42. Big Bang Theory

7 2 0
                                    



Gabriel


"I love you, Evie." And your universe.

Napangiti ako nang wala sa oras habang inaalala 'yon. Pakiramdam ko, naiwan sa katawan ko 'yong yakap ni Evie, nandito pa rin. Naputol ang pangangarap ko nang gising nang hilahilahin niya ang manggas ng damit ko.

"Sa'n tayo pupunta?" mahina niyang tanong, nakakapit pa rin ang isang kamay sa manggas ng damit ko, at ang isa naman ay hawak-hawak ang ice cream niya.

"Pupunta tayo sa Lego Dream." Kumalma ang ekspresyon ng mukha niya at muling kumapit sa likod ko. Lumingon na ako sa daraaanan namin at nagpatuloy sa paglalakad.

Gabi na pero maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga dumaraang sasakyan at ilaw mula sa streetlights. Kaunti lang ang mga taong kasabayan namin na naglalakad sa gilid ng kalsada. Malamig ang hangin dala ng gabi, perpekto para sa paglabas namin ni Evie.

"'Yon 'yong may malalaking lego, 'di ba?"

"Oo, mga kasinglaki ng kamay natin." Gustong-gusto kong pumasok doon dahil mukhang masaya, kaso wala akong maaya. Kapag tatanungin ko sina James, 'di na raw kami bata. Kapag tatanungin ko naman 'yong iba kong kaibigan, busy raw.

'Tsaka, kaya ang tatanda na ng mukha nila kasi hindi nila kayang mag-enjoy na parang bata. Biro lang, galit lang ako sa kanila dahil hindi man lang nila ako masamahan dito.

"M-marami bang tao ro'n?" Nang mahalata ang kaba sa boses niya ay nilingon ko siya. Itinaas ko ang isa kong kamay kung hahawak siya.

Saglit pa siyang tumingin sa paligid namin, at nang makitang wala nang masyadong tao ay humawak na sa akin. Halos mapunit ang labi ko dahil sa pagngiti.

"Hindi ko lang alam, pero kasama mo naman ako." Hinaplos ko ang gilid ng kamay niya gamit ang hinlalaki ko.

Para akong nananaginip. A dream . . . with her.

White street lights above us. Red and orange beams from the cars. Glimmering stars with the moon in the sky. This was a perfect time to dance slowly, while the passengers were curiously watching us. We are the only ones hearing the music from our earphones.

But it was still impossible.

"I didn't imagine myself holding a guy's hand beside a street." Kami na lang ang naglalakad sa gilid ng kalsada. Bahagya nang tumahimik ang paligid.

"Bakit?"

"Titingnan ka ng mga tao nang puno ng judgment 'yong mga mata nila. . . ." Lumingon ako sa kaniya, siguro'y naramdaman niya lang ang mga mata ko kaya tumingin din siya sa 'kin. "Unless . . . it's just all in my head."

Hindi nakaligtas ang paglungkot ng mga mata niya sa akin at ang mahina niyang pagbuga ng hangin.

"Siguro, hindi naman lahat. At kung meron man, ano'ng paki natin do'n?" Tumingin lang siya sa daanan namin at hindi na umangat ang gilid ng mga labi niya. "And look at you, you did it with me." Itinaas ko ang mga kamay namin na tiningnan niya. Inabangan ko ang pagngiti niya na dumating kasabay ang pagtingin sa akin. "I'm so proud of you."





"Pwede pong palagyan ng lego bricks sa itaas ng palace namin?" tanong ng isang batang babae habang busy kami ni Evie na bumubuo ng sarili naming building.

Your UniverseWhere stories live. Discover now