Chapter 22

41.7K 471 111
                                    

Chapter 22

Buong buwan ng May ay ginugol ko sa pag-aayos ng sarili at sa pag-iimbestiga tungkol kay Dylan. Inalam ko kung saan siya mag-aaral, anong course ang kukunin niya pati na ang schedule niya. Sa pag-iimbestiga ko ay nalaman ko na parehas silang dalawa ni Nadine ng course na kukunin, university at ng schedule. Talagang pinagplanuhan nila ito ha?

Ginawa ko ang lahat para magtama ang schedule naming dalawa ni Dylan pero syempre hindi ko kinuha ang course niya. May pangarap din naman ako na gusto kong matupad. Hindi porke maghihiganti ako sa kanya, isasantabi ko ang mga pangarap ko. No. Kinuha ko pa rin ang gusto kong course which is Fashion Designing pero ang schedule ko ay tinatama ko sa schedule niya gaya ng oras ng break time niya at ng dismissal niya, parehas kami. Pati ang mga room na gagamitin ko ay sinigurado ko na kung hindi katabi ng room niya ay magkakasalubong pa rin kaming dalawa sa corridor. Syempre para magawa ko ang mga 'yon ay gumamit ako ng mga connections ni Daddy sa business niya. Naka-usap ko ng personal ang may-ari ng South University at agad naman siyang pumayag sa gusto ko. Ito ang unang beses na ginamit ko ang connections ni Dad dahil kahit kailan ay hindi ako nanghingi ng tulong mula sa kanila, ngayon lang talaga.

Hindi rin pala masama magkaroon ng madaming connections, mas napapadali ang mga bagay-bagay. Hindi pa ako nagpapakita kala Nicole kahit na nagyayaya na silang makipagkita sa akin.

Isang linggo na lang pala at magsisimula na ang klase. Nakahiga ako sa kama ko at nakikipag-usap kay Nicole.

(Ano? Sasama ka na ba?)

"Ewan ko lang, Nicole. Baka kasi may gagawin ako ngayong araw."

(Ayan ka nanaman sa mga excuses mo e! Ah basta, aalis tayo! Kung kinakailangang puntahan ka namin dyan sa bahay niyo at kaladkarin ka palabas, gagawin namin.)

Napabuntong-hininga na lang ako. Kapag talaga siya ang pumilit, hindi pwedeng hindi ka papayag.

"Oo na, oo na." 

(Mabuti. Osiya, maligo ka na at mag-ayos, ganon din ako.)

"Okay. See ya."

(Alright.)

Binaba na namin ang tawag. Bumuntong-hininga ulit ako bago bumangon. Hinagilap ko ang charger ng phone ko at chinarge 'yon bago ako dumiretso sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Shorts at loose shirt na puti na may print na '21' sa harapan, naka-tuck in sa bandang harapan 'yong shirt. Nagsuot din ako ng Chrome Hearts na belt at high cut na sapatos. Kinuha ko ang diamond necklace ko na bigay ni Mommy before at itim na Rolex watch. Nag-apply ako ng powder sa face, pink na lipstick at eyeliner.

Saktong pagtapos kong mag-ayos ay tumawag na sila Nicole na papunta na sila doon. Dali kong kinuha ang LV na shoulder bag ko at umalis na.

Pagkadating ko doon ay dumiretso ako sa Starbucks. Pumasok ako at naghanap kung nandito na ba sila pero wala pa pala kaya umupo ako sa table sa may tabi ng glass wall. Tinawagan ko si Nicole.

(Hello?)

"Asan na kayo?"

(Eto na, naglalakad na papunta dyan.)

Naputol na ang linya saktong biglang bumukas ang pintuan. Nakita ko sila at napangiti agad. Nilibot nila ang paningin nila. Lalo akong ngumiti no'ng napatingin sila sa direksyon ko, akala ko ay papansinin nila ako pero dinaanan lang nila ako nang tingin. Ngumuso ako at napabuntong-hininga. Biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Nicole. Sinagot ko naman.

(Asan ka? Bakit hindi ka namin makita?)

"Tingin ka sa kaliwa mo." tumingin naman sila. Pero talagang hindi nila ako namumukhaan. Tinitigan ko sila hanggang sa nakita ako ni Steffi at napahawak siya sa bibig niya sabay turo sa akin. Sabay sabay silang lumingon sa akin. Binaba ko ang tawag at nilapitan sila. They are still gaping at me. I rolled my eyes.

"O? Hindi niyo man lang ba ako babatiin?" nakangisi kong sambit. Ilang segundo pa ang lumipas bago sila tumili at niyakap ako. Nakita kong tinitignan kami ng mga tao sa loob, as in LAHAT.

"O, tama na. Hindi na ako makahinga." tapik ko sa kanila. Bumitaw sila at muli akong tinitigan. Nakikita kong talagang natutuwa sila sa aking ginawa.

"Grabe! Ang tagal na din mula no'ng huli ka naming nakitang nakaganito. Bumalik ka na talaga ulit, Cinds! Bumalik ka na ulit!" masayang sambit ni Nicole sa akin. Natawa naman ako ng bahagya. Tumalim ang aking mga tingin at unti-unting ngumisi habang tinitignan sila isa isa.

"Yes. I'm back. I am really back."

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now