10

30 2 1
                                    

“I love you.”

Iyon ang una niyang sinabi nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Nakayakap siya sa akin mula sa likuran at paulit-ulit akong pinapatakan ng magaang halik sa pisngi habang patuloy rin sa pagsasabi kung gaano niya ako kamahal.

“Bakit mainit ang ulo ng asawa ko, hmm? Nagugutom ka ba?” tanong niya nang makaupo na siya sa upuan sa tabi ko.

“Ikaw? Sino ’yong babaeng kausap mo kanina? Kilig na kilig ka pa, ah!” sarkastikong sabi ko na nagpakunot sa noo niya.

“Kausap? Kausap saan?” naguguluhang tanong niya na nagpataas sa kilay ko.

“Are you cheating on me?” nanliliit ang mga matang tanong ko ulit sa kaniya.

Mabilis nanlaki ang mga mata niya at sunod-sunod na umiling sa akin. “No! Never! I will never do such a thing, love! No! Never! Kahit sa susunod kong magiging buhay, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kong makasama!”

Mabilis akong napahagalpak ng tawa habang siya naman ay kunot na kunot ang noo. “Siyempre joke lang, ito naman! Sinusubukan ko lang kung ano ang magiging reaction mo kung bigla kong iisipin na niloloko mo ako.” Napabuntong-hininga na lang ako at napailing.

“Love, kahit ano’ng mangyari, ikaw at ikaw lang. Palaging magiging ikaw, Ericka, walang iba. Mahal na mahal kita, Ericka.” He planted a soft and gentle kiss on my forehead before hugging me.

Napayakap din ako sa kaniya at napasiksik sa leeg niya nang may maramdaman akong pagkirot sa ulo ko, kasabay noon ay ang pagbalik na naman ng isang pamilyar na boses sa isip ko.

Naririnig ko ang boses niya pero malabo ang mukha niya. 

“I love you so much, My Loreziana. Palaging magiging ikaw, walang iba. Mahal na mahal kita, Ericka.”

☁️🤍

Deja Vu (Euphony Series #5)Where stories live. Discover now