45. Red Shift

4 2 0
                                    



Evie


One week. Monday, our midterm exam, kasabay ng pagbibigay sa akin ni Aeven ng critic niya sa gawa ko.

Naghahalo-halo ang sakit, takot, at kaba sa tiyan ko. Gusto kung sumuka na parang ilalabas ng katawan ko ang nararamdamang iyon. Sa mga oras na 'to, mas kinakatakutan ko pa ang napansin niya sa gawa ko kaysa sa score ko sa midterm exams.

"Sa tingin mo mataas mga score mo?" tanong ni Brent.

"Ewan." Sa tingin ko ay tama lang naman dahil nakapag-review ako, at nakita ko naman doon sa mga tanong. Pero kinakabahan ako sa subject mamaya. Sobrang daming printed materials ang mayroon kami roon. At alam kong pinasadahan ko lang ng basa ang iba.

"Ano'ng sabi ni Aeven sa Cosmos Starr?" Uminom muna ako ng tubig mula sa baso, tumingin sa mga estudyante sa canteen at bumuntonghininga.

"Okay lang daw. Basahin ko na lang 'yong mga ni-note niya." Nagkibit-balikat ako. Kung may dala lang akong laptop ngayon ay tiningnan ko na sana—pero hindi rin siguro, sasarilinin ko na lang ang sinabi niya sa apartment.

'Good luck sa exams mo, Evie! Labas tayo pagkatapos ng exam week mo.'

Pinatay ko ang cellphone at hindi ni-reply-an si Gabriel. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw ko munang kumausap ng tao ngayon. Magpapanggap na lang akong busy sa pagre-review kaya hindi ko napansin ang message niya.

"Ako si James." Isa pa ang lalaki na 'yon at ang mga sinabi niya ang bumabagabag sa akin sa mga nakalipas na araw.

"Mukhang may problema ka, last week ka pa ganiyan." Tipid ko lang siyang nginitian at tumulala sa plato kong walang laman.

May problema ba talaga ako, o gumagawa lang ako ng problema sa maliliit na bagay. Maski ako, hindi ko alam. Ang nakakalungkot ay hindi lang ako ang naaapektuhan kundi 'yong mga taong malalapit sa akin.

Ako 'yong problema, dapat nga sigurong ako ang lumalayo sa kanila.

"I don't know if I'll ever leave this . . . this fear of socializing with people—just existing with them." 'Yong takot, Brent. Nakakapagod din pala. Hindi ko nasabi lahat sa kaniya, hindi ko rin kaya 'to.

"I'm sure you'll grow out of it." Inayos niya ang mga pinagkainan namin at nang matapos ay nakangiting tumingin sa akin.

"Pa'no kung hindi?" Parang hangin lang ang lumabas sa bibig ko nang sabihin iyon dahil sa sobrang hina.

"I'm sure it's you who'll figure out how to face your fears.." Inilagay niya ang mga braso sa lamesa at lumapit nang bahagya sa akin. "You'll know if you need help dealing with it, don't be afraid of asking."





'The plot is so unrealistic. Portal from a mirror? You know, when we are writing, a touch of realism is important in a story. Clearly, that part of the novel is not it.'

Of course, it is unrealistic because there is no portal inside a mirror in real-life.

What.

At hindi lang 'yon ang laman ng nobela, it's about the struggles Starr has in socializing with other people. How it affects her life and her loved ones. It's real . . . and I know how it feels.

Your UniverseWhere stories live. Discover now