"HINDI ba natin sasabihin kay Diana ang tungkol dito?"

            "Huwag na marami ng inaalala ang batang iyon hindi tayo pwedeng dumagdag." Napakunot ang noo niya ng paglabas niya sa kanyang silid ay narinig niya ang usapan ng kanyang mga tiyahin.

            "Ano po ang hindi pwedeng idagdag?" kunot-noo pa rin niyang tanong. Iyon lang kasi ang naabutan niya sa usapan ng dalawa.

            "Itong asukal sabi ko kay Rosenda hindi pwedeng dagdagan ng asukal ang kape niya dahil baka madiabetes na itong matandang ito."

            "Sinong matanda?" natawa siya sa bangayan ng dalawang tiyahin niya ang bahay nila ay walang dull moments kapag nandito ang dalawa. Their house is like their palace.

            "Huwag ka ng magkape tita baka hindi ka na makatulog niyan." Aniya at umupo na sa hapag kainan, ang oras ng hapunan ng  mga tiyahin niya ay ang oras naman ng kanyang agahan. She's already dressed for work, nasa braso na niya ang isang makapal na jacket na panangga sa lamig dahil sa kasamaang palad iyong station niya ay sobrang lapit sa aircon.

            "Hindi na nga lang ako magkakape at ikaw bata ka kumain ka ng marami baka himatayin ka sa trabaho mo."

            "May ganoon tita Weng?" biro niya sa mabait na tita niya. "Hindi ako hihimatayin doon maraming kape sa pantry na pwede kong laklakin para hindi ako himatayin sa antok." Biro niya dito. Kumakain na sila ng mapansin niyang medyo tahimik ang dalawang ito kaya siya nagtaka.

            "May problema po ba?" takang tanong niya.

            "Wa-wala Diana napagod lang kami kanina sa trabaho." All her titas as teachers.

            "Magpahinga na kayo dahil papasok na ako sa trabaho at maglock kayo ng pintuan para walang makapasok. Pero buksan niyo po iyong mga bintana para makapasok ang mga lalaking pwede niyong makalaro ng jack n poy." Biro niya sa mga ito na naging dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ng mga ito.

            "Ikaw talagang bata ka ang bastos niyang bibig mo anong makakalaro ng jack n poy?"

            Inosenting tiningnan niya ang mga tiyahin but her smile is far from innocent. "Why? Hindi ba pwedeng maglaro ang dalawang tao ng jack n poy? Wala akong gustong sabihin tita, kayo ang nag-assume."

            Kukurutin na sana siya ng mga ito ng bigla siyang tumayo at kinuha ang jacket at bag niya. "Bye titas and enjoy your jack n poy!" natatawang lumabas siya ng bahay at naghanap ng pwedeng masakyan. Ngingiti-ngiti pa rin siya sa naging reaksyon ng mga tiyahin niya kahit kailan hindi pa rin immune ang dalawa sa bibig niya mabuti pa ang mga kaibigan niya ay parang kanin nalang kasi sobrang sanay na sa kanya.

            And then her mind went back to what happened a night before when she's enjoying her night in Primero when out of the blue someone goodlooking... alright he is quite handsome suddenly proposed to her. Kung hindi lang siguro bar iyon malamang naniwala na siya sa sinabi nito, seryosong-seryoso kasi tapos kulang nalang ay lumuhod sa harap niya. And since she doesn't want to spoil the moment kaya nag-yes siya and then she left the place kasi sobrang natatawa na siya sa mga sandaling iyon. At masyado ng late at kapag nanatili pa siya doon ay baka hindi na siya nakaabot pa sa bahay nila dahil sa lasing na nga talaga siya.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now