Chapter 5: Revelation.

579 38 47
                                    

*****

Nagising ako at nalamang umaga na pala. Alas sais na at kailangan ko nang bumangon upang gawin ang pang-araw-araw na daily routine. Naligo muna ako at nagbihis pangkatulong. Pagharap ko ng salamin, imbis na ang mukha ko ang makita, ang mga ngiti ni prince, bagkus, ang bumulaga sa akin. Pero biglang napalitan ang mga ngiti niyang iyon. Nag-horizontal ang mga labi niya na nagsasabing hindi siya masaya. Kinabahan tuloy ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bakit parang lumakas ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa kaba?

"Hindi. Hindi." mahinang bulong ko sa sarili sabay iling. Hindi ko dapat iniisip ang mga bagay-bagay. Wala naman akong nagawang masama kay Prince, e. Napa-facepalm na lang ako. Nakita ko ang diamante na nakapatong sa lamesa at agad ko namang kinuha iyon at linagay sa bulsa. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa Cr para kumuha ng balde pang-dilig ng halaman.

"Oh, cinderella? Mukhang maaga kang nagising ngayon?"

"Opo, madame."

"May lakad kami bukas at kailangan mong labhan agad-agad ang damit na susuotin namin. Bilisan mo diyan!"

"O-opo."

Mga alas nuwebe na at namalantsa na ako sa linabhan kong bistedo habang ang apat ko namang magkakapatid ay nanonood ng programa sa harap ng tv. Sa t'wing napapatingin ako kay Ella'y iniirapan niya ako at binabaling ulit ang attensiyon sa telebisyon.

"Huy, Cinderella! Nasusunog na ang plinantsa mo!"

Nabalik ako sa sarili pagkatapos akong sigawan ni Liza. Patay ako nito! Umitim na nga ang kayumangging bestido na plinantsa ko. Lagot ako nito kay Madame.

"OH MY GOD! ANG GOWN KO!"

Mas bumilis ang pintig ng puso ko. Mukhang aawayin na naman ako ni Ella ngayon dahil ang gown niya ang nasunog. Mabilis siyang nakalapit sa akin at nag-alalang inaninaw ang bestido. Nakikita ko sa mukha ang pamumula niya na tila galit sa nasaksihan. Nakatingin siya sa akin ng Masama. Patay!

"Anong ginawa mo?!" galit siya.

"S-sorry.. A-ate.."

"Wala ka talagang kwenta!"

Napasapo ako sa pisnging tinamaan ng sampal. Ang sakit. Sinabunot pa niya ang buhok ko sa likod at inalog-alog kaya ako ngayo'y nasasaktan.

NAHULOG ANG DIAMANTE!

Napatingin kami lahat sa sahig na pinaglagyan no'n. Nakakunot-noo ang tatlong kambal na para bang nagtataka sila kung bakit may diamante ako. Napahinto din si Ella pero nasa likod pa din ng ulo ko ang kamay niya.

"Teka? Ba't may diamante ka?" Lina.

"Mukhang pamilyar sa akin ang diamanteng ito, ah?" -Liza

"Oo nga. Parang nakita ko na 'to dati." -Lita

Marahas na binitawan ako ni Ella at tinungo ang kamay ni Liza na hawak ang diamante.

"Hmmm, mukhang may magnanakaw tayo sa bahay!" sabi niya, "Ina! Ninakawan tayo ni Cinderella!" tawag niya sa madrasta.

Mabilis akong umiling, "H-hindi! A-akin 'yan! Wag n'yong kunin! Bigay 'yan ng Mama ko!"

"Ina! Magnanakaw si Cinderella!"

"H-hindi! Hindi ako magnanakaw!"

Napabaling kami sa bumababang si Madame. Nakataas ang kanan niyang kilay habang gamit ang pamaypay na itim. Nang makita niya ang diamante, bigla siyang nagulat.

"BAKIT NASA 'YO 'TO? ITO ANG HINAHANAP KONG DIAMANTE, SIX YEARS NA ANG NAKALIPAS!"

Nagsisigaw siya sa harap ko. Kung si Ella ang nananakit sa akin kanina, ngayo'y si Madame na ang sumabunot sa buhok ko sa likod. Napapangiwi tuloy ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Pero ano daw? Sa kanya ang diamanteng 'yan? Siya ang may-ari?

When Cinderella Never Left Her Shoe (COMPLETED) #JustWriteItUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum