak" agad akong lumapit sa kanila upang yakapin.

"Papaano kayo nakatakas? Natalo nyo na ba ang mga Wicked?" tanong ko sa kanila. Umiling lang sila.

"Hindi pa anak at wala ng makakatalo sa kanila kung hindi ikaw. Ikaw na lang anak" sabi ni Papa.

"Kinokontrol nila ang ang kapangyarihan. Pinipigilan nila ang mga ito upang hindi kami makapanglaban sa kanila kaya ikaw na lang ang inaasahan namin" dugtong ni Mama.

"P-pero. Papaano ko yun gagawin? Mas malakas sila kaysa sakin? Hindi ko yun magagawa. Kailangan ko kayo" umiling ulit sila.

"Hindi, anak. Ikaw lang ang makapagliligtas sa amin at sa kaligtasan ng Enchanted" sabi ni Mama.

"May isang babaeng nagngangalang Aiko. Sya ang magsasabi sayo kung ano ang gagawin mo. Sya ang pinakamatalinong Sorcerer sa Enchanted. Kausapin mo sya" paliwanag ni Papa.

"At isa pa anak, tutulungan ka ng Guardians. Sila ang magpoprotekta sayo laban sa mga Wicked. Pagkatiwalaan mo sila" magsasalita pa sana ako nung biglang may vine whip ang humatak sa kanila. Hinanap ko ang pamaypay ko pero hindi ko ito dala. Wala na sila mama at papa.

"Mama! Papa! Huwag nyo akong iwan" walang sumagot sa kanila. Isa lang ang narinig ko papalakas na tawa.

Tinitigan ko ulit kung sino iyon. Hindi ako nagkakamali. Si Inferno. Ang walamg hiyang si Inferno. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sobrang inis.

"Pakawalan mo na ang mga magulang ko!" sigaw ko.

"Hahahaha. At ano namang mapapala ko sayo?"

"Itigil mo na ang kasamaan mo bago ko pa ito mawakasan. Tandaan mo hindi ka magtatagumpay" banta ko pero tumawa ulit sya.

"Ikaw? Mawawakasan mo ang kasamaan ko? Hahahaha. Ikaw ang hindi magtatagumpay Princess. Ikaw" sabi nya bigla namang lumindol at sa di ko inaasahang pangyayari biglang bumuka ang lupang kinatatayuan ko at nahulog ako.

Naririnig ko pa din syang tumatawa habang sumisigaw ako.

"Princess! Princess!" nagising ako sa boses ni Chris.

"Chris?" agad ko syang niyakap dahil sa takot.

"Pssh. Tahan na. Okay na. Panaginip lang yun" pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mukha ko.

"T-teka, bakit pala nandito ka? Hiwag mong sabihin buong gabi mo ako binantayan?" bigla syang namula sa sinabi ko.

"Ah.. Kasi... Ah... Parang ganun na nga" umirap lang ako sa sinabi nya.

"Tss. Ito naman. Ang sungit sungit agad. Hindi mo man lang ba ako babatiin ng 'magandang umaga gwapong nilalang ng Enchanted?' " sabi nya sabay smirk kaya naman napangiti ako agaw at hinampas sya ng unan.

"Puro ka kalokohan. Dapat ikaw nga ang bumati sakin noh! Prinsesa kaya ako dito"

Napakamot naman sya sa batok.

"Eto naman. Magpasalamat ka nga ginising kita sa bangungot mo" sabi nya kaya agad din nawala ang ngito sa mukha ko.

"B-bakit? May nasabi ba akong masama? S-sorry na" sabi nya sabay pout.

"Ikaw kasi *face palm* ang daldal mo" kaya naman napatawa sya

"Pero hindi nga, ano bang napaginipan mo at ganun ang reaksyon mo" napayuko ako sa sinabi nya.

"Sila Mama at Papa.... May binilin sila sakin..." nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.

"Binilin? A-ano naman yun?"

"Tanungin ko daw ang isang babaeng nagngangalang Aiko kung paano ko daw sila maliligtas. Ako na lang daw ang pag-asa nila. Ako daw ang makapagliligtas sa buong Enchanted"

"Aiko? Ang pinakamatalinong Sorcerer sa Enchanted?" nag-nod naman ako

"Oo sya nga"

"K-kung ganon. Kailangan na natin syang puntahan" suggest nya kaya nag-nod lang ulit ako.

"Magbibihis lang ako" sabi ko sa kanya.

"Sige, dito lang ako. Hantayin na kita" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Oh bakit?" tanong nya.

"Bakit kailangan dito pa? Maninilip ka lang. Dun ka na lang sa labas" sabi nya kaya nagpout naman ulit sya.

"Tsss. Sige na lumabas ka na" pagpupumilit ko kaya lumabas sya ng wala sa oras.

Kumuha na ako ng damit at nagbihis.

Bago kami lumabas ni Chris, may naalala ako bigla.

"At isa pa anak, tutulungan ka ng Guardians. Sila ang magpoprotekta sayo laban sa mga Wicked. Pagkatiwalaan mo sila"

"Teka lang Chris" pigil ko sa kanya.

"Bakit may problema ba Princess?" takhang tanong nya.

"Kailangan mong tawagin ang Guardians. Kakailanganin natin sila" sumang ayon naman sya at nagmamadaling umalis.

"Princess Ari? Saan ka pupunta?" tanong ni Alexa habang papalapit sakin.

"Ah. May pupuntahan kasi kami ni Chris. Gusto mong sumama?" yaya ko sa kanya. Napataas naman ang kilay nya

"Saan?"

"Kay Aiko"

"A-aiko? Yung babaeng pinakamatalinong sorcerer sa Enchanted?" halos paulit ulit kp na yang naririnig ah. Nagiisa lang naman ang Aiko sa Enchanted no!

Ayoko ko ng makipagtalo kaya sumang ayon na lang ako.

"May itatanong kasi kami. Kung papaano maililigtas ang Enchanted"

"Sige. Sasama ako" sabi nya sabay ngiti. Ngumiti na lang din ako.

"Princess Ariana! Pinatawag nyo daw kami" sabi ni Jin habang papalapit sa amin.

"Oo may kailangan tayong puntahan"

"B-biglaan naman ata?" tanong ni Tim.

"Saan ba tayo pupunta?" dugtong ni Theo.

"Oo mahala to dahil sya ang makakapagsabi kung paano mawawakasan ang kasamaan ng Wicked. Pupunta tayo kay Aiko. Ang pinakamatalinong Sorcerer ng Enchanted" ako na nagtuloy dahil baka ulitin nila. Halata namang nagulat sila sa sinabi ko. Ano bang nakakagulat dun? Magulat sila kung sa Wicked Kingdom kami magtatanong kung paano smawawakasan ang kasamaan nila. Tsk.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa bahay ni Aiko doto sa Enchanted. Malalaman naman agad ang kanyang bahay dahil ang bahay nya ang pinakamakalumang itsura sa Enchanted.

Nakarating kami sa bahay nya. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Ilang segundo, bumukas ang pinto. Nakita ko ang isang batang babae. Nakasuot sya ng brown na dress. Nakatali ang buhok gaya ng kay Chun-li ng Street Fighter. Halatang nagulat sya sa pagdating ko.

"P-princess Ariana? Anong ginagawa nyo dito? Kinagagalak kong bumisita kayo" sabi nya sabay nag-bow. Sinuklian ko naman sya ng matamis na ngiti.

"Ako nga. Nandyan ba si Aiko? May kailangan kaming itanong sa kanya"

"Ako yun. Ako si Aiko. Ang pinakamatalinong sorcerer sa Enchanted"

The Pink Princess [DISCONTINUED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora