Araw-araw ganon ang ginagawa nameng dalawa. Salit-salitan kami sa pag-aalaga at halos ayaw niya na nga akong iwan dito sa bahay nila pero hindi pwede dahil maya:t maya din siyang hinahanap nina mistisong hilaw.

Lumipas ang isa't kalahating taon at isang taon na din sina Czallen at Czallie, mag-da-dalawa na sa susunod na buwan. At natuturan ko na din silang kumanta at sumayaw bilang panglibang ko sakanila minsan.

Pinabalik din ako sa pag-aaral ni lolo at wala akong nagawa kundi ang sumunod. Panatag na din ang loob ko na iwan ang dalawang anak ko sa mansyon nina Mark Jade dahil laging nandoon sina Julie tuwing ako naman ang papasok sa eskwelahan.

Matagal na din simula nung isa-isahin nina tito angkinin ang meron sina Mark Jade at doon ako mas nag-aalala pero kalmado lang ang daddy at lolo niya at natutuwa pa sa mga pinag-gagawa ng dalawang 'yon. At napagtanto kong magagamit namen ang mga kinuha nila laban sakanila kaya sinakyan ko na lang din ang plano nila.

At isang taon na din ang nakakalipas ng biglang ipakilala saamen ni Tita Joy ang batang si Jelai. Dalawang taong gulang na ang batang 'yon nang ipakilala niya saamen at inakala ko pang anak niya pero natagpuan niya lang daw eto nung araw na magkaroon ng barilan sa pamamagitan nila at ng mga terorista.

Kinuha niya si Jelai at inampon at ginawa nilang anak-anakan ni Tito Joshua. Hindi ko din malaman ang relasyon nung dalawang 'ton dahil lagi namang nagbabangayan at naghahampasan kapag nakikita ko.

Sa isa't kalahating taon, madalas ko na lang makita si Tito Henry at lagi kong nakikita si Tito Harvey na laging nakikipag-laro sa kambal. Siguro dahil kontento ngayon si Tito Henry sa mga kayamang meron siya ngayon na galing kina Mark Jade. Kulungan ang bagsak ninyong dalawa, 'yan ang ipapangako ko.

Simula din noon halos araw-araw ko naman nakikita si Allen at sina mistisong hilaw, madalas ko silang makita sa kalsada at pinagkakaguluhan, kung hindi sa kalsada, sa malls. Patago ko silang tinatanaw mula sa malayo, pero ang ipinagpapasalamat ko dahil hindi na sila madalas pumunta sa mansyon nina Mark Jade.

"Czallen" biglang tawag ni Julie sa anak kong babae kaya napatingin ako sakanya.

"Yes po?" Tanong ng anak ko na naglalaro at nakaupo sa sahig.

"Ohh, I'm not calling you baby" nakangiti niyang sabi bago ako tinignan. "Czallen, what if itayo ko ang tambalang 'yan? Since kalat na kalat na ngayon ang pangalan mo sa mga fans nina Mark? Butong-buto din sila sa 'yo girl!" Excited niyang sabi kaya napairap ako.

Heto na naman siya. Simula nung maungkat ang pangalan ko dahil sa mga halungkaterang fans nina Mark, lagi niyang sinasabi na what if magtayo siya ng fan club ganon-ganon kaya hinahayaan ko lang siya.

Pero lumipas ang ilang araw at nagkalat na nga ang pangalan ng anak ko. Czallen. Iyan ang love team kuno namen ni Allen kaya nag-aalala ako lalo na't hanggang ngayon nasasaktan ko pa rin si Allen.

"Czar" tawag saaken ni Tita Joy habang nakatanaw ako sa dalawang anak ko na naghahabulan dito sa garden ng mansyon nina Mark.

"Tita" bati ko sakanya ng nakangiti.

"Ano na ang plano mo?" Tanong niya saaken pero hindi agad ako nakasagot dahil wala talaga akong kahit anong man na plano sa buhay. "Ayaw mo ba ipakilala ang mga anak mo sa tatay nila? Czar, pwede ka ng magpakita sakanila anumang oras mo gusto, kami ang bahala sa 'yo" Sabi niya pa kaya napabuntong hininga ako.

"Tita, malaya pang nagagawa nina Tito Henry ang gusto nila at hindi ako panatag na magpapakita ako sa pamilya ko na nasa paligid pa rin si tito" nag-aalala kong sabi. "Natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin nila" dagdag ko pa.

"Malapit na, naghahanap lang kami ng tyempo para paratangan ang dalawang 'yon. Czar, maawa ka sa mga anak mo" malumanay niyang sabi kaya napatingala naman ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Pag... Pag-iisipan ko, tita" sabi ko kaya hinaplos niya naman ang buhok ko.

Lumipas ang pa ang ilang buwan at nung dumating ang May twenty three at doon namen ipinagdiwang ng simple lang ang ikalawang kaarawan ng kambal. Si Pejay, sina tito at tita, ang lolo at daddy ni Mark, sina Neicaj at syempre si Mark. Simula din noon madalas ko ng sinusundan si Allen at isang araw napabisita ako sa bahay namen, sa bahay ng mga magulang ko at napunta agad ako sa kwarto ko na sobrang lawak na ngayon at puno ng mga libro.

Naiiyak kong pinagmasadan ang mga nagkalat na litrato, libro at mga gamit na nandito sa loob. Pero napukaw ang atensyon ko ng makita ang kwintas na binigay saaken ni Allen noon, walang pag-aalinlangan ko 'yon hinawakan pero nabitawan ko din agad 'yon dahil biglang 'yong umilaw kaya nagulat ako.

G-gumagana pa siya.

Agad akong lumabas mula sa bintana at mayamaya lang din ay nakita ko ang sasakyan ni Allen at napansin ko agad ang kwintas niya sa mahigpit niyang hawak.

He still have it. Umalis na ako pagpasok nila sa loob at bumalik ako sa mansyon nina
Mark Jade, pero pagdating ko doon walang sumalubong saaken. Wala ang mga anak ko kaya grabe-grabe ang naramdaman kong kaba.

"Czallen!? Czallie!? Jelai!?" Tawag ko sa tatlong bata pero walang sumagot saaken.

"Ma'am! Ma'am, dinala ho ng lolo niyo ang tatlong bata sa mansyon ninyo" nagmamadaling lapit saaken ng isa sa mga katulong dito sa bahay kaya agad akong tumakbo pabalik sa sasakyan at pinaharurot 'yon papunta sa mansyon namen.

Ano na naman ba ang gagawin nila sa mga bata!?

To be continued....

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now