00

75 2 2
                                    

“How’s your day?” bungad na tanong sa akin ni Felixian, ang fiancé ko nang makapasok na ako sasakyan.

“Ayos lang naman, medyo nakakapagod kasi tatlong section din ang tinuturuan ko,” pagkukuwento ko sa kaniya saka isinandal ang likod sa upuan ng sasakyan.

Siya mismo ang nagbukas ang pintuan sa akin kanina at ang mismong nagkabit ng seatbelt ko. Siya na rin ang nag-ayos ng mga gamit ko sa backseat ng sasakyan niya — namin pala. He told me that what’s his, are mine too.

I felt him planted a soft and gentle kiss on my forehead. “Gusto mo bang kumain muna tayo? Or mag-drive thru na lang? O kung gusto mo, puwede naman kitang ipagluto na lang,” aniya saka nagsimulang magmaneho.

“Alam kong pagod ka kaya mag-drive thru na lang tayo,” sagot ko na tinanguan naman niya.

Dahil traffic at dahil sa pagod ko ay nakatulog ako sa biyahe. Naramdaman ko pa ang paglagay niya sa akin ng kumot na sa tingin ko ay kinuha niya sandali sa backseat saka ako tuluyang nakatulog na.

“Lahat naman ng kulay ng mga dress na ’yan ay bagay sa ’yo,” anang boyfriend ko na nagpangiti naman sa akin.

I really love his compliments.

“Tigilan mo na nga ’yang pambobola mo sa akin!” asik ko na nagpatawa naman sa kaniya.

Yumakap siya sa akin mula sa likuran saka ako hinalikan sa pisngi. “I love you, Loreziana, I will always love you.” bulong niya kaya napangiti na naman ako.

“I love you more, Nicho—”

Napadilat ako ng mga nang maramdaman ko ang marahang pagtapik ni Felixian sa pisngi ko. Napalibot ako ng paningin sa paligid, nasa bahay na pala kami.

“Kumain ka muna bago ka matulog ulit,” aniya kaya tumango na lang ako.

Tinulungan niya akong makababa ng sasakyan, siya rin ang may hawak ng mga binili niya sa drive thru at pati ang mga gamit ko ay hawak niya rin.

At isang kamay lang ang gamit niya sa pagbibit noon!

“Ako na—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang umiling siya kaagad at hinawakan na lang ang kamay ko saka kami sabay na pumasok sa loob ng bahay.

Yes, we do have our own house already. Sabi niya ay ipinatayo niya na ito bago pa ang kasal namin, next month na raw kami ikakasal, pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit pareho na kami ng apelyido kung ikakasal pa lang kaming dalawa.

Ayaw naman niyang sabihin sa akin ang dahilan, malalaman ko rin daw sa tamang oras at panahon.

“Baby,” I heard him called.

“Bakit?” tanong ko nang harapin ko siya.

Matutulog na kami, nakatalikod ako sa kaniya, hindi ko alam kung totoo ba kasi ang lahat ng sinabi niya sa akin. Pakiramdam ko ay na hindi pa siya sinasabi.

And I don’t know why all his actions reminds me of someone — the man from my dreams.

“Good night, I love you.” Hinalikan niya ang noo ko bago siya humiga at yumakap sa akin.

“Good night, my love. I love you.”

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hindi na pinansin ang pamilyar na boses na bigla na namang sumagi sa isipan ko.

☁️🤍

Deja Vu (Euphony Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora