"Thank you" sabi ko sakanya at tinungaan niya naman ako.

"Get ready, we need to be there before nine. Do you want a help? Pwede kong tawagin ang mga katulong"  as always Mark, as always. Ang malumanay niyang boses ang nagpapakalma saaken araw-araw.

"Hindi na, kaya ko" nakangiti kong sabi sakanya bago ako naglakad papasok sa banyo.

"Be careful! Remember, mapapatay at hindi ako mapapatawad ni Allen pag may nangyare sa 'yo. Buntis ka pa naman" paalala niya kaya natawa ako ng mahina.

"I will, ako papatay sa 'yo pag 'di ka pa lumabas" natatawa kong sabi bago ako tuluyang pumasok sa banyo.

Nagmadali lang ako dahil alas otso na ng umaga. Nakakahiya naman na sila pa ang maghihintay saaken.

Si Mark Jade, marami na siyang nagawa para saaken at alam kong masyado ko na siyang pinahihirapan. Madami siyang ginagawa pero palagi siyang nandito sa tabi ko, paano pa kaya kapag lumabas na ang anak ko.

Nahimas ko naman bigla ang tiyan ko bago ako lumabas ng banyo suot ang roba. Pero nagitla naman ako nang maabutan ko si Mark Jade dito sa loob.

"Yah! Sabi ko lumabas ka muna" gulat kong sigaw sakanya kaya napatingin naman siya saaken pero agad din siyang tumalikod.

"Sorry hehehe. Kinuha ko yung vitamins mo, baka makalimutan mong inumin ehh. Then, I got your flat shoes. You can't wear a high heels, and then the clips for your hair. I want you to look good even it is our fake wedding" mahabang sabi niya habang isa-isang nilapag ang mga nabanggit niya sa ibabaw ng kama ko ng nakatalikod kaya napabalik-balik ang tingin ko doon sa mga dala niya at sakanya. "We have to convince them after all" dagdag niya pa kaya napakurap-kurap na ang ako ng mata.

"A-ayos ka lang?" Nag-tataka kong tanong sakanya kaya lumingon naman siya saaken bago kumunot ang noo niya at bahagya niya pang itinagilid ang ulo niya. Ang cute niya! Tumawa pa siya kaya dali-dali akong lumapit sakanya at pinisil ang pisngi niya ng sobrang lakas.

"Czar! Aww! Aray masakit" daing niya habang pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pisngi niya.

Tinigilan ko naman ang pagpisil sa pisngi niya ng makita kong mapula na ang mga ito bago ako ngumiti ng malapad sakanya.

"Cute cute! Labas na, magbibihis muna ako" sabi ko sakanya bago ko siya pinaikot at bahaga siyang tinulak.

Nilingon niya naman ako ng may pagttataka sa mukha bago niya hinawakan ang dalawang pisngi niya na napisil ko saka lumabas ng kwarto.

Nag-bihis ako paglabas na paglabas niya at tama lang naman ang size nung dress. Sinuot ko na din 'yong sapatos na dala ni Mark bago ko ininom yung vitamins na dala niya. Tinawag ko si Mark ng matapos ako at nagprisinta siya na siya na daw ang mag-aayos ng buhok ko.

Natuwa naman ako dahil ang ganda-ganda at ang linis nung pagkakasalapid niya sa buhok ko.

Lumabas na kami pagkatapos at ng makarating kami sa tapat ng kotse niya, inabot sakanya ang coat na agad niya namang isinuot at mas lalo lang siyang naging gwapo sa suot niyang 'yon.

Mukha siyang bad boy na medyo mabait dahil sa itsura niya ngayon.

West wedding daw ang magaganap at hindi naman ako umalma dahil peke lang naman 'to sabi ni Mark.

"Ang pipirma sa contract ay peke" 'yan ang sabi saaken ni Mark Jade patungkol sa magkakasal saamen.

Sinugurado daw nila na hindi malalaman nina lolo na peke ang magkakasal saamen kung sakali man na maghanap ng impormasyon sina lolo tungkol sa taong 'yon.

Nakarating kami sakto alas nuwebe ng umaga at agad na sinimulan ang seremonyas. Nandito si lolo at tito pati na rin ang tatlo kong pinsan, ang daddy at lolo lang din ni Mark Jade ang nandito.

Hindi ko alam kung nasaan si Tita Joy at ang tatay ni Bella. Ilang weeks na rin silang hindi nagpapakita saamen kaya nag-aalala ako.

"Czar, just one kiss. Just this one" pabulong na sabi ni Mark Jade nung sabihin na pwede niya na akong halikan.

Tipid ko siyang tinanguan saka ko ipinikit ang mga mata ko. I'm sorry Allen, just one kiss. Napamulat naman ako bigla ng mata ng maramdaman kong hinalikan niya ako malapit sa may labi ko at hindi sa mismong labi ko.

Naka-angulo mismo ang ulo niya sa direksyon kung saan nakaharap saamen ang pamilya namen kaya hindi nila kita na hinalikan niya ako sa gilid ng labi ko.

"Ayokong mapatay once na malaman 'to ni Allen," mahinang sabi niya kaya natawa ako ng mahina at umarte akong humalik pabalik sakanya.

Natapos ang seremonyas at agad na umalis sina lolo matapos kaming batiin. Pera lang naman ang habol nila kina Mark Jade. Umuwi din kami pagkatapos at sa mansyon ulit ako nina Mark Jade tumuloy, ngunit napansin ko ang pamilyar na sasakyan na naka parada sa harapan ng mansyon kaya agad kong niyaya si Mark papasok.

"Tita!" Tawag ko kay Tita Joy at mayamaya lang nakita kong nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.

"Shit! Tapos na ba? Late na ba kami? Anong nangyare? Kasal na ba talaga kayo? Paano na 'yan?" Natataranta niyang sabi kaya hinawakan ko ang dalawa niyang balikat.

"It was a fake wedding, tita" sabi ko sakanya kaya tinignan niya naman si Mark na nasa likuran ko. Lumungkot ang mukha niya pero agad din ngumit.

"That's good to hear" sabi niya bago bumaba sa may tiyan ko ang tingin niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Aray!" Daing ko ng bigla niya akong hampasin sa balikat kaya agad na napalapit saaken si Mark.

"Tita, careful po" sabi niya.

"Sorry. Ikaw na buntis ka, bakit ganyan ang suot mo? Masyadong mahigpit ang garter sa may tiyan mo, maiipit ang bata!" Sabi niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Hindi naman ehh. Saan ka pala nanggaling? Si Tito Harvey?" Tanong ko sakanya.

"Na distino kami sa malayo at madaming inasikaso roon kaya wala kami dito ng ilang week. Ohh siya tara na at ipaghahanda kita, kailangan mo ulit maging malusog Czar, para sa baby" sabi niya kaya ngumiti naman ako sakanya.

To be continued...

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now