Chapter 8: Distansya o disgrasya

Start from the beginning
                                    

Napangiti nalang s'ya. "I'm still a fan kahit na artista na din ako, kaya ganoon, sir."

"Sir? Drop it, Narda. Just call me Elmo."

"Okay, Elmo."

Napatikhim naman ang manager n'ya.

"Narda, Elmo here will be your on- screen partner for this movie and hopefully for your future projects. Magpapaprescon ang network para pormal na ilaunch kayo as the newest loveteam so might as well prepare for that day. I mean get to know each other deeper, be comfortable with each other, paliwanagin ang spark na nakikita ko sa inyo kanina pa."

"Okay, sir Abel." Magkapanabay nilang sagot.

"And one more thing, and the most important thing of all, Narda. It will be nice, publicity wise, kung kayo ang makikitang magkasama palagi, lalo na sa public places."

"Na always naman pong nangya-..."

"...not 'yong villain sa movie. Maiinvalidate ang thought na magkaaway kayo kung nakikita kayong super close kung saan-saan."

Nangunot ang noo ni Narda. "Ito po ba 'yong main reason kung bakit n'yo ako ipinatawag dito? 'Yong pagbawalan n'yo akong makipagkaibigan kay Regina? Unfair naman po yata 'yon, sir." Pagtutol n'ya pa.

"Hindi naman sa pinagbabawalan, Narda. If you want to be friends with her, you can lowkey do it, hindi 'yong makikita kayong magkasama kung saan-saan."

"What do you mean, sir Abel?"

"May nagkakalat ng photos n'yo together sa mga social media sites. Nakita kayong magkasama papasok ng isang Japanese restaurant, may kasunod pang late at night pictures together sa isang convenient store. Then sa isang underground music bar."

"Those paparazzis!"

"Umiwas-iwas muna kayong makita sa publiko, Narda. It's better na huwag muna kayong labas ng labas ni Regina. Maybe stay private if gusto n'yong magbond. Wala namang pumipigil eh. Ang sa akin lang, alagaan mo naman ang image mo at iparamdam mo sa mga tao na mas aabangan at kakikiligan kayo ng on-screen partner mo."

Napatango na lamang si Narda.

After all, it can be her much needed excuse para pansamantalang maiwasan si Regina.

"Naiintindihan ko po, sir Abel."

"Thank you, Narda. Maybe ayain mo muna si Elmo na magbreakfast sa baba at ng mas magkakilala pa kayong dalawa."

"Tara, Narda. Sabayan mo akong magbreakfast. I'm starving na rin eh."

Nagpatianod nalang din s'ya sa pag-akay nito hanggang makarating sila sa elevator.

"Hindi naman siguro magiging big deal sa'yo kung ako at hindi 'yong sinasabi ni sir Abel na si Regina ang makakasama mo sa gala, 'di ba?"

"Gala? It's more of a publicity stunt than a gala for me, Elmo. But to answer your question, for the sake of the movie and the loveteam, i'm willing to go with you anywhere if 'yon ang magpapabango sa pangalan ng loveteam natin sa madla at kung 'yon ang magpapasaya sa management." Sagot n'ya rito habang pababa sila sa lobby.

"Narda, can we ta-talk?" Regina's words stopped mid-air ng mapagsino ang kasama n'ya.

Hindi napansin ni Narda ang biglang pagfroze ng dalawa.

"Elmo..."

"Regina..."

Saka palang nagpalipat-lipat ng tingin n'ya sa dalawa.

"Magkakilala kayo?"

"Narda can we talk, in private please?" Pag-iignore nito sa tanong n'ya.

"Maiwan ko na muna kayo, Narda. Mauuna nalang ako sa restaurant. Sunod ka ha?" Nagmamadali na rin itong umalis pagkatapos.

"Iniiwasan mo ba ako, Narda?" Kaagad na tanong ni Regina ng sila nalang ang naiwan na dalawa.

"No. Of course not."

"I saw you with Mara earlier pero ng tinawag na ako ni Mara para sabayan s'ya magbreakfast, wala ka na. Iniiwasan mo nga ako kung ganoon."

"Stop assuming things, Regina. May Noah ka naman ah. It's better that you focus on your relationship kaysa isipin mo pa ako."

"So this is all about Noah? Again?"

"No. Not just Noah. Ikaw. Ikaw na sobrang tanga na pagdating sa kanya. Kailan ka ba magigising sa kahibangan mo d'yan sa taong 'yan ha? As a friend, hindi na kinakaya ng powers ko, Regina. Mas affected pa yata ako sa pambababae n'ya kaysa ikaw. Ako ang nasistress eh."

"That i've realized last night. Pwede ko namang subukang unti-unting ilet go si Noah, 'di ba? With your help?"

Napailing s'ya.

"Gusto ko sana, Regina. Pero hindi na pwede eh. I'm afraid you have to do that on your own."

"What do you mean?"

"My manager forbids me to be seen in public with you, Regina. That guy, Elmo Martinez, is my new loveteam. I should go out with him and not with you. I'm sorry, Regina. Mas importante kasi sa akin ang career ko. Sobrang pinaghirapan ko kasi na mapunta sa kinalalagyan ko ngayon. I can be your friend pa naman, but not anytime soon, Regina."

Napatango-tango naman ito at pilit na ngumiti.

"An unsupportive boyfriend, an ex who has choosen to ditch me than to fight for me and a friend who got tired of my life's drama. I get it." Mahinang bulong ni Regina na halos ang sarili nalang ang kinakausap.

"I had been your real life villain without realizing it. I think tama sila. It's better that we keep our distance. After all I am your nemesis. It'll be a much harder journey than it is before but we are professionals right? We will slay and make this movie worth watching. I guess that's it. Good luck, Narda."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now