Chapter 24

40.5K 448 153
                                    

Chapter 24

Taas noo akong bumalik sa aming table. Hindi naman nila napansin na may kakaibang nangyari sa akin. Pinili kong huwag na munang sabihin sa kanila ang nangyari sa wash room kanina. Hinawi ko ang buhok ko pagka-upo ko. Nilagay ko agad ang make-up kit ko sa bag ko.

"Here's your frappe and Blueberry Muffin." Sambit ni Nicole habang nilalapag ang in-order nila para sa akin. I gave her a small smile and thanked her. Nginitian lang din naman nya ako pabalik.

Nagde-kwatro akong upo at sinimulang sumipsip sa frappe na binili ni Nicole para sa akin no'ng bigla akong tinapik ng marahan ni Janelle. Tinignan ko sya, hindi siya nakatingin sa akin, imbis nakatingin siya palagpas sa akin. Sinundan ko yung tingin niya at nakita ko ang tinitignan niya.

Si Nadine, naglalakad habang nakatingin sa akin ng masama. Mukhang kakalabas lang niya sa wash room. Pumangalumbaba ako at tinitigan din niya at ngumisi. Inismiran niya ako at naghawi ng buhok. I snorted. Kinuha ko ang phone ko at nagsurf na lang sa mga social networking sites ko.

"Babe, si Dylan." Bulong ni Janelle sa akin. Natigilan ako sa aking ginagawa at biglang kumalabog ang puso ko. Huminga ako ng malalim at kalmadong tinignan sila. Nakita kong nakatingin silang lahat sa akin pagkatapos ay tumingin sila sa mga taong nasa may likod ko. Kahit hindi na ako tumingin ay alam kong sila Dylan ang tinitignan nila pero kahit alam ko na iyon ay pinili kong sundan ang tingin nila. Ayokong isipin nila na hanggang salita lang ako.

Pagkalingon ko ay nakita ko nga silang dalawa. Nag-uusap silang dalawa. Seryoso ang mukha ni Dylan samantalang nakakapit si Nadine sa braso ni Dylan at nakatinging nakangiti siya kay Dylan. Parang ang saya-saya niya. Nanikip ang dibdib ko pero pinanatili ko ang walang ekpresyon kong mukha.

Diretso lang ang tingin ni Dylan kaya hindi niya kami napansin. Well, medyo malayo din naman ang pwesto naming sa pintuan ng lugar na ito pero dahil alam ni Nadine na nandito ako ay sinulyapan niya ako sabay ngisi na para bang nang-aasar. Nakita kong tinaas ni Ashley ang kanyang middle finger kay Nadine. Nagkibit-balikat lang ako at nag-iwas na nang tingin sa kanila. Narinig ko na lang na tumunog ang windchime ng Coffeeteria, hudyat na lumabas na sila ng tuluyan. Nakahinga ako ng maluwag. Nagpatuloy na lang ako sa pagbrowse sa internet.

Tahimik sila. Malamang ay pinapanood nila ako. Nag-angat ako nang tingin at tama nga ako. Kumunot ang noo ko at tinignan sila isa isa.

"What?" sabay silang umiling lahat. Nagkibit balikat ulit ako. "I'm fine. Don't worry about me. I already told you guys, I'm over it." That was a lie, I know. Paulit ulit kong sinasabi sa kanila yun pero alam ko rin sa sarili ko na hindi pa talaga ako nakakamove on. I loved that asshole with all of my heart pero ginago lang niya ako kaya ngayon purong poot at sakit ang nararamdaman ko sa kanya.

Nakita kong nag-ilingan sila. Hindi ko alam kung naniniwala talaga sila sa akin pero wala na akong pakialam. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang ulit sa aking ginagawa. Pagkatapos ay inubos naming ang aming oras sa paguusap hanggang sa nagdecide na kaming umuwi.

Pagkadating ko sa bahay ay wala sila Mommy at Kuya, dumiretso ako sa aking kwarto at binagsak ang aking katawan sa kama. Bumuga ako ng hangin. Naalala ko ang nangyari kanina. Lalo lang nadagdagan ang galit ko kay Dylan. Ang kapal talaga ng mukha niya. Ni hindi man lang niya ako nirespeto at talagang tinuloy niya pa rin ang relasyon nilang dalawa.

"Hindi nga niya binigyan ng respeto ang relasyon namin nung kami pa, ngayon pa kaya na wala na kami?" sambit ko sa aking sarili. Napangiti ako ng mapait. Oo nga ano? Nagtaka pa ako. Pumihit ako ng higa at tumitig sa kisame. Natulala ako saglit hanggang sa nagdesisyon akong tumayo at maligo,

Isang oras akong nagbabad sa bathtub. Sinuot ko ang aking paboritong pajamas at nilakas ang aircon. Umupo ako sa kama at kinuha ang aking laptop. Pagkabukas ko ay agad na lumitaw ang tawag ni Ate Cath sa akin through Skype. Sinagot ko agad iyon. Bumungad sa akin ang mukha niyang halos replica ng aking mukha. Malaki ang kanyang ngiti.

"Ate."

"Kamusta, Cindy?" tinagilid ko ang aking ulo at ngumiti sa kanya.

"Maayos naman ako, Ate." Sabi ko sabay hawi sa iilang hibla ng buhok ko na napupunta sa aking mukha. Naka-messy bun kasi ang buhok ko.

"Hmm.."

"Hmm?" tinitigan ako ni Ate. Sinusuri niyang mabuti ang itsura ko ngayon.

"I am so relieve na bumalik ka na ulit sa dati, Cinds." Bumuntong-hininga siya, "Ang nakakalungkot lang ay iyong dahilan ng pagbabago mo."

Napawi ang ngiti sa aking labi. Yumuko ako at pinaglaruan ang aking cellphone.

"I know pain can change a person so I can't blame you. That good-for-nothing bastard doesn't deserve an angel like you, baby sis. Huwag mo nang sayangin ang panahon mo sa taong iyon." Huminga ako ng malalim.

"I know naman, Ate." 

"Good." I smiled at her, "Anyways, I called just to check up on you. Go to sleep na."

"Alright. See you soon, Ate."

"See you. Mwa." Pagkatapos noon ay binaba na niya ang tawag. Tinitigan ko pa muna saglit ang screen ng laptop ko.

Sana ganun lang kadaling baliwalain ang lahat kaso hindi e. Hangga't nasasaktan ako at minamahal ko siya, hindi ako titigil na kamuhian siya dahil sa ginawa niya sa akin.Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang mga ginawa niya sa akin lalo na si Nadine.

Pinatay ko na ang aking laptop at itinabi iyon. Binuksan ko ang Twitter app sa aking phone at nagtweet.

Cindy Mercado
@CMMercado

Good girl gone bad. Be ready for your karma.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now