Epilogue ♥

618 35 18
                                    

*****

"Tara! Ipapakilala kita sa Dad ko."

Pinunasan ni Prince ang mga luha ko gamit ang hinlalaki. Nakangiti pa din siya sa 'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang naglakad. Sinampal naman ako ng kaba. Ipapakilala niya na ako sa Dad niya ngayon? Eh, matatanggap kaya nila ako? Sa itsura kong 'to?

"Prince.. Pang-katulong lang ang damit ko. Ang trabaho ko. B-baka.. baka 'di nila ako matanggap.."

Huminto siya sa paglalakad at tinignan ako.

"Hindi naman sila ang dapat nating alalahanin, e. Kung hindi ka man nila tatanggapin, problema na nila 'yon. Basta ako, kahit sino ka, tanggap pa din kita. At kung ayaw man nila, wala silang magagawa." hinalikan niya ako sa ituktok ng ulo at marahang hinila maglakad.

Kinakabahan talaga ako. Baka mapahiya siya sa harap ng mga magulang niya. Ayoko naman ng gano'n. Oo mahal ko siya. Kaya nga ayaw ko siyang mapahiya dahil mahal ko siya at hindi ko gustong maibsan ang respeto ng mga tao sa kanya dahil lang sa 'kin.

"Cinderella? May problema ba? Ba't ayaw mong sumabay?"

Nasa likod niya lang kasi ako. Napansin niya atang tahimik ako kanina pa at wala sa sarili.

"Wala naman. P-pero.. pa'no kung 'di nila ako tatanggapin at palayasin ka sa palasyo? Magagalit ka ba-"

Napahinto ako. Nalaman ko na lang na nasa harap ko na pala ang mukha niya at nakahalik sa noo ko.

"Kapag magsasalita ka pa, hahalikan kita pababa hanggang sa mahalikan ko 'yang labi mo."

"Sige!" ay letse, "Wag! First kiss ko pa 'to."

Ngumisi lang siya sa 'kin saka umiling ng marahan, "Ikaw talaga." kinurot niya pisngi ko, "Ang cute mo 'pag namumula."

Hala! Kanina pa pala ako namumula? Nakita pa niya! Nahihiya tuloy ako. Tumingin na lang ako sa sahig. Nah! Nahihiya ako, e.

May nadadaanan kaming ice cream parlor, park, at iba pang magagandang lugar kaya pa-gabi na nang marating namin ang hagdan ng palasyo. Pinahinto ko siya at hinawakan ng mahigpit ang braso niya.

"P-prince.. Natatakot ako-"

O. M. G. He kissed me again! This time, sa ilong 'yong halik niya.

"Magsalita ka pa Cinderella para matikman ko na 'yang lips mo."

Waaaaaah! Oo nga pala. Nakalimutan ko 'yong sinabi niya. Ayoko na magsalita. Hindi naman sa choosy ako o nandidiri sa kanya, may tamang oras lang kasi talaga para sa ganyang bagay. And I want our kiss a memorable one.

"Magsalita ka na, please? Sabik na 'kong mahalikan 'to, e." nakanguso lang siya habang hawak-hawak ang labi ko.

Shete. Nag-init na naman 'yong pisngi ko. Alam kong namumula na naman ako. Errr. Kinikilig kasi, e. Bakit ba? Pero seriously. Ang cute niya talagang ngumiti. Kissable ang lips niya kaya pinipigilan ko lang magsalita dahil baka kapag naghalikan kami, mahihimatay ako.

"Trust me. Dad and Mom will accept you."

Ngumiti siya sa 'kin kaya napangiti na lang din ako kahit kinakabahan. Nagsimula kaming maglakad paakyat. Kada-step ko sa hagdan, isang addition sa kaba ang nararamdaman ko. Kaya mas lalo akong kinakabahan kapag palapit na kami nang palapit sa malaking pinto ng castle.

"Magandang gabi, mahal na prinsipe."

Tumango si Prince sa dalawang guard at tinignan ako. Mas hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa kamay ko at ngumiti.

"Gusto kong makilala niyo si Cinderella. Siya ang magiging asawa ko kaya dapat niyo siyang batiin sa t'wing pumapasok siya sa palasyo at iligtas niyo sa kapahamakan kapag wala pa ako. Maliwanag?"

When Cinderella Never Left Her Shoe (COMPLETED) #JustWriteItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon