Chapter 17

47.5K 496 63
                                    

Chapter 17

"Oh, nakabusangot ka dyan?" tanong agad sa akin ni Nicole habang lumalapit sila sa akin. Kakalabas lang ng teacher namin dahil may biglaan silang meeting. Nasa classroom pa kami.

"Ang panget mo na nga, nakabusangot ka pa dyan. Lalo ka lang pumapanget." pang-iinsulto ni Steffi sa akin. Agad ko siyang tinignan nang masama.

"Sorry ah! Ganda mo e!" irap ko sa kanya.

"Talaga!" at talagang nag-flip pa siya ng hair. Nagtawanan naman sila. Ganyan 'yan sila, kapag nasa mood nilalait talaga nila ako pero dahil bestfriends ko sila, normal na lang sa akin 'yon. Ang ayaw nila 'yong ibang tao ang nanlalait sa akin dahil sabi nila, sila lang daw ang may karapatang laitin ako. Ang babait diba? Yeah right!

"Pero ano bang problema?" tanong naman ni Janelle. Bumuntong-hininga ako.

"Ayun, nag-away nanaman kami. Siya kasi e!" naiinis kong sagot.

"Bakit nanaman ba? Ano nanaman ang pinag-awayan niyo?" -Nicole.

"Don't tell me hindi lang siya nagtext ng limang segundo nanaman ang pinag-awayan niyo? Kakaltukan na talaga kita!" sigaw ni Steffi sabay irap sa akin.

"Hindi! Hindi 'yon."

"Edi ano?"

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko, "ano... Kasi nag-away kami dahil hindi niya ako tinawagan agad."

Natahimik sila bigla. Alam kong kami na lang ang natitira dito sa loob ng classroom. Mga ilang minuto na silang tahimik kaya nag-angat ako nang tingin at nakita ko ang reaksyon nila. Lahat sila nakangiwi at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Ano ba kayong dalawa!" biglang sigaw ni Eunice kaya halos mapatalon kami sa gulat. Hinampas siya ni Steffi pero hindi siya natinag.

"Ano ba, Eunice! Hindi mo naman kailangang sumigaw! Nakakaloka ka!"

"Aish! Para kayong mga bata! Simpleng bagay, pinag-aawayan! Hindi pa kayo niyan tapos ganyan na kayo kung mag-away. Paano na lang pag naging kayo na? Ano na lang?" napayuko ako. Eh ewan ko ba! Simula no'ng gumaling ako at naging opisyal na manliligaw ko siya, nag-aaway kami sa mga maliliit at simpleng bagay. Siguro dahil nag-aadjust pa kami sa ugali nang isa't isa. Actually, nagiging isip bata lang naman ako pag dating sa kanya. Nakakatawa pero totoo. Oo nga pala, ilang buwan na din ang lumipas mula no'ng muli siyang nanligaw sa akin. Syempre kalat na sa buong campus ang tungkol sa aming dalawa. Maraming may ayaw pero marami ring walang pakialam.

"Ayusin niyo nga 'yan, Cindy. Para kayong mga baliw e. Isa pang pag-aaway niyo nang ganyan, sasampalin na kita." seryosong sabi ni Nicole sa akin. Tumango naman ako. Siguro ay kailangan naming pag-usapan ito.

"Intindihin niyo na lang sila, guys. I'm sure nasa adjustment stage pa silang dalawa. Siguro mas maganda nang nangyayari ito sa kanila kaysa naman mangyari pa 'yan kung kelan sila na." napatingin kaming lahat kay Janelle na tahimik lang na naka-upo at nakikinig sa amin.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now