Chapter 9: Okay na sana pero...

Magsimula sa umpisa
                                    

Napalis ang ngiti sa labi ni Narda at natahimik ito.

Nagets naman n'ya agad kaya natawa s'ya. "Kakasabi ko lang na namimiss kita, 'di ba? May iba pa ba akong dapat mamiss liban sa closest friend ko?"

Napailing nalang ito. "Akala ko si ano."

"I'm not talking about Noah, silly. But if you'll ask me if kamusta kami, I don't really know where he is or what he's doing right now coz we barely talk this past weeks. He seldom visits me at home and madalas din naman ako sa trabaho. He has his own career to take care of too. We are on our separate worlds as of the moment."

Napatango-tango naman si Narda. "Sorry if hindi na ako updated sa buhay mo ngayon."

"So am I to you. How are you and Elmo?" Curious n'yang tanong.

"We're friends, I think. Kengkoy ang isang 'yon. Madalas nagpapatawa kahit corny. Iyon lang parang secretive and sometimes nahuhuli ko s'yang nakatingin ng palihim sa'yo tapos biglang seseryoso. Baka type ka." Panunudyo pa ni Narda sa kanya.

Sumeryoso naman s'ya at napatingin sa labas ng boutique. "Type ako dati. Love ako dati. Ex ko si Elmo, Narda." She confessed.

"What?!"

Napalakas ang boses nito kaya agad n'yang tinakpan ng kamay ang bunganga nito.

"Narda, naman!"

"Sorry, sorry. Nabigla lang ako. Paano naging kayo? Bakit kayo naghiwalay? Bakit hindi halatang magkakilala kayo?" Sunod-sunod nitong tanong.

"Hmmm... maybe we've choosen to be strangers? Noah and Elmo were both my childhood friends. Typical na magkalaro ng mga bata pa dahil close ang parents, nagkikita during special occasions, nagkakahiwalay during school days, nagkikita ulit during vacations, mas naging close ulit kaming tatlo when we were in high school. Noah and Elmo courted me at the same time too."

"Haba ng hair."

Hindi mapigilang kumento ni Narda kaya kinurot n'ya ito sa tagiliran.

"Guess kung sino ang una kong sinagot?"

"Malamang si Elmo. S'ya 'yong ex mo eh."

"Mali! Si Noah ang una kong naging boyfriend. But masyado pa yata kaming mga bata kaya iba pa ang priorities. Noah is bulakbol and so pasaway while Elmo is that goody good boy na showbizness, bahay at pag-aaral lang ang iniikutan ng mundo. That was what I liked about him kaya kami nagclick. Before I entered showbiz din kasi I was that typical nerdy kid. Mas pinipili ko nalang na nagbabasa ng books sa bahay kaysa gumala and my study and reading buddy is Elmo. I've fallin' inlove with Mo sa katagalan dahil magkapareho kami ng likes at interests, kaya i've decided to broke up with Noah na rin before ko sagutin si Elmo. Para lang din kasing laro 'yong sa amin ni Noah so i've decided to end it nalang before it gets complicated."

"Shesssh! Tama ang pinili. Good boy over the evil one."

Natawa s'ya sa side comments nito. "Ayaw mo lang talaga kay Noah."

"Oo na. Tuloy mo na 'yong kwento bago pa dumating si Mara."

"Ayon, Noah had been a sport naman at tinanggap ang decision ko. But Mo and I stayed in a relationship for over a year lang. He suddenly got indifferent, wouldn't talk to me for days, would ignore confrontations, ignore my texts and calls, until one day nagulat nalang ako when I was informed na lumipad na sila papuntang US. We hadn't had a formal break-up and I never had any idea why he left me. I haven't heard from him until recently."

"Kaya pala ganoon kayo ka awkward sa isa't isa ng magkasalubong tayo sa lobby. Yong mukhang clown na 'yon ghoster pala? Taena mapepektusan ko 'yong gunggong na 'yon! S'ya pala ang dahilan kung bakit ang clingy mo doon sa Noah eh. Nagkatrust issues ka na at natatakot na maiwanan."

Sumeryoso s'ya. "Kaya kita miss eh. Namiss ko ang kakulitan mo saka the way you are protecting me. You care about my feelings more than those guys."

"Kung 'di ka lang kasi t-a-n-g-a sa pag-ibig."

Nabaling ang atensyon n'ya sa babaeng pumasok sa boutique.

"Sandali, Narda. Hindi ba s'ya 'yong kasama ni Noah sa restaurant?"

"Oo s'ya nga 'yon. Tara sugurin natin."

"No! Huwag! Noah told me na cousin daw n'ya 'yan. Lalapitan ko muna to say hi."

Lumapit s'ya sa kinaroroonan ng babae.

"Hi! You're Noah's cousin right?"

Agad naman itong lumingon sa kanya at tumikwas ang kilay ng mapagsino s'ya.

"Excuse me? Oh! Regina Vanguardia. Noah's ex right?"

"Ex? Hindi ako nainformed. Nagbreak na pala kami?" She smirked.

"Yeah. He told me na break na kayo. Kaya nga ako na ang dinidate n'ya ngayon eh."

Naikuyom n'ya ang kamao.

"Hindi lang pala cheater ang gagong 'yon. Napakasinungaling din!" Galit na sabad ni Narda mula sa likod n'ya. Sumunod pala ito sa kanya.

"Hindi pa sila break, magbibreak palang siguro at dahil sa'yo 'yon. So, if I were you, miss, umalis ka na agad sa harapan n'ya at baka masampal ka ng wala sa oras. Masasayang 'yang namumutok mong make-up." Pananakot pa dito ni Narda.

Mukha namang effective dahil kaagad itong umalis.

"Reg..."

"Pakisabi kay Mara nauna na ako ha? Thanks for your time today, Narda."

Tinalikuran na n'ya ito bago pa ito may masabi.

"Humanda ka sa akin, Noah."

AFTER THE MOVIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon