Chapter 18

42.2K 444 35
                                    

Chapter 18

Nagising kami dahil sa isang malakas na pito.

"Okay! Get up get up!" sigaw no'ng teacher namin. Bumangon kami kahit na inaantok pa. Naunang naligo si Janelle. Ako naman ay kinuha ang phone ko at tinignan iyon. May tatlong text doon si Dylan.

"Nasa room niyo na kayo? Nandito na kami sa room namin. I miss you already."

"Hey, why aren't you answering your phone?"

"Maybe you're asleep already? Alright. See you tomorrow. I miss you so bad."

Jusmiyo! Umagang-umaga kinikilig ako. Nakakaloka. Simpleng text lang niya 'yon pero sobra-sobra akong kinikilig. Agad akong nagtext sa kanya ng 'Good morning'. Saktong lumabas na si Janelle sa banyo kaya sumunod na ako. Natulog pa kasi ulit si Michelle at Nicole. Pasaway talaga.

No'ng natapos akong maligo ay ginising na namin sila Michelle para makaligo na sila. Lumabas naman kami ni Janelle at pumunta sa dinning hall para makakain.

Pagkadating namin doon ay nandoon na halos lahat nang mga fourth years. Kumaway sa amin sila Steffi kaya agad kaming nagtungo doon at umupo. Malalaki ang mga bilog na table dito. Mga walong tao ang kasya. Hindi rin nagtagal ay dumating na sila Nicole at umupo na din sa table namin. May mga nagserve sa amin ng mga pagkain at nagsimula na rin naman kaming kumain.

No'ng natapos kami ay agad kaming binigyan ng tasks. Pinapunta kami sa kung saan saan, syempre kasama namin ang mga partners namin. Parte daw iyon ng recollection namin.

Pagdating ng tanghalian ay pinakain kaming muli at pinagpahinga dahil may gagawin daw ulit kami sa hapon. Buong araw ay puro kami activities, nag-enjoy naman kami kahit nakakapagod.

Nagpapahinga kaming lahat dito sa tabi ng dagat. Mag-gagabi na at maya-maya lulubog na ang araw. Gusto kong mapanood iyon. Nakaupo ako kasama si Dylan sa ilalim ng isang coconut tree. Pinapanood namin sila Nicole na naliligo sa dagat. Sila Timothy naman ay nasa kabila, nanonood lang din sa mga barkada ko. Tinitigan ko si Christian, sinundan ko ang tingin niya at nakita ko si Nicole. Sabi ko na nga ba e. Kita kong gusto nga talaga niya si Nicole, hindi ko nga lang sigurado kung gano'n din si Nicole dahil magaling siyang maglihim nang nararamdaman niya. Hindi ko alam kung okay na sila pero nakita kong nag-uusap naman na sila kahit papaano kanina.

"Gusto mo bang maglakad-lakad?" basag ni Dylan sa katahimikang bumabalot sa amin kanina pa. Tinignan ko siya, ngumiti ako at tumango. Tumayo siya agad at inilahad ang kamay para tulungan akong makatayo.

We walked hand in hand. Hinubad ko ang slippers ko at naglakad kami sa tabi ng dagat. Itinaas ko din ang mahaba kong palda para hindi mabasa. Kinuha naman agad ni Dylan ang slippers ko at siya na ang may dala. Tahimik lang kaming naglalakad na dalawa habang unti-unting nagiging orange ang kalangitan.

Nagkatinginan kaming dalawa at bigla na lang natawa nang walang dahilan. Inilapit niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan iyon. Tumigil kami sa paglalakad, humarap ako sa kanya.

"Cindy, ilang buwan ko na ding pinapatunayan sa'yo ang nararamdaman ko at habang tumatagal ay mas lalo kitang minamahal," tinitigan niya ako nang diretso sa mga mata at hinawakan niya ang isa ko pang kamay kaya nabitawan ko ang palda ko at tuluyan na itong nabasa, "mahal na mahal kita at patuloy akong nahuhulog nang sobrang lalim, please save me." humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now