Chapter 14

46.6K 570 37
                                    

Chapter 14

Pagkatapos nang araw na iyon ay napag-usapan namin na huwag munang lumabas dahil exam week na at kailangan naming magreview nang isang linggo. Sa isang linggo na hindi kami magkasama ay hanggang tawag at text lang kami.

Lumipas ang dalawang linggo, natapos din ang exam week. Hindi pa rin kami lumabas dahil gusto naming magpahinga after ng dalawang linggong stress. Pagkatapos noon ay lumabas na ulit kami. Tatlong linggo kaming tuluy-tuloy na lumalabas, kapag weekdays ay tuwing uwian kapag naman weekends ay mula umaga hanggang hapon o kaya naman ay gabi.

Masaya naman kaming dalawa. Habang tumatagal ay may nakikilala namin ang isa't isa. Hindi ko pa nga nasasabi kala Nicole na nagde-date kaming dalawa dahil sa school, sulyap at palihim na ngitian lang kaming dalawa. Ako ang humiling na ilihim namin ang tungkol sa aming dalawa, noong una ay ayaw niyang pumayag pero pinilit ko siya nang pinilit hanggang sa pumayag na siya.

Hindi din naman napapansin nila Nicole na may something na sa akin dahil busy din sila sa kanya kanya nilang buhay at sinisigurado ko din na hindi ako mahahalata. Ayoko pang sabihin dahil nahihiya pa ako.

Oo nga pala, okay na din kami ng parents ni Dylan. Yup, okay as in boto na sila sa akin. Paano nangyari? Well..

*Flashback*

Sumilip ako sa loob ng bahay nila Dylan. Sabado ngayon, walang pasok. May date ulit kami kaso hindi niya ako masusundo sa bahay at pinapunta niya ako dito para dito na lang daw kami magdate. Ewan ko ba doon, sabi niya maghahanda na lang daw siya ng makakain namin. Nagsawa na siguro sa mall. Haha!

Pagkasilip ko ay tahimik ang bahay except sa konting ingay sa kusina, siguro ang mga maids iyon. Pumasok na ako nang tuluyan. Tinext ko si Dylan na nandito na ako sa bahay nila. Agad naman akong nakarinig nang pagbukas ng pintuan sa pangalawang palapag at nakita ko agad si Dylan, nginitian ko siya. Sinenyasan niya ako na umakyat, sinunod ko naman siya.

"Sorry, hindi kita nasundo. Naglinis kasi ako ng kwarto ko." tumango ako at ngumiti.

"Ayos lang. Tapos ka na ba?"

"Hindi pa e, pero malapit na. Gusto mo bang pumasok sa loob?"

"Nako, huwag na. Makakaistorbo lang ako sa'yo, hihintayin na lang kita sa sala." iling ko at tumango naman siya. Bumaba ulit ako at umupo sa sofa. Wala ata sila Ate Dindin, hindi ako sigurado kasi nagpahatid ako kay Manong Arthur dito, hindi ko napansin ang garahe nila.

Tahimik lang akong nagmamasid sa buong sala. Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pala napagmasdang mabuti itong sala nila no'ng pinakilala ako ni Dylan sa pamilya niya. Naputol lang ang pagmamasid ko no'ng may marinig akong ingay sa kusina at isang mahinang tili. Napatayo ako agad at pumunta sa kusina.

Sinilip ko kung anong nangyayari doon. May nakita akong isang babae na nasa may sink, hindi ko alam ang ginagawa niya dahil nakatalikod siya sa akin, may isang tray na nasa sahig siguro iyon ang nalaglag kanina, nagkalat din ang cookies sa paligid nito. Nakabukas din ang oven. Napansin ko na walang ibang tao dito. Nasaan ang mga maids nila Dylan?

Lumapit pa ako lalo, naririnig ko na ang mahinang pagngiwi no'ng babae. Sinubukan kong silipin kung sino itong babae kaso masyado akong malayo.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now