Pink Princess 2

83 2 0
                                    

Chapter 2: The Preparation

Halos magdamag na nagpractice ang mga taga-Enchanted. Ganun naman din ako. Naghanda na ako para sa laban.

Kung kanina halos maingay dahil sa pagsasananay. Ngayon naman halos sobrang tahimik na ang lahat dahil nangpapahinga na sila para sa gaganapin bukas. Ako naman ay nasa kwarto at iniisip kung paano matatapos ang mga wicked at kung ano ang mangyayari bukas. Kay mama at papa pa lang kasi parang tapos na agad ang laban. Ang galing kaya nila. Lalo na yung nangyari kahapon. Hindi ko pa din makalimutan kung paano ako namangha sa team work nila.

"Sana ganun din ang mapangasawa ko. Sana magaling din ang team work namin sa lahat ng bagay" bulong ko sa sarili ko.

*knock knock*

"Tuloy ka" utos ko.

Bumukas naman ang pinto at pumasok si Chris.

"Baka ako na ang hinahanap mo" sabi nya. Nung una hindi ko na-gets yung sinabi nya kaso nung maalala ko yung sinabi ko tsaka lang nag-sink in ito. Narinig nya yun?

"Teka. Narinig mo yung sinabi ko? Eh bulong lang yun?" bigla naman syang nag-smirk.

"Tss. Nakalimutan mo na bang malakas ang pandinig ko" sabi nya sabay wink.

"Huwag ka ngang gumanyan" sabi ko sabay roll eyes.

"Pfft! Bakit? Naiin love ka ba sa kagwapuhan ko?" pang-aasar nya tsaka sya lumapit sakin at ginulo ang buhok ko.

"Errr! Ano ba! Huwag mo ngang ginugulo ang buhok ko. Baka naman nakakalimutan mo na Prinsesa ako! Tsaka isa pa kahit kailan hindi ako nagwapuhan sa mga pinag-gagawa mo!" sabi ko sabay cross arms tsaka tumalikod.

"Asus. Kunwari pa to. Balang araw aaminin mo din sakin yang mga yan" pang-aasar nya.

"Tss. Asa!" pag-mamataray ko.

"Pfft! Sya nga pala may pinapasabi pala si Queen Hudgens" sabi nya. Napatingin naman ako agad at napataas ang kilay.

"Ano naman yun? Bakit ikaw pa ang kailangan ang magsabi?"

"Siguro dahil gwapo ako? Tsk. Tsk." natatawang sabi nya. Umirap lang ako.

"Ano nga kasi yun?"

"Pinapasabi nya kasi na huwag ka daw sumama bukas sa pagsalakay. Manatili ka na lang daw dito sa palasyo" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Nagsasabi ba sya ng totoo?

"ANO?" sigaw ko.
"Maiiwan ako dito sa palsyo mag-isa? Bakit? Wala ba silang tiwala na makakatulong ako?"

Napakamot naman sya sa batok nya.

"Hindi ko din alam eh" sabi nya kaya napatayo ako .

"Nasaan sila? Kakausapin ko sila. Gusto kong makatulong!" sabi ko habang naglalakad palabas.

"Uyy. Teka teka." napahinto naman ako agad at himarap sa kanya.

"Sinabi kasi nila na hindi na magbabago ang isip nila. Tsaka hindi ka naman mag-isa. Kasama mo naman ako" sabi nya habang nakangiti hanggang tenga.

"Tss. Sinungaling! Nasaan na ba sila? Ayoko kayang makasama ang tulad mong mayabang!"

"Tss. Bakit? Gwapo naman ako ah. Tsaka ayaw mo bang angkinin ang buong pagkatao ko habang wala ang taga-Enchanted?" sabi nya sabay wink.

Errr! Kainis na talaga to.

"Ang bastos mo! Isusumbong kita kila Mama!" sabi ko sabay bukas ng pinto. Mabilis naman agad itong nasara dahil sinara agad ito ni Chris. Teka? Ang bilis naman nya kumilos at bakit ang lapit ng mukha nya sa mukha ko?

The Pink Princess [DISCONTINUED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat