But now that she thinks about it, naawa siya sa lalaking iyon mukha kasing pinagtripan ng pagkakataon. Sa palagay niya ay nautusan iyon ng mga barkada din nito or probably a bet, napatango-tango nalang siya sa kanyang sarili.

            Pagdating niya sa opisina ay maaga pa ng isang oras keysa sa nakaset na time kung kailan magsisimula ang queing ng calls. Kailangan niyang iset up ang computer niya at buksan ang kailangang mga system support niya. Kailangan din niyang magsend ng mga emails sa team niya para sa schedule ng mga ito sa susunod na linggo at kung kailan ang rest days ng mga ito. Wala namang nagtext sa kanya na walang papasok sana nga lang ay ganoon nga ang mangyari.

            Naicheck na rin niya ang mga stats ng team members niya, may ilang nangungulelat may iba naman mataas ang stats which is good. After few more minutes ay nagsidatingan na rin ang mga teams niya at nagseset-up na rin ng mga computers nito. They have a short hurdle before the meeting briefing her people about what to do and what to expect sa linggong iyon, trabaho niya iyon. 

            Nagsimula na ring magtake ng calls ang mga ito, ilan sa team niya ay tenured na kaya hindi na niya kailangan pang alalayan. Iyong newbies naman ay pilit na ipinoprove sa kanya na kaya na nila nagpapaimpress kung baga.

            "Hey TL Diane." Bati sa kanya ng isa pang TL nila na binabae, pero kung titignan may mas babae pang tingnan sa kanya.

            "TL Mon, how's your weekend?" Of course hindi naman siya palaging nasa harap ng computer niya nakatingin kailangan din niyang magrelax, perks of being a supervisor.

            "My weekend? It's the best-." Pinalapit siya nito dahil magsasalta na ito ng tagalog at hindi pwedeng marinig ng mga nagtetake ng call kasi nga EOP zone ang production room. "Nagdate kami ni MIkee ko and we have fun."

            Ngumisi siya. "Anong klaseng fun?"

            Mon rolled her eyes. "Super fun masakit pa nga ang beywang ko sa kaka-exercise namin."

            That exercise means something else. "Gaga anong klaseng exercise? Did you video it? Pakita tapos ibebenta ko sa pornsite for sure malaki ang bayad nila sa video mo."

            Binatukan siya nito tapos bumungisngis. "No way for personal use lang iyong video namin hindi pwedeng ishare baka kasi pagnasahan mo pa si Mikee ko."

            "Baliw! Kung magnanasa man ako hindi kay Mikee iyon kundi." Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Girl masarap kang pagnasahan."

            Ngumiwi ito sa sinabi niya, "Girl, hotdog ang gusto ko ayoko ng hamburger." Tinakpan niya ang bibig niya or else maririnig sa buong floor ang tawa niya sa reaksyon ng kanyang kaibigan. Dito siya naimmune sa mga green jokes, sanay na sanay na siyang makarinig sa mga ganoon. At saka sanay na siya kay Mon dahil nga sa gay ito kaya palagay ang loob niya dito and he is one of the few guys who can touch her.

            Yes, she can't be touched by men dahil nahihimatay siyang bigla. Her tita said na baka daw dahil iyon sa nangyari sa kanya at kanyang mga magulang noong anim na taong gulang pa lamang siya kung kailan napasama siya sa aksidente. Kaso wala na naman siyang maalala sa mga nangyari and everything she knew ay nabanggga ang kotse nila sa isang malaking puno, iyon kasi ang sinabi ng mga tita niya.

            And since then everytime she was touched by men or boys, she fainted, she felt suppressed, para bang hindi siya makahinga and she felt pain. Kaya ayaw niyang pahawak, sabi naman ng psychologist niya curable daw iyon dahil nasa utak lang daw ang mga iyon. Kailangan lang daw niyang masanay at maging panatag kaso hindi naman madali iyon. Si Mon, dahil nga sa alam niya ay bading ito bago pa man siya nito mahawakan ay naging panatag na siya dito and truthfully, hindi siya nahimatay ng hawakan siya nito.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon