May ilang beses din na itinatransfer niya ang mga calls kahit na pwede naman niyang iresolve, wala lang masaya ang life eh. Bakit naman niya pahihirapan ang buhay niya kung hindi naman talaga siya seryoso sa kanyang ginagawa, nagbabalak pa nga siyang mag-AWOL na hindi pa naman nangyayari.

            Minsan ay naiinis din siya sa real time analyst nila na kapag lumagpas lang sila ng ilang segundo sa break nila ay isisigaw na sa buong production room ang pangalan mo. At sa quality analyst na kapag mag-eevaluate ng calls ay sasadyaing iyong panngit na calls ang iiscore para lang bumaba ang scores mo, pero hindi naman lahat, tsamba-tsamba lang. Tapos iyong hindi mo alam na nakikinig iyong team leader mo sa call mo at iyong kausap mong customer ay mas malandi pa sa higad  at itatanong kung pwede bad aw siyang idate kasi parang ang sexy daw niyang pakinggan sa phone and since they are building rapport ay kailangan nilang maging firm at hindi papatol pero minsan kapag bored ka na talaga ay pinapatulan nalang niya para makakuha siya ng magandang feedback pandagdag sa kanyang statistics.

            Saka niya naisip na iyong trabahong akala niya ay pambobo lang ay napatunayan niyang hindi pala, working in a call center requires multi-tasking abilities. Kailangang matalino ka para lusutan ang mga problema ng customers at imemorize ang mga cons and pros ng product na isineservice niyo. Dapat marunong ka rin ng kaunting technical support kahit na sa sales ka at iyong technical support kailangang may alam din sa sales. While your brain is working your mouth is speaking and your hands were navigating the system. Pasakit pa kapag naghang ang buong system at irate ang customers mo. Kung kailan ka nagmamadali saka pa naghahang ang walang kwentang system kasi nga may system upgrade. System upgrade their face talagang obsolete na ang mga systems nila.

            Ilang call center company na ba ang nalipatan niya, pang-apat na nga yata ang pinapasukan niya ngayon. Dito lang siya nagtagal kasi maganda ang sweldo although mahirap ang account na hinahandle nila kasi nga it's a telecommunication company sa ibang bansa, tapos iyong mga tao doon hindi yata marunong magbasa ng bills dahil pati doon ay kailangan pa nilang eexplain. Mabait ka si ang boss nila, he's a Filipino too at maraming may crush sa lalaking iyon kaso nga kasal na, kakakasal lang nito kamakailan at noong makasal ito ay may increase sila kaya mas lalo siyang nanatili doon.

            She's not working in a big corporation but she is proud of her job kasi nga hindi madali ang mga ginagawa niya. She started as an agent and then she was promoted as a QA hanggang sa maging team leader siya. She needs to check if her team is working well and so far wala naman siyang problema maliban nalang sa palaging absent iyong iba dahil maraming namatay na member ng pamilya o kaya naman ay iyong may mga sakit, sakit na minsan ay hindi na nag-eexist kahit na alam niyang sobrang healthy naman. Iyong pumapasok na lutang pa ang utak at lasing pa.

            Kahit pasko ay kailangan din niyang magtrabaho kasi nga kahit holidays business as usual tapos double pay pa, sino ba ang aayaw sa bagay na iyon? Hindi siya maliban nalang kung may lakad ang barkada saka lang siya aabsent o hihingi ng leave. Kung tutuusin wala din silang social life pero nagagawan din naman ng paraan iyon kaya nga hindi niya masisisi kung halos lahat ng laman ng mga bars and clubs ay mga tulad niya, hindi naman lahat pero marami-rami din kasi doon lang nila pwedeng mairelease ang stress sa ilang araw na pagtatrabaho nila.

            Her aunts were telling her to look for a job na fit sa kursong kinuha niya pero tinamad na siyang maghanap ng ibang trabaho at sanay na siya sa ginagawa niya. They respects her decision kaya naghintay nalang ang mga ito na siya na mismo ang aalis sa trabaho niya, that's why she loves her aunts so much to the point na handa niyang ibigay ang lahat para sa mga ito gaya ng ginawa ng mga ito sa kanya.





ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon