Chapter 16

457 9 4
                                    

Helen scoffed as she was left dumbfounded. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Alexander. Tila nagpanting ang kaniyang tainga ngunit hindi niya masigawan ang kaniyang boss dahil sa pagiging walang puso nito.

“Parausan,” she laughed, sardonically. “Ginawa ka lang niyang parausan, Amalthea!” singhal niya sa sarili. “Ang bobo mo kasi. Tanga. Nagpagamit ka para lang sa misyon mo.”

Binalot niya ang kaniyang sarili ng comforter. Bumangon siya sa kama at nagtungo sa kaniyang sariling banyo at nilinis ang kaniyang sarili bago harapin ang salamin.

“Ginamit ka lang niya. Nagpagamit ka naman.” pagka-usap niya sa kaniyang sarili.

She couldn’t believe it. Nasa kaniyang isipan pa rin ang sinabi ni Alexander sa kaniya. Humugot siya ng isang malalim na paghinga.

“Abort… abort the child?” she chortled again. “Bakit ko ipapalaglag ang bata kung puwede ko namang palakihin ng mag-isa.” bulalas niya sa kaniyang sarili.

Nagbihis na siya bago lumabas sa kaniyang silid. Naabutan niya sa living room si Alexander na nagsisindi ng sigarilyo ngunit tuloy-tuloy lang ang kaniyang lakad patungo sa kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig sa ref at nilagyan ang baso bago niya ito inisang lagok.

Para siyang uhaw na uhaw kaya muli siyang nagsalin ng tubig sa kaniyang baso hanggang sa pumasok ang mayordoma ni Alexander at naabutan siyang nakatungo sa counter table.

“Oh, hija, anong nangyayari sa iyo at parang pinagsukluban ng langit ang ekspresyon mo?” tanong ng matanda.

Ngumiti siya sabay iling. “Wala naman po…” sagot niya. “May aayusin lang po ako, kayo na ang bahalang magluto ng pagkain ni Mr. Adamos.” paalam niya.

“Ikaw raw ang magluto hija, e.” imporma ng matanda. “Gusto raw niya ng luto mo na adobong manok. Nagtataka nga ako sa batang ‘yon dahil gusto niyang tumikhim ng ibang putahe maliban sa steak na kinakain niya.” bakas ang pagtataka sa mukha ng matanda.

She bit her lower lip. “Kayo na lang po magluto, alam niyo naman kung paano lutuin.” giit pa rin niya at hindi na hinintay ang matanda na magsalita kaya umalis na siya roon.

Muli na naman niyang nadaanan si Alexander ngunit diretso lang ang kaniyang tingin at pumanhik na sa kaniyang silid para magbihis. Nais niyang lumabas na hindi nakikita ng kaniyang boss kaya madali itong nagpalit ng kaniyang high-waist na jeans at crop top na itim.

Dumaan siya sa may bintana. Iniwas niya ang kaniyang katawan sa bawat sulok na may CCTV. She heaved a sigh nang makarating siya sa likod na bahagi ng mansyon. Umakyat siya sa puno bago tumalon sa kabilang kalsada at mabilis na lumakad paalis.

She didn’t bring any bag and guns but she has her phone. Although there’s nothing important from her phone since every transaction with her boss she always reminding herself to delete every piece of it.

Nakarating siya sa kalsada at mabuti na lamang may dumaan na jeep. Hindi niya inalintana ang init. Gusto lamang niyang lumayo muna kay Alexander. Helen went to their hidden head quarters, good thing she still knew the place even before.

Lustful December (Calendar Girls Series #12)(COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα