Pink Princess 7

25 0 0
                                    

Chapter 7: The Traitor

Una kong pinuntahan ang kwarto ni Alexa pero wala sya dun. Sumunod kong pinuntahan ang nga lugar na tinatambayan namin kaso wala din sya.
Waaa! Saan ko ba sya makikita? Wala sya sa garden, sa market, sa bahay ni Aiko. Nasaan ba sya?

Nagpunta ako sa pinakagate ng Enchanted dahil baka lumabas sya ng palasyo kaso iba ang nakita ko. Isang bagay na hindi nagpagalaw sa kinatatayuan ko. Si Alexa at si Inferno na magkasama. Naguusap. Anong ginagawa nila? Huwag mong sabihin-

"A-alexa?" napatingin sa akin si Alexa at mababakas ang gulat sa kanyang mukha.

"P-princess Ari? A-anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko na gustong sagutin ang tanong nya. Isa lang ang mahalaga sa akin. Ang malaman ang isang bagay. Ang masagot ang isang katanungang gumugulo sa isip ko.

"I-kaw ang traydor sa Enchanted?" hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mata ko at nakita ko din yun sa kanya.

"Hahaha. Oo tama ka princess. Sya nga ang traydor sa Enchanted" sabi ni Inferno. Napayuko naman si Alexa.

Lumapit ako sa kanya dahil gusto ko sa kanya iyon manggaling.

"Hindi... Hindi ako naniniwala.. Gusto ko sayo manggaling.. Alam kong nagsisinungaling si Inferno.. Sabihin mo saking hindi totoo yun.." mangiyak ngiyak na sinabi ko sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay pero inalis nya agad ito.

"Totoo.. Totoo ang sinasabi nya Princess.. Ako ay isang traydor ng Enchanted.." sabi nya at mas lalong bumuhos ang luha sa akin at maging sa kanya.

"B-bakit? Bakit mo nagawa yun? A-anong ginawa ng Enchanted para magkaganyan ka? Sagutin mo ako? Alexa! ALE-"

"BAKIT? TINANONG MO BA ANG SARILI MO KUNG BAKIT AKO NAGKAGANITO? KUNG BAKIT AKO NAGING TRAYDOR SA ENCHANTED? IKAW ANG DAHILAN PRINCESS! IKAW!" sigaw nya na nagpanginig sa akin.

"Hindi ko akalain na sinisigawan mo ako Alexa! Nakakalimutan mo na isa akong-"
"Ayan! Ayan ang isa sa mga dahilan kung bakit ako ganito! Lagi mong ipanamumukha na mas mataas ka kaysa sakin. Na isa lang akong mamamayan ng Enchanted"

"Hindi yan totoo Alexa. Kaibigan ang-"

"Kaibigan? Kahit kailan hindi ko naramdaman na itinuring mo akong kaibigan. Ang turing mo sakin ay isa lang alipin."

"Nagkakamali ka Alexa"

"Ikaw ang nagkakamali! Parati mong sinasabi sakin na kaibigan mo ako pero ang totoo, gusto mo lang palabasin na mas makapangyarihan ka" napa-iling na lang ako dahil ayoko ng makipagtalo sa kanya.

Napatingin ako kay Inferno. Mas nangibabaw ang galit ko sa kanya kaya lumapit ako sa kanya para saktan sya.

"Ikaw! Ikaw ang may kagagawan nito! Anong ginawa mo kay Alexa! Ano! Hondi ka pa ba masaya na kinuha mo si Mama at Papa? Pati si Alexa kinuha mo sakin!"

"Tama na Princess Ariana! Huwag ka ng manisi ng iba! Ikaw lang ang may kasalanan ikaw!"

Nagpunas sya ng luha sa mga mata nya.

"Mas mabuti pang gawin ko to para maunawaan mo" inilabas mya ang kanyang laso at inihagis ito sa akin. Kumapit ang laso sa kamay ko at itinangay nya ako papalayo hanggang sa makahandusay ako sa sahig.

"Princess Ariana!" tawag ni Chris. Binuhat ako ni Chris para makatayo.

"Anong nangyari Princess?" tanong nya.

"Anong ginawa mo Alexa? Bakit mp sinaktan si Princess Ariana?"

"Ikaw! Isa ka pa! Wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba!"

"A-ano bang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba?"

"Mahal kita Chris. Mahal na mahal kita pero hindi mo yun nakita dahil kay Princess Ariana ka lang nakatingin. Sya lang ang pinapansin mo"

"S-sorry Alexa. Sorry" sabi ni Chris habang lumalapit kay Alexa.

"Huli na ang lahat Chris. Hindi nyo na mababago ang estado ko ngayon. Lalo na't ako ang magiging prinsesa ng Wicked Kingdom"

"Prinsesa ng Wicked Kingdom?" sabay na sabi namin ni Chris.

"Oo. Tama kayo ng dinig. Ako ang sisira sa mga plano nyo. Ako ang pipigil sa mga gagawin nyo kaya kung ako sa inyo sumuko na kayo"

"Tara na Princess Alexa. Kailangan na natin umalis para ibalita ang mga nangyari" sumama si Alexa kay Inferno.

"Alexa. Pleasee. Alexa!" sinubukan kong pigilan si Alexa pero hindi sya nakinig. Mukhang wala na syang balak makinig.

Wala na si Alexa. Wala na ang matalik kong kaibigan. Naging pabaya ako sa mga kinikilos ko. Kasalanan ko to.

-
Ikinuwento ko sa Guardians ang nangyari. Maging sila ay hindi makapaniwala.

Sino ba naman kasing maniniwala lalo na't ang taong yun ay isa sa mga mabubuting tao. Minsan talaga may mga hindi inaasahan na pangyayaring, may mga taong nagbabago at iyon pa ang ikasisira ng kanilang pagkatao.

Ganun ba ako kamanhid para hindi mapansin na nasasaktan ko na pala sya? Ganun ba ako kasama?

"Hindi na ba tayo tutuloy bukas?" tanong ni Chris.

"Okay lang kung hindi mo pa kaya." sabi ni Jin.

"Kaya nga princess madami pa namang araw" sang ayon ni Theo.

"Hindi. Wala tayong sasayangin na araw." sabi ko.

"Kailangan pa din nating magpatuloy kahit na may mga taong nawala. Yan ang mga isa sa bagay na dapat nating matutunan" dagdag ko.

"Magpahinga na kayo. Maaga pa tayong maglalakbay bukas"

Nagbow naman ang mga Guardians.

"Magpahinga ka na din Princess" sabi ni Jin tsaka sila umalis.

"Tama sila Princess kailangan mo ng magpahinga. Ikaw ang mas may kailangan nun. Huwag mo na munang isipin si Alexa"

Napataas naman ang kilay ko.

"Eh ikaw? Bakit ka pa nandito? Diba dapat nagpapahinga ka na din? Hiwag mong sabihin na babantayan mo na naman akong matulog?" napakamot naman sya sa ulo.

"Sige. Eto na magpapahinga na po" sabi nya tsaka sya umalis.

Sinubukan kong pumikit pero naaalala ko pa din ang nangyari.

Kung paano sinigawan ni Alexa. Kung paano nya ako sinaktan. Kung paano nya ako tratuhin na parang kaaway. Lahat yan naalala ko at hindi ko mapigilan na mapaluha.

Masakit ang mawalan ng kaibigan. Lalo na kapag malalim ang pinagsamahan nyo. Ayokong masira na lang ang pagkakaibigan namin dahil sa maling unawaan. Dahil sa isang lalaki. Dahil sa isang posisyon.

Hindi ko kayang kalabanin si Alexa. Hindi ko sya kayang saktan. Huwag kang mag-alala Alexa mababalik ko din ang lahat sa dati. Maghantay ka lang.

Umiyak na lang ako ng umiyak hanggang sa maramdaman kong nakatulog na ako. Kailangan ko muna siguro itong ipahinga. Magiging maayos din ang lahat.

-
A/N: Don't Forget to Vote and Spread This Story.

Loves

The Pink Princess [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now