💗Chapter 31🔞

600 8 1
                                    

💗Friend's with benefits"❤️
Romantic-Comedy

💗Chapter 31🔞

#Venus_POV

Matapos ang pag uusap namin ay nagpaalam mona ako sa kanya para  mamalingki.

Bumisita kasi ang tita at mga pinsan nya kaya may makkasama sya habang wala ako.

Pero ang totoo gusto ko monang makaiwas kay Matt.

Gusto ko monang mapag isa dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko. Hindi ko maikakaila na nasaktan ako.

Kaya nga ayaw kung magmahal dahil ayaw kung masaktan. Pero hito ako at nararanasan ko na ang bagay na gustong iwasan.

Hindi ko pala maiiwasan ang masaktan.

At sa palagay ko walang sino man ang makakaiwas. Lahat ng tao mararanasan ang masaktan.

Nagagalit ako gusto kung magwala. Ayaw ko sa pakiramdam ng ganito.
Hanggang ngayon ay malinaw parin sa isipan ko ang mga sinabi nya saakin.

"Wala pa kasi akong masyadong maalala. Kaya pwede bang magkaibigan nalang mona tayo."

Muling nagpaulit ulit sa pandinig ko ang sinabi nyang iyon. Napapikit ako dahil sobrang sakit na. Pilit kong nilalabanan ang sakit na nararamdaman ko.

Nagtungo mona ako sa isang lugar kong saan maari akong magpalipas ng sama ng loob.

Sa isang lugar kung saan tanaw ko ang mga batang naglalaro.

Sa may park ako ng tungo.

Nakaupo lang ako at pinagmmsdan ang mga bata.

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

Pinapayapa ko ang sarili kong kaisipan. Nag iisip ako ng mga positibo para naman mapagaan ko ang bigat na nararamdaman ko.

Kailangan ko nang makabalik baka hinahanap na ako ni Mathew.

Hindi man nawala ang sakit na narardaman ko, pero kahit papaano ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko nang dahil sa mga batang naglalaro.

May pinanghahawakan pa ako.

Manatili man kaming maging magkaibigan ni Matt. Mananatili sya sa puso ko mag iba man sya ng maramdaman hindi parin magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Tibay at lakas ng loob lang ang kailangan ko. Makakaya ko ito.

Mga pag subok lang ito para saamin na dapat malampasan.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

#Mathew_POV

Nakauwi na sina tita at ang mga pinsan ko pero hindi parin dumarating si Venus.

Masyado ko ba syang nasaktan?

Habang nag uusap kami kanina at sa tuwing binibigkas ko ang sinabi ko may kung anong  kirot na nararamdaman ko sa puso. At malamang nasasaktan din ang puso ko. Siguro nga wala akong matandaan pero ang puso ko natatandaan kong ano ang nilalaman nito.

At ito ang gusto kung alamin.

Pero ang hindi ko maintindihan bakit sarili ko pang kaibigan?

Maski isa sa mga katangian nya ay hindi ko gusto bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit ganito katindi ang epikto nito saakin?

Kailan  kaya nagsimula ang nararamdaman ko para sa kanya?

Isang saglit lang na hindi ko sya nakikita para akong mababaliw. Ganito ba katindi ang pagkagusto ko sa kanya?

🌹Friend's with benefits🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon