💗Chapter 25🔞

710 20 3
                                    

💗Friend's with benefits"❤️
Romantic-Comedy

💗Chapter 25🔞

#Venus_POV

Nagdadalawang isip pa kong kumatok at magtanong kung may paliguan sya sa kwarto nya.

Paikot ikot lang akong naglalakad sa harap ng pinto sa kwarto ni Mathew.

Pag di ako nakaligo hindi ako makakatulog ng maayos.

Nangangamoy din saakin yung kinain ko kanina kaya kailangan makaligo sa gabing ito.

Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto sa kwarto ni Mathew.

Pariho kming nagulat ng mabuksan ang pituan nya.

"Anong ginagawa mo sa harap ng pintuan? " Tanong nya saakin.

Hito na pagkakataon monang itanong sa kanya.

"Ah.. kasi ano. Walang shower sa kwarto namin. Magtatanong sana ako kung may shower sa kwarto mo?"

" oo mayron. " Sabi nya

"Pweding makiligo?"

"Bakit kailangan mo pang magpaalam? Maligo ka kung kailan mo gusto. "

"Ah.. ganon ba. . Sigi maliligo na ako. " Sabi ko at pumasok na ako sa loob ng kwarto nya.

Nagpatuloy naman sya sa paglabas nya sa kwarto. Malamang kukuha yun ng maiinom nyang tubig.

Mahilig kasi syang uminom ng tubig bago matulog. Pansin ko rin na kakatapos lang nyang maligo.

Pumasok na ako sa banyo.

Malaki ang banyo. Hiwalay ang banyo at sa shower , namangha ako dahil may bathtub pa.

Mukhang ang mahal ng kwartong to.

Sinimulan ko nang lagyan ng tubig ang bathtub.

Hinaluan ko na rin ng sabon

Wow sobrang bango pa ng sabon. Mabango pa kesa perfume ko.

Nang mapuno na  ang bathtub at puno na rin ng bola ay naghub*d na ako para maligo na.

Ang sarap sa pakiramdam habang nakababad ako sa tubig. Katamtaman lang ang init ng tubig.

Kaya masarap sa pakiramdam.

Napakaswerty yung taong may ganito sa bahay.

Habang feel na feel ko yung paliligo ko ay biglang may kumatok.

"Are you done!" Sabi ni mathew.

Kahit kailan talaga panira ang lalaking ito. Ano ba ang problema nya bakit nang iisturbo sya.

"Hindi pa ako tapos!" Sigaw ko sa kanya.

"Nandiyan ba sa loob ang cellphone ko." Tanong nya saakin.

Hinanap ko naman ang cellphone nya.

Ayon kita kona yung cellphone nya.

At bakit naman sya nagdadala ng cellphone sa loob ng banyo?

"Oo nandito nga. . Mamaya mona kunin pagkatapos ko." Sigaw ko sa kanya.

"Sigi! Pero bilisan mo." Sabi nya sa labas.

Kinuha ko yung cellphone nya.

Gusto kong makita kung bakit nya dinadala sa loob ng banyo ang cellphone nya.

Aba!

Bagong cellphone.

Kakalabas lang ng unit na ito ah.

🌹Friend's with benefits🌹On viuen les histories. Descobreix ara