05

25 2 1
                                    

“Love, may problema ba?” biglang tanong ni Felixian nang makahiga na siya sa tabi ko.

“I’m just thinking about something,” sagot ko na nagpakunot sa noo niya.

“Kagaya ng?” tanong niya saka inangat ang ulo ko at pinaunan sa braso niya habang ang isa niyang braso ay nakayakap sa baywang ko.

“Kung bakit ang ganda ko,” nakangusong sagot ko na nagpahalakhak sa kaniya. “Ah, so hindi pala ako maganda sa ’yo?” nakataas ang kilay na tanong ko bago siya talikuran at yumakap sa unan na katabi ko.

“Hey, I’m sorry. Akala ko kasi seryoso ang tanong mo,” aniya pero halata pa rin sa boses ang pagpipigil ng tawa. “I’m sorry, I love you.”

Hindi ko siya pinansin at pumikit na lang saka mas yumakap sa unan. Hindi na rin naman na niya ako kinulit at hinalikan na lang sa pisngi saka nahiga at niyakap.

“I love you so much, Loreziana. Sana nga bumalik na ang alaala mo, ang sakit-sakit na, mahal . . .”

☁️🤍

Deja Vu (Euphony Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon