Chapter 7

56.9K 773 61
                                    

Chapter 7

Sinarado ko ang pintuan ng locker ko at nagsimula nang maglakad. Dismissal na kasi namin at kailangan kong umuwi nang maaga dahil uuwi sila Mommy ngayon. Nasa Europe kasi sila para sa business trip, almost one month din silang nandoon. One of the well known business tycoon kasi si Daddy at since tinutulungan ni Mommy si Daddy, ayun kailangan palagi siyang kasama sa mga business trips ni Daddy kaya lagi kaming naiiwan ni Kuya sa bahay. Okay lang naman sa amin, nasanay na at naiintindihan din naman namin.

May dalawa pa kaming kapatid actually. Si Ate Catherine, ang pinakamatanda sa amin at si Camille na pinakabunso. Nasa Korea sila dahil sa business doon ni Ate at siya na ang nagpa-aral kay Camille kaya ayun. Minsan binibisita namin sila sa Korea kapag wala nang pasok, minsan naman ay sila ang pumupunta dito.

Wala na masyadong tao sa corridor dahil medyo late din kaming dinismiss noong homeroom teacher namin. Nakatingin lang ako sa langit sa labas ng bintana habang naglalakad. Nagulat ako noong napatingin ako sa harapan ko at makitang nandoon si Dylan at ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya bigla sa akin at dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa ay naamoy ko ang mabango niyang hininga. Naman e!

"I-iniiwasan? B-bakit naman kita iiwasan?" lumapit pa siya lalo sa akin kaya napaatras ako.

"Talaga?" tumaas ang isa niyang kilay. Ayoko na! Nadadarang ako sa mga tingin niyang malalim sa akin at ang mabango niyang hininga. Tumango ako at tinulak siya nang marahan palayo sa akin.

"Oo, hindi kita iniiwasan. Walang dahilan para iwasan kita. Sige na, aalis na ako. I need to go. Bye." nilagpasan ko siya pero hindi pa ako nakakalayo no'ng bigla niya akong hinila sa braso at pinaharap sa kanya.

"Kung hindi mo ako iniiwasan, bakit hindi ka makatingin nang diretso sa akin? Bakit ka aalis agad?" hala naman! Nakakaasar naman 'to e!

"Hindi nga kita iniiwasan tsaka kailangan ko na talagang umuwi!" sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa braso ko pero lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa braso ko.

"Tignan mo muna ako sa mata." hala ang kulit! Gusto niya ba akong mangisay dito?

"Bitaw na kasi!" pilit ko pa ring tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Tignan mo muna ako sa mata." inulit niya lang ang sinabi niya.

"Bitaw naaaaa~!" hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa braso ko at masakit na iyon kaya napangiwi na ako. Napansin naman niya agad at niluwagan niya ang pagkakahawak sa akin at doon ako kumuha ng pagkakataon para matanggal ang kamay niya at agad akong umatras ng medyo malayo sa kanya at tumalikod na. Maglalakad na sana ako kaso nagsalita nanaman siya. Ang kulit! Napaka-kulit!

"Bakit mo ba kasi ako iniiwasan?" napahawak ako nang mahigpit sa strap ng bag ko.

"Hindi nga kita iniiwasan! Isa pa, hindi naman tayo magkaibigan para iwasan kita." napahawak agad ako sa bibig ko pagkasabi ko no'n. Pero tama naman ako e pero bakit parang pakiramdam ko hindi ko dapat sinabi 'yon? Ay ewan!

Hindi siya nagsalita. Akala ko ay umalis na siya kaya humakbang na ako paalis kaso nagulat ako no'ng bigla siyang sumigaw.

"Then, let me be your friend!" nanlalaki ang mga mata ko noong nilingon ko siya.

"What!?" sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at malapit nanaman ang mukha niya sa mukha ko.

"I want to be your friend kaya please huwag mo na akong iwasan." bumilis ang pagtibok ng puso ko at napatitig na lang ako sa kanya. Gusto niya akong maging kaibigan? Seryoso?! Syempre gusto ko din. Papayag na sana ako kaso nga lang naalala ko nanaman sila Nadine kaya umatras ako ulit at umiling.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now